"Good evening Eazhel!"

Pffft... Ano daw? Buti hindi sya naiisipang bugbugin ni Lex dahil sa pagtawag nya sa pangalang iyon. Tiningnan nya lang ito at tumalikod para magpunta sa mga kasama nya. Napapakamot na lumapiy sa akin si Clyde. "Geez, ang hirap talaga kausapin ng kapatid mo. Hindi mo alam kung anong nararamdaman, kung galit ba o ano." Napatawa naman ako sa sinabi nya. "That's my baby. Expression was hidden to another expression. It applies only to her though." Everything became silent over that. Nang dumating ang iba at ang Star Section ay naisipan naming umalis dahil nagiging crowded na ang backstage.



As we enter a huge empty room humiwalay sa amin ang grupo nina Lex.

"So official na kayo Clyde?" Biro ng isa kong kaklase. Nag Ooohh~ naman yung iba para asarin si Clyde. "Ano bang ibig mong sabihin?" Nagmamaang maangang tanong nya. "Sus, yan o dude. Boto sayo si Eron." Sabi nito sabay tapik sa balikat ni Clyde.

"Pero papaano naman yung dalawa? Si Eroll at Eren?" Tanong ni Rav.

Well, if those two found out that Clyde was really courting Lex then their expression will be priceless. "Minsan tanga ka din eh. Syempre iisa ang takbo ng utak ng tatlong iyan. Malamang boto din yung dalawa." Sabi ni Deon sabay batok kay Rav.

"Pero pare ang sa amin lang support ka namin. Alam naman ng lahat na mahirap kunin ang loob ni Lex diba Eron?" Tumango ako. "Tsaka isa pa, madami  kaming back up mo. Kung kailangan mo ng shield para proteksyon sa kapahakan na dulot ni Lex bibigyan ka namin." Binatukan ko naman si Deon. "Amazona nga ang isang yun pero wala yang paki sa kung sino ang nasa paligid nya. Unless she was possess by the so called 'Mischief'."  Gatong ko. Maya maya ay umalingawngaw sa buong kwarto ang tawa ni Kioji. Napatingin pa nga sa direksyon namin si Lex. Ang ingay kasi ng isang 'to. -_-

"Parang tanga. Manahimik ka nga." Binato ni Gyliard si Kioji ng soda in can na ikinailag nito. "Alam ko na. Simula't sapul pa lang alam kong ganito na ang mangyayari." Iiling iling na sabi ni Kioji. "Ano na namang pinagsasabi mo dyan?" Natatawang tanong ni Rav. Pati tuloy ako napapakunot ang noo sa curious. "Yung mga panahong pagtitinginan nyo, yung maliliit na gesture. Tsk! Hindi yan nakaligtas sa matatalas kong mata." Huh? Ano daw? So dati pa pala meron na? "Tsk! Umayos ka nga." Sabay tapik ni Deon sa balikat ni Kioji. "In the very first time they met. On their first eye contact there's a 'rage of passion' that's 'hard to contain'." Parang nagku-kwento si Kioji ng fairy tale. Para nga syang Ewan dahil may pa-gesture gesture pa. Bigla namang bumungisngis si Jaeidy na nakakuha ng atensyon namin. "You mean there's a 'rage of anger' and a 'passion to kill each other' that is 'very hard to contain doing revenge to one another'." Lahat kami ay napatawa sa sinabi nya. Woah! I didn't think of that! Doon nga pala nagsimula ang lahat. Nakipag high five ako kay Jaeidy dahil sa sinabi.


"Teka lang, naisip ko lang. Hindi ba close si Seath kay Lex. Papaano na yung isa mong kapatid na bunsong lalaki? Sa pagkakaalala ko mapili yun sa sinasamahan lalo na kapag babae." Napakamot si Clyde sa kanyang pisngi. "Well, I'm planning to invite her at the mansion. Tingnan ko na lang kung anong mangyayari. I hope he'll like her."


Oh~ I'm very sure that they get along well.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now