Correction: EX-boyfriend

333 8 0
                                    

CHAPTER ONE

(Correction: EX boyfriend)

"Ang gwapo mo talaga David Gutierrez." sabi ko habang tinitingnan ang mga pictures ng isang super hot at poging lalaki sa closet ko. Mag isa akong tumatawa, mag isang nagsasalita. Parang baliw no? Well, ganyan talaga yung routine ko araw-araw.

"HOY DANIELLE! OMG maligo ka na! First day na first day eh!" sigaw ni Frida, bestfriend slash dorm mate slash nanay ko na rin. Since highschool pa kaming magkaibigan ni Frida, partners in crime kami kahit saan, sa cutting, sa pagdiskubre kung pano gamitin ang yosi. Diyos ko lahat na ata.

"Para namang first day ng college, eh third year na tayo." sagot ko habang nakatunganga pa rin sa mukha ni David Gutierrez. Lumapit si Frida sakin habang tinitingnan din ang mga litrato.

"Ay oo! Sige, tingnan mo lang yan all day I'm sure makakagradweyt ka niyan!" dagdag pa niya, haynako tong babaeng to. Palibhasa kasi brineak ng boyfriend two months ago kaya bitter. Ampalaya bitter.

Tumawa ako habang kinukuha yung tuwalya ko sa gilid ng kama ko. "Alam mo kasi, this year sa Breala college na rin yan mag-aaral kaya schoolmate na natin siya!" 

"Pano kung di pala siya sa Breala?"

"Yan ang hindi pwede, pinasa ko lang kaya tong university nato para makasama siya. Basta... hahanapin ko siya." sagot ko, hashtag feeling determined.

"Danielle Gonzales! Sa dinami-daming estudyante sa school natin akala mo talaga makikita mo yan?" Tanong niya ulit na pa bitter, tumawa lang ako. Well nagkakamali si Frida, I know my boyfriend.

"Frida Loyola, Kilala ko ang boyfriend ko, kahit nakatalikod o nakatuwad. Kilala ko yan." sagot kong pa confident habang pumapasok na sa banyo. Narinig kong tumawa si Frida.

"Wait wait girl! Ha-ha, correction ah, ex-boyfriend." then it hit me, napatameme nalang ako kasi oo nga, ex-boyfriend ko nalang siya. Pero for the record, siya lang yung lalakeng minahal ko. Swear.

It may be just a highscool love but It was real, for me.

After kaming mag break God knows how miserable I was, hindi na ako nag boyfriend pa ulit, kasi alam kong babalik siya. Now alam ko na magkikita kami ulit at babalik siya. Kasi three years ko rin siyang hinintay. 

Oo nga pala, I forgot to introduce myself, I'm Danielle Gonzales, pero tawag ng karamihan sakin 'Elle' I'm eighteen years old, turning nineteen, pero hindi pa masyadong nagmature yung utak ko sabi nila. Hihi.

Normal lang yung height, hindi mataba, hindi rin payat, sakto lang. I guess sakto lang ako sa lahat, No hindi ko sasabihing simple ako because I'm not.

They all say complicated ako dahil sa mga fashion kong both sophisticated yet decent. Minsan lang ako magkagusto sa isang tao, pero pag nagustuhan ko ang isang tao, wagas akong mabaliw. I won't say din na mayaman ako.

Let's just say my family can afford our needs, pero hindi masyado sa wants. We can afford, but we're limited. Si mommy ko kasi housewife lang. Yung dad ko, nagtatrabaho sa Sydney para samin ng little sister ko.

Finding number FiftyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon