Chapter 22

3.2K 81 15
                                    

A/N: I'm happy and I know I should update this story.

Chapter 22: I'm just a broken hearted girl.

--

Ang hirap, ang hirap paniwalaan ng isang bagay kung ikaw mismo ang nakakakita ng kamalian. Hirap paniwalaan ng taong nagsisinungaling. 

--

Sofia Michelle's POV

Masaya ako, Masaya ako dahil natuwa si hubby sa ginawa kong surprise para sakanya. Plinano ko na 'yon nung nasa manila palang kami at masaya din ako na nagawa ko 'yon ng maayos. Salamat na din sa tulong ng mga kasambahay at driver namin. It was 10 o'clock in the morning at nakapagbreakfast na din kami, Second day namin dito sa resort. Binigyan na din namin ng allowance yung mga kasambahay tsaka driver para kung may gusto sila bilhin ay may maibili sila. Nagtry din kami ng mga water sports adventures tas kung ano ano pa ginawa namin. All in all, sobrang saya ng short vacation namin.

- super fast forward -

October 10 20xx

Hindi naman masyado exciting yung mga pangyayare noong nakaraang buwan. After kasi nung short vacation namin ay back to normal na ang lahat. Sila Mommy at Daddy ay nandito padin sa pinas, and i hope they will be staying here for good. Ako, pinasok ko na din ang pagtatrabaho. Hindi nga lang sa company kasi ayoko naman ng mabigat na trabaho lalo na't nagsisimula pa lang ako. Mas pinili kong magtayo ng isang small boutique. Ginamit ko na din muna yung kakaunting naipon ko para maipatayo itong Ultimate Love Boutique. Mga damit ung binebenta namin dito, girly stuffs. Like dress, statement shirts, sandals or kahit ano pa. Basta ayon, so far so good. Maayos naman ung takbo ng boutique na 'to. At dahil nga sa itinayo kong 'to. Medyo nadagdagan na din ung ipon ko. And I'm hoping na sana, tumaas lalo ung benta at gusto ko din na mas mapalakihan ko ung boutique ko na 'to. 

Anyways, Hubby is celebrating his birthday ngayon. Last week ko pa iniisip kung ano magandang surprise, and sana magustuhan nya 'tong gagawin ko na 'to para sakanya.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng  company building namin. Plano ko kasi na dito kami magdate. Yung kaming dalawa lang. Yung walang ibang taong aagaw sa oras nya. Yung oras nya na dapat saakin lang talaga nakatuon. This past few days or months, masyado na talaga syang nagiging busy kung dati sikat lang sya ngayon lalo na talaga syang sumikat.

Time Check: 5:30 pm Tamang oras para masaksihan namin ang paglubog ng araw. A romantic view I guess?

I dialed Hubby's number. Agad naman nitong sinagot ung tawag ko sakanya.

(Hi Babe, why?) Bungad nito saakin.

"Hi hubby, Punta ka naman dito sa company deretso ka sa rooftop okay? I love you so much. Always and forever" I said at inend ko na agad ung tawag. 

Simple lang naman ung ginawa ko, may table sa gitna syempre ung maayos naman may table clothing din na white and red. Hindi ako naglagay ng mga candles, dahil mamatay lang din naman 'to. Instead, nagpalagay nalang ako ng lights sa paligid. 

Inaantay ko padin sya hanggang ngayon, lumubog na ang araw at pinagmasdan ko 'to magisa. Muli kong tiningnan ang relo ko. 9:00 na pala at hanggang ngayon wala padin sya. Lumamig na ang mga pagkaing inihanda ko. Nagdilim na ang palagid pero wala padin sya. Tumingin ako sa langit, wala man lang kahit isang bituwin. Pinatay na din ang ilaw dito sa rooftop dahil siguro akala nila wala na kami dito. Tanging ang bilog na bilog na bwan nalang ung nagbibigay liwanag sa paligid. Pinagmasdan ko ang city lights, mas maganda siguro 'to pagmasdan kung kasama ko sya dito. Kahit tawag man lang mula sakanya ay wala. 

Naramdaman kong sunod sunod na pagpatak ng ulan, kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Birthday nya, balak ko sana syang pasayahin pero hindi sya dumating. Nasayang lahat ng efforts ko. Nagantay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang bumaba. May mga nagtatrabaho padin mga nag OT siguro.

"M-ma'am. Nandoon pa po pala kayo... sa rooftop? Ang akala po namin ay umuwi na po kayo. Sorry po ma'am"  Sabi nung isang guard. Nagpahatid nalang ako sakanya sa kotse at ako na mismo ang nagdrive. Hindi ko padin mapigilan mapaiyak. Hindi naman ako dapat umiyak, pero diba nageffort ako para sa birthday nya pero hindi sya nakasipot. I wonder why.

Nagddrive ako ng may napansin akong familiar na kotse, kung hindi ako nagkakamali kotse yon ni zam. Napansin kong may isang familiar na likod ng lalaki galing sa isang simpleng bahay. Si zam nga. Kinuha ko yung cellphone ko at agad syang tinawagan.

"Where are you?" Bungad ko sakanya. 

(A-ah.. Fia, sorry. Andito ako sa parking lot ng company.) Sabi ne'to. Sinungaling.

"Liar" Sabi ko at agad agad na inend call ung tawag. Tinawagan nya ako pero hindi ko na nagawang sagutin pa ito. Hindi ko alam kung bakit nagawa pa nyang magsinungaling sakin. Ngayong kasal na kami at sobrang tagal na amin pero ngayon nya pa nagagawa yung ganitong bagay.

Kaya ba sobrang saya namin sa unang libre ng buhay namin dahil sa pangalawang libro at sa susunod na libro ay hindi namin magagawang maging masaya? Bakit naman ganito pa ginawa ng Diyos ang pangalawang libro namin. Bakit hindi nalang mula simula hanggang huli kami maging masaya?

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarating sa bahay. Mabuti nalang at hindi ako naaksidente. Agad agad akong nagtungo sa kwarto ng kambal.

Hinaplos ko ang mukha ng dalawang anghel ko sa buhay. Diyos ko, bat namin ganito ang nangyayare saamin? Ano naman po bang ibig sabihin nito. Simula palang ito madami pang dadating na problema. Ayoko lang na nagsisinungaling sya sakin. I want him to be honest.

"Baby Zay, Baby Zafie, lagi nyo tatandaan na sobrang saya ko kasi binigay kayo saamin ng Diyos. Sobrang love na love ko kayo baby. Lagi nyo tatandaan yan ha" Sabi ko sabay iyak na naman. Iyon ang huli kong natatandaan hanggang sa makatulog ako. 

This love will be Forever (NCP Book2- Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon