At sa mga nagdaang gala ng barkada matapos ang 4th monthsary namin ni kumag ay napansin naming nag-iba na talaga ang timpla ng samahan nila Blake at Lester. Naguusap pa rin sila ngunit palaging si Blake ang nagsisimula at sagot lang ng sagot si Lester. Nabibilang rin ang kanilang mga salitang binibitawan di katulad noon na halos maging magkamukha na sila sa lapit nila sa isa’t isa.

At hindi lang ako ang nakapansin noon. Kundi ang buong barkada. Syempre, lahat sila ay nanibago sa ganoong itsura ng samahan nila Lester at Blake. Hindi rin sila sanay na hindi naguusap ang dalawa.

Tinatanong naman nila ang mga ito pero wala kaming nakukuhang matino at konkretong sagot mula dito. Ang tanging nasasagot lang nila ay, “Wala”, “May napag-usapan lang”, “Ewan”, at “Hindi ko alam.” Mga sagot na hindi namin alam kung paano intindihin kaya naman wala na kaming nagawa kundi hayaan na lang ang dalawang ayusin ang kung anong gusot na pinagdadaanan nila.

“Hay! Putangina nakakapagod pala magsampay!” bigkas agad ni kumag habang nilalapag ang laundry basket na naglalaman ng mga pinaglabhan naming damit.

“Napagod ka na non? Isang basket nga lang yon eh.” Sabat ko naman sa kanya.

“Eh sa napagod nga ako eh.” Tugon naman ni damuho sabay higa sa kama namin. Tinapos na kasi namin ang mga lalabhan dahil natatambak na ito. Buti na lang at bumili na rin kami ng washing mashine with dryer para mapabilis ang paglalaba. Marunong naman akong maglaba pero gamit ang washing machine, hindi sa pagkukuskos. Eh si kumag, wala talagang alam kaya tinuruan ko na lang sya sa tamang pagsasampay.

Sa banyo lang naman ang sampayan namin saka sa isang sulok ng silid. Hello? Wala namang sampayan sa labas, kung meron man, malayo ito at natatakot kami baka pagnasaan pang nakawin mga underwear namin. Kilala kaya kami dito na gwapo, baka paggising na lang namin ay wala na kaming mga brief sa sampayan. Mahal pa naman yung mga yon dahil branded, may CK, BenchBody, Giorgio Armani, Underarmour, 2xist, ES, at Hanes.

Habang nakahiga kaming dalawa ay nagulat na alng kami ng biglang tumatawag si mama. Agad ko naman itong sinagot at baka emergency. “Hello ma.” Bungad ko.

“Anak, nadistorbo ko ba kayo? Naku pasensya na.” sagot ni mama.

“Hindi po ma. Kakatapos lang po naming maglaba ni Zarex. Bat po pala kayo napatawag?” agad na tanong ko.

“Kasi itong si Khyle, nagrerequest na magfamily outing naman daw tayo. Tinutubuan naman na daw kasi sya ng ugat dito sa sobrang boredom. Kaya naisip rin namin ng papa mo na pagbigyan na total baksyon naman, summer, tsaka kailangan rin ng papa mo dahil naiistress na kami sa trabaho. Eh sinuggest ni papa mo na isama ka saka yung mga kaibigan mo, yan sila Zarex at Ford pati na rin yung iba, para naman daw masaya. Kaysa naman daw tayong aapat lang.” pagpapaliwanag ni mama. Bigla akong napabalikwas ng bangod kaya napatingin sa akin si kumag. Agad naman akong nakaramdam ng excitement sa sinabi ni mama. Wala kasing beach sa Cabanatuan at ang huling family outing namin ay 2 years ago pa.

“Talaga po? Kailan po ba? Saka saan po?” sunod sund kong tanong.

“Kung pwede kayo ay sa katapusan sana anak. Bente singko naman na ngayon kaya’t linag araw na lang mula ngayon, para may time pa kayo magprepare. Sa Baler ang naisip na puntahan namin since minsan pa lang nakapunta doon ang papa mo at sobrang ganda daw ng mga beach doon. Magbus na lang kayo anak papunta dito, apat na oras lang naman halos ang byahe kapag traffic. Pagdating dito ay may sasakyan naman na tayo. Hiniram namin yung van ng ninong mo. Para magkasya tayong lahat. Beach resort yun anak, kilala ko yung may ari kaya entrance fee na lang ang babayaran at hindi na ang accommodation at rooms. Kaya everything is settled na anak. Excited na nga itong kapatid mo. Kayo na lang ang hinihintay namin. Sasama ba kayo—“ hindi ko na pinatapos si mama dahil excited  na talaga ako.

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now