• Chapter 26 •

Start from the beginning
                                    

"Dami mong alam! Hindi ako inlove sa Ate mo ah" Deny ko.

"Weeehh? Hindi ba talaga?" Pang-aasar pa nito.

"Stop it, Xian. Hayaan mo siya, hindi natin alam kung hindi ba talaga o in denial lang siya. Well, who knows" Napanganga ako sa sinabi ni Xana. Taena! Parang wala lang sa kanya yun ah!

"You know, we should go back. Hinahanap na nila tayo" Sabi ko sa kanila.

"Let's go" Yaya ni Xian. Tumayo na kami at pinagpag ang pwetan dahil may mga dumi. Unang naglakad si Xian para makababa. Pero sa hindi inaasahang pangyayari.

May malambot na parte ng talampas, na kung saan tumatapak si Xana.

"Sh't!" Bulalas niya ng biglang gumuho ang kinatatayuan niya.

"Xana!" Gulat kong sigaw at hinawakan ang kamay niya. Pero sa kasamaang palad, nadulas ang kamay niya sa akin.

"XANAAAAA!" Malakas kong sigaw para makaagaw ng atensyon ng ibang tao. Rinig ko ang hiyawan ng mga bakasyunista na nakakita kay Xana.

Hindi na ako nagdalawang-isip na tumalon kahit mataas ang talampas na pinagtambayan namin.

Dahil isa lang ang nasa isip ko.

Ang iligtas ang taong mahal ko.

*SPLASH*

Buti na lang at marami akong naipong hangin sa katawan ko. Lumangoy ako pailalim para hanapin si Xana.

Natigilan ako saglit nang makita ko siyang hindi gumagalaw.

She's running out of oxygen!

Lumangoy ako papalapit sa kanya at hinawakan ang bewang niya para ilapit sakin.

Kahit malabo ang paningin ko, kita ko pa rin na hindi siya gumagalaw.

She fainted.

So I have no choice but to kiss her...

To give her oxygen.

Kaagad kong nilapat ang mga labi ko sa kanya at binigyan siya ng hangin.

Alam kong wala akong karapatang gawin ito dahil hindi naman niya ako gusto pero wala akong magagawa. Importante siya sa 'kin kaya kailangan ko siya buhayin.

Nang maramdamang gumalaw siya ng konti ay lumangoy na ako pataas para makalanghap ng hangin.

Hindi sapat ang naibigay kong hangin sa kanya sa ilalim ng dagat kaya kailangan ko siyang dalhin sa seashore.

Hindi naman ako nahirapan na dalhin siya doon dahil magaan siya at medyo malapit ang pinaghulugan niya sa tabing-dagat.

Pinagkaguluhan kaagad kami ng mga tao pero hindi sila lumapit samin dahil hinarang sila nila Adrian. Marami na ring life guards and staffs ang nakapalibot samin pero binibigyan nila kami ng malaking space para makahinga ng maayos.

"Xana, wake up" Bulong ko at bahagyang tinapik ang pisnge niya but she didn't response.

Pinakiramdaman ko ang dibdib niya if her heart is beating. But no, it's not.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now