Chapter 3

1.2K 46 0
                                    

Third Person's POV

Hindi makapaniwala ang Section 6 sa nakita nilang pagsalo ni Yanna ng bola, yung pasa na yun ay ay ang lightning pass ng kanilang captain sa basketball at maliban sa kanilang hari na si Gray ay wala nang iba ang nakakasalo non

Nairita naman ang kanilang basketball captain na siya ding Class President nila dahil sa pagkapahiya. Sa isip ni Ian Lacorte, ay gustong gusto na niyang pahirapan ang babae, pero dahil nga sa katotohanang babae iyon ay wala siyang magagawa dahil kahit na gaano pa siya ka allergic sa mga babae ay hindi niya pinapatulan ang mga ito

"Ian bago yun ah!" Pang iinis ni Aerl habang tatawa tawa at iiling iling na pang baliw

"Gago!" Sabi nalang niya

Napatingin siya kay Yanna na nililibot ang paningin sa kanilang classroom at makikita mo talaga sa mukha niya na naguguluhan siya dahil bahagy siyang napapangiwi at napapailing

May naisip na ideya si Aerl

"Ian, ano gusto mo gawin diyan? Wala naman tayong teacher, pwede siya kahit mild lang ahehe."

Sabi pa ni Aerl na may pilyong ngiti  sa mukha at napatango naman si Ian sa kadahilanang nahiya talaga siya sa nangyari kanina.

Sinabi nila sa buong Section 6 ang kanilang plano nong umalis si Yanna sa classroom at sumang ayon naman ang mga loko loko maliban nalang sa kanilang Hari na hindi nakikinig sa kanila dahil may nakasapak na earphones sa tenga nito habang nakikinig sa kaniyang iPad

Sinimulan na ng mga lalake ang kanilang plano hanggang matapos sila

Pagpasok ni Yanna sa Classroom ay

"WAAAAAHHHHHHHHHH! FUDGE! SHIT!"

Hindi na niyang mapigilang magmura at tawanan ng tawanan naman ang kaniyang mga classmates, gusto na niyang umiyak pero pinigilan niya ito dahil ayaw niyang magmukhang mahina sa mata ng mga classmates niya

Pagpasok na pagpasok niya sa classromm ay may bumuhos sa kaniyang balde ng malamig na tubig at may halo pa itong maliliit na palaka at talagang takot siya sa mga palaka

Pumunta na siya sa kaniyang upuan kahit basang basa siya, wala siyang dalang spare uniform dahil hindi naman niya iniexpect na mangyayari to, akala niya magiging normal lang ang lahat

Yanna's POV

"WAAAAHHHHHHHHHHHHH! FUDGE! SHIT!"

Napasigaw at napamura nalang ako dahil sa ginaw ng tubig na bumuhos sa akin at may nakahalo pa talagang palaka doon

I feel like im going to cry pero pinigilan ko iyon, pumunta nalang ako sa seat ko at nagpalumbaba. Tawanan lang sila ng tawanan. Gosh! They're mean, wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Tumuyo nalang ang damit at katawan ko ay wala akong natanggap na sorry kahit sa isa sa kanila, sure ako mamaya ay magkakasakit ako dahil im starting to not feel well

Umabot na ang uwian at walang kahit isang teacher ang pumasok sa classroom namin

Umuna na akong umuwi dahil bukod na hindi maganda ang pakiramdam ko ay nagugutom ako. Nabasa ang pagkain ko kanina at pagkatapos ay wala na akong lakas na bumili at maglakad, mabuti nalang talaga at iniwan ko ang phone at wallet ko sa bag

When i reached our house ay sinalubong ako ni Mommy at nagulat ako ng sumigaw siya

"MY GOD YANNA! BAKIT ANG TAAS TAAS NG LAGNAT MO? ANO BANG NANGYARI SAYO BATA KA?!"

Hindi ko na nasagot si Mom dahil biglang dumating sina Dad at Ate

"Anong nangyayari Mom?" Tanong pa ni Ate D

"ITONG KAPATID MO ANG INIT INIT! ANO BA ANG GINAWA MO AT NAGKASAKIT KA?!"

Shocks! Galit talaga si Mom. Dali dali naman akong linapitan ni ate at kinapa ang leeg at noo ko

"WHAT THE HECK YANNA?! ANO KA BA NAMAN! MOM, DAD WE SHOULD CALL THE DOCTOR, MASYADO NANG MATAAS ASDGHJKL"

Napasigaw din si ate pero hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni ate cause everything went black

- VAXXI -

REYNA NG SECTION 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon