|| 1st : Lies and Break Up ||

12 1 0
                                    

Khrace’s Point of View

     Marahas kong hinila ang buhok ni Chloe. Malandi tong babaeng to! Pagkatapos niya akong siraan kay Felix, nagkakalat pa siya ng hindi totoong mga kwento. Tsk! "Araaay! Bitawan mo nga ako Khrace! Wala akong ginagawang masama!" reklamo ni Chloe. "Anong wala ha!? Akala mo hindi ko alam na sinisiraan mo ako sa boyfriend ko? Nagkakalat ka pa ng hindi totoong kwento!" malakas na sigaw ko at tuluyan na kaming nagkasabunutuan. "Khrace! Chloe! Magsitigil nga kayo!" suway ni Felix sa amin dahilan kaya napatigil kami. Agad na pinuntahan ni Felix si Chloe at chineck ang lagay nito.

     Tsk! Ako lang naman yung girlfriend niya pero parang mas nag-aalala pa siya kay Chloe. "Ano ka ba Khrace! May balak ka bang kalbohin si Chloe!?" galit na bungad niya sa akin. Ni hindi man lang niya tinignan kong napano ako. "Stop it Felix! Mas concern ka pa talaga sa kanya ha? Wow! Ni hindi mo nga tinanong kung okay lang ba ako tas ganyan ka maka react sa kalagayan ni Chloe? Anong klaseng boyfriend ka!?" galit ko namang sagot sa kanya. Hindi makapagsalita si Felix sa sinabi ko. Tumayo ako at inayos ang suot ko. Tsk! Walang kwenta.

     "Sana nalang pala siya ang naging girlfriend mo, p*ta." mariin kong sabi at umalis. Habang naglalakad ako papuntang cafeteria hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Marahil nadala lang talaga ako sa galit sa mga sinabi ko kanina kay Felix. Di’ niya siguro alam na matagal ko ng alam na nagsisinungaling siya sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na nakikipagmabutihan siya kay Chloe behind my back. It's just ayaw ko lang talaga na makipagbreak muna sa kanya. Naputol ako sa pag iisip ng nilapitan ako ni Xyzee. "Hey Khrace!" masayang bati niya sa akin.

    Tumango lang ako at dumiretso sa malapit na table sa cafeteria. "Oh? Ba’t may pasa ka? Inaway ka ba ni Felix?" natatawang tanong ni Xyzee. "Wala, may naka away lang akong freshmen sa rooftop kanina." sagot ko naman. "Talaga? Nako! Sabi ko nangaba sayo, wa’g kang makipag-away, Yan tuloy!" sermon niya at pinisil ang pasa ko. "Araaaay!" malakas ko namang daing.  Masaya akong nakipagkwentohan kay Xyzee nang nabaling ang atensiyon ko sa grupong pumasok sa cafeteria. "Oh Xyzee? Diba sina Keith yon?" tanong ko kay Xyzee. "Oo nga!" excited niya naman sagot at lumapit kina Keith. Suuus ang sweet!

  "Hi babeee!" malakas na bati ni Xyzee kay Keith. "Oh hey baby! Musta ang klase mo? Tara join niyo kami ni Khrace kasama si Welian dito." yaya ni Keith sa amin. Agad kaming lumipat sa table nila Khrace at pumila na si Welian para sa mga order namin. "Oh Khrace! Ba’t di mo kasama si Felix ngayon?" out of nowhere na tanong ni Keith. "Ahh, uhmm. Busy kasi siya. Nag aaral siya sa library." wala sa sarili kong sabi. "Talaga? Ba’t nandito siya? At kasama pa si Chloe ah?" nagtataka namang tanong ni Xyzee. Kinakabahan na talaga ako ah.

   Tumingin ako sa kabilang table at nakitang masayang nagsasalo ng burger sina Felix at Chloe. Nakita kong tumingin si Felix sa direksyon namin. Bakas sa mata ni Felix na dissappointed parin siya sa ginawa ko kanina. "Tapatin mo nga kami Khrace, nag away ba kayo?" tanong Keith. Yumuko ako dahil hindi ako makasagot. Tumulo na naman ang mga luha ko. "Tss! Sabi ko na nga ba! G*go talaga ang lalaking yun! Pagkatapos niyong mag away sumama pa talaga siya kay Chloe ah?" galit na sabi ni Xyzee at akmang pupuntahan sina Felix at Chloe pero pinigilan siya ni Keith.

     Mas lalo akong umiyak sa ginawa ni Xyzee. "Naku! Khrace kung ako sa’yo? Makikipag-break na ako sa kanya" payo ni Keith. Pinatahan nila ako at saktong sakto dumating na Welian dala-dala ang mga pagkain. Kumain na kami at hindi nalang pinansin sina Felix at Chloe. Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako kina Xyzee. Pumunta na ako sa una kong subject sa hapon. Pagdating ko sa klase, nakita ko sina Felix at Chloe na sabay rin pumasok. Masaya silang nagkwe-kwentohan habang ako nanonood lang sa kanila. Napaka awkward ng sitwasyon namin. Mayaymaya lang, dumating na ang teacher namin at nagsimula ng magklase.

    Pagkatapos ng ilang oras, hindi ko namalayang tapos na pala ang last subject ko. Agad akong lumabas at tinawag si Felix. "Felix!". Lumingon si Felix at may ibinulong kay Chloe. Tumango si Chloe at umalis na rin. Lumapit siya sa akin at sinabing "Wa’g tayo dito mag usap Chloe, masyadong maraming tao. Dun nalang tayo sa rooftop." sabi niya at pumunta na kami sa rooftop. "Felix, ano na ba tong nangyayari sa atin? Ba’t mo ako iniiwasan?" malungkot kong tanong sa kanya. "Khrace, alam mo bang masyadong nasaktan si Chloe sa ginawa mo sa kanya kanina? Tinutulongan ko lang naman siya."

     "Talaga Felix? Tinutulongan mo siya? Wow. Ni hindi mo nga ako magawang kumustahin tapos may oras ka para tulongan siya?" reklamo ko sa kanya. "Pwede ba Khrace! Lagi nalang natin tong pinag-uusapan. Pagod na ako!" galit na sagot niya sa akin. "Sa tingin mo? Hindi ba ako napapagod? I don't even feel na may boyfriend ako. Akala mo hindi ko alam? Lagi ka nalang nag sisinungaling na nag aaral ka sa library. Yun pala nakikipaglandian ka lang kay Chloe." mariin kong sabi. Nagulat ako ng sampalin ako ni Felix. Hinimas-himas ko ang pisngi ko.

    Tumawa ako at sinabing "So sasaktan mo na ako ngayon? Tutal pagod na naman tayong dalawa, mag break na tayo. Malaya kanang lumandi kay Chloe." Agad na akong bumaba sa rooftop. Natulala si Felix ng sinabi ko yun. Pumunta ako sa pinakamalapit na girl's comfort room at ni-lock ang pinto. Hindi ko napigilang umiyak. Sayang ang mga panahong pinagsamahan namin ni Felix kung ganito rin naman ang kahahantungan. Sa tindi ng iyak ko, pulang pula ang mga mata ko. Hindi ko rin namalayan na 6 na pala ng gabi. Tinawagan ko si Xyzee at nag decide na dun nalang sa kanyang condo umuwi.

    Hindi ako pwedeng makita ni Kied na ganito. Baka magsumbong pa siya kina Mama at Papa. Dalawa lang kasi kaming nakatira sa condo ko dahil nagtatrabaho sina Mama at Papa sa ibang bansa. Lumabas na ako ng comfort room at pumunta na sa gate para hintayin si Xyzee. Pagdating ni Xyzee, nakita niyang napakapula ng mga mata ko. Hindi na niya ako tinanong dahil mukhang alam na niya ang nangyari. Sa halip niyakap niya ako at pumara na ng taxi. Makalipas ang ilang minuto, dumating na kami sa condo ni Xyzee. Mag isa lang kasi siya dito dahil nasa ibang bansa na rin ang kanyang pamilya.

   Binigyan niya ako ng masusuot at pinakain.  Dumiretso na rin ako sa kama niya at nagpahinga na kaming dalawa. Bago matulog, nagdasal ako at inisip ang mga nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang break na talaga kaming dalawa ni Felix. Sayang ang tatlong taon naming pagsasama. Ipinakilala ko pa siya sa mga magulang ko ng nagbakasyon sila dito last year. Malungkot man ang nangyari, masaya parin naman ako dahil kahit papaano nabawasan ang mga hinanakit  ko kay Felix dahil sa sinabi ko kanina. Sa lalim ng aking pag iisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

---------------------------------------------------------
End of Chapter 1.

     
  

Our Stereophonic HeartsWhere stories live. Discover now