CHAPTER 9

54 0 0
                                    

CHAPTER 9           

  “I didn’t mean to keep my relationship with Frances for a long time pero naduwag ako. Ayaw kitang saktan pero everytime na kasama kita at ipinararamdam mo kung gaano mo ako kamahal para bang naduduwag ako at naguiguilty na sabihin sa iyo. I am sorry!”

Pilit man niyang ituon ang buong atensiyon kay Arjen ay hindi niya magawa. Nahahati ang atensyon niya rito at kay Nash na nasa di kalayuan.

Kitang-kita niya dahil sa glass wall ng kainan kung nasan sila. Bigla siyang nakaramdam ng selos nang ibigay nito ang dala-dala nitong bulaklak sa isang magandang babae. Paano nito nagagawang makipaglandian sa mga babae samantalang alam niya na niluluko lang nito ang sarili.

Naiintindihan naman niya ito dahil gumagawa lang ito ng paraan para makalimutan ang problema nito. Gusto niya itong pigilan sa pakikipagsapakan nito. Pero kung kailan balak na niyang umalis at lapitan ito ay saka naman niya nakitang sumama ito sa babaeng binigyan nito ng bulaklak.           

“Xujen!" Saad ni Arjen sa kanya.       

    “Ah…nakakainis”       

    “Are you okay?” Hindi siya nakapagsalita dahil hindi naman niya alam kung ayos lang siya gayong nakikita niyang inaakay palayo sa kanya si Nash. How could she say na ayos lang sa kanyang mawala ito sa paningin in the nth time.         

  “Arjen alam ko mahirap paniwalaan ito pero alam mo napatawad ko na kayo. You deserves to be happy at first siguro nasaktan ako dahil hindi niyo man lang sinabi sa akin. Pero naiintidihan ko naman siguro dahil alam ko na mas sasaya kayo sa isa’t isa.       

    “I am sorry”      

     “Forget it! I am happy for you both”       

    “Thank you! Thank You!” Nagulat siya ng bigla na lang siya nitong yakapin.  

         “Sorry kung nasaktan kita. Believe me Xujen minahal kita at pinigilan ko talaga ang puso ko not to love Frances pero hindi ko kaya”        

   “I know” At least nagkaroon na siya ng peace of mind tungkol kay Arjen. Nalinaw na ang tungkol sa kanila nito. Ayaw din naman niyang pahirapan ang mga ito at isiping hindi mabuhay ng matiwasay dahil sa kanya.

------------------------------------------------------------------------------------------------           

  Masayang nagpaalam sa kanya si Arjen at sinabing dalawang buwang buntis na si Frances. Tinaggap na niya ng sabihin nitong gawin siyang Ninang sa first baby ng dalawa. Ganon lang siguro ang buhay may mga bagay na nawawala sayo pero sa kalaunan ay may papalit din. Agad siyang lumabas para hanapin si R-Jay pero halos malibot na  ata niya buong lugar ay hindi niya makita ito. Lumapit siya sa bestfriend nito na nasa isang kubo kasama ang mga magulang nito.      

     “Rayden nasan si R-Jay?” Nilingon siya nito at nginitian. He is really charming and handsome katulad ng tatay nito na nasa tabi nito.        

   “Hindi ko po alam”saad nito sa kanya.       

    “Xujen kasama niya si R-Jay nandoon sila sa may tree house sa likod ng bahay na iyon” Niya? Si CJ ba iyon? R-Jay’s dad? Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking iyon dito? Agad siyang nagpaalam para puntahan ang inaanak. Nakarating siya sa  sinasabi ng mama ni Rayden. May tree house  nga sa isang puno na katabi ng bahay. Na-fascinate siya dahil gawa sa  fiber glass ang buong wall ng bahay sa taas ng puno kaya naman kitang-kita niya ang mag-ama na nagtatawanan. Umakyat siya doon at pinagmasdan ang dalawa. They looked good together. Hindi niya tuloy maisip na nagtaksil ito kay Zyrene. Kahit pa sabihing may karapatan ito dahil he is good looking.     

I'm inlove With  MR. ARe You Okay" (The Romance of a Spy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ