3

3 0 0
                                    

"No. Mali ka. I already knew you then. Hindi ko lang sinabi. Kilala na kita, kahit na hindi pa kayo ng boyfriend mo no'n." My world shattered. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang mali ng timing.

Nakikita mo ba? Mali e. Maling timing. Kilala mo ako noon, tapos ako, ni hindi ko alam na nag eexist ka sa mundo. The irony of it. Yes, I had a boyfriend. Kasabay ng relasyon niyo ay ang relasyon namin ng ex ko noon. What the hell. I did not even know you back then!

Nakilala lang kita kasi ipinakilala ka niya bilang boyfriend. Of course, she knows I had a boyfriend then, too. So technically, your then girlfriend did not cut ties with me, unlike what she did now.

Hindi ko alam na sa tuwing kinukumusta mo kami ng noo'y boyfriend ko, ay ang pag asang tumingin ako sa'yo. Bwisit ka. Hindi ko alam iyon dahil wala kang sinabi. Wala.

Kasi bakit? You had her then. You were happy. Only that, hindi ko alam kung ano'ng nangyari at nang sumunod na pag uusap nati'y hiwalay na rin kayo.

Hell, I could even remember myself giving you two advices when you were on the rocks kaya hindi ko inisip na ganoon. Hindi ko inisip na matagal mo na pala akong gusto.

Just imagine how fucked up that situation is. Medyo unfair, e. Bakit ganon? Hindi ba girlfriend mo siya? Oh e bakit ganito ka? Bakit?

Pero naniwala ako sa'yo. Naniwala ako dahil alam kong minahal mo naman siyang totoo. You would not even make an effort to keep your relationship back then if you did not love her, right?

So... Idinaan ko sa biro. Lahat. Idinaan ko sa tawa kasi ayaw kong malaglag. Natatakot ako. Hindi ko man iyon naamin, alam kong takot ako, kasi lahat ng effort mo may epekto sa'kin.

Naeexcite na akong mabasa ang maga text mo, at nadidisappoint ako kapag hindi ang pangalan mo ang lumilitaw sa phone ko. Nakakainis! Pinigilan ko ang sarili ko, sa totoo lang. Pinigilan ko. Kaso hindi ko kaya.

At mas lalong hindi ko inasahang sa isang simpleng mga salitang binitawan ko, magbabago lahat ng kung ano'ng mayroon tayo.

To: My Kind of AlmostWhere stories live. Discover now