Taming Wind Chapter 4

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, so ang pagtunganga ay isang romantikong paraan ng pagsasayang ng oras."

"Poor Adam, you're quite hopeless. Pero sige na nga. Puwede mo siyang tingnan ng ganoon pero puwede mo rin siyang tingnan bilang paraan ng pagbabalik appreciation sa mga bagay na dating nagpapasaya sa iyo at baka daan sa mga hinahanap mo para maging masaya ulit."

"What makes you think I am lonely?"

"Hindi ko sinabing malungkot ka. You can't be sad being what you are. Pero masasabi mo bang masayang masaya ka?"

Muli siyang tinitigan nito. "I'm okay," kapagkuwa'y tugon nito.

"Hindi iyon ang tanong. Okay is just okay. It's neither too good nor too bad, neither heaven nor hell."

Inubos nito ang kape sa mug nito para pahabain ang oras bago ito sumagot. "Sige. Susubukan ko ang 'tunganga theory' ng isang Summa Cum Laude ng BS Archeology. Pero hindi ibig sabihin na nile-let go ko iyong kagabi."

Napakunot ang noo niya. "Kagabi?"

"Naalala mo ba ang - Adam, you have to do better than that?" ulit nito sa sinabi niya rito kagabi. "You must know. Hindi ako nagba-back down from a challenge," muling ngumisi ito tulad ng ginawa kagabi.

Siya naman ang kinailangang ubusin ang inumin. Ngunit hindi para mag-isip kundi para takpan ang pamumula ng kanyang pisngi bago pa nito makita iyon at asarin na naman siya. "At hindi ka rin pumapayag na hindi sa iyo ang huling salita, apparently," halos bulong niya sa sarili pagkatapos.

"I'll trade you one childhood secret kung bibigyan mo ako ng isa mong childhood secret," sabi niya kay Adam. Nasa garden sila 'tumutunganga'.

Nag-attempt siyang magbasa ng libro at ito naman ay nakahiga sa picnic spread. Katatapos lang ng kanilang picnic-piknikan sa hardin sa likod na bahay, malapit sa labyrinth. Ibinukas ni Adam ang isang mata para silipin siya. "Akala ko ba puwedeng hayaan ang sariling matulog?"

"Ang corny mo talaga. Come on, sige na. Sige kahit hindi childhood. One secret."

Nakapikit na ulit ito pero nakangiti sa sarili. Parang nakalatag na temptation sa harap niya. Hindi ito nagmulat pero hindi niya alam kung bakit parang nabasa pa rin ang inisip niya, ibinuka nito ang braso na parang imbitasyon sa kanya. Isang segundo lang siguro siya naghesitate. Humiga siya sa tabi nito at umunan sa braso nito.

"Noong bata ako," simula nito as soon as maka-settle siya. "I really liked this girl. She is about 5'6 tall, the longest pair of legs in the whole world, long straight brown hair and dark brown eyes that turn three shades lighter kapag tinatamaan ng araw. But what I like most about her is her smile. Because when she smiles, she becomes the most beautiful girl in the whole world.""

Hindi siya makahinga. Pumikit siya habang nare-realize na ang ibinibigay ni Adam ay eksaktong description niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?" she said almost breathlessly. Nagmulat na siya ng mga mata at ibinaling ang mukha rito. He was looking at her and it felt like someone suddenly clutched her heart.

"I didn't tell her... I can't..." mahina ang boses nito but his eyes spoke volumes.

"Why?"

"She wanted so much to become Wind."

"Tatlong araw siyang hindi si Wind, Adam... baka puwede mong sabihin sa kanya. After three days, mangangako siya na kakalimutan niya ulit ang lahat. She can be Wind again...and you can be god again."

Itinaas nito ang isang kamay para haplusin ang buhok niya. "May idea ka ba kung anong iniaalok mo sa akin, Camille?"

Inilapit niya ang mukha rito, halos kaunting distansiya na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. "Parehas lang tayo, Adam. Mas importante sa iyo ang Elements, mas importante sa aking maging si Wind. Pero mayroon tayong tatlong araw kung kailan hindi natin kailangang mamili."

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon