CHAPTER 1

111 0 0
                                    

Author's Note:

At dahil napapansin ko na si LOVELY LAB Short for Love, "na pinakamamahal ang salitang LOVE na laging napapansin kung mahilig basahin ang writings ko...ayan...I want to dedicate this story to her, at kahit hindi ko alam kung bakit siya nag-REACT ng bongga at inaway pa ako at ang kapatid ko dahil sa comment ko sa "KISMET'S KISS" na hindi naman intentional ang pagkakadedicate ng bawat salita na medyo natamaan siya, kahit hindi ko naman alam kung bakit.. LOVE, pasensiya na kung natamaan ka..hindi ko kasi alam kung ano ang pinagdadaanan mo...(NAGHABOL ka ba ng lalaki at hindi ka napansin? O umamin ka sa isang lalaki, pero na-waley ang pagtatapat mo, which is which..parang narinig ko lang kay maria ito..pEACE be with you...

And others who.....wants to read my story..feel free to read and comment...

I am so grateful with you guys...heaven knows how much I appreciated your support!

The Story KICk off....


-----------------------------

“Xujen, I’m sorry but I think it’s better for us to end this relationship”

“What I have done?” tanong niya rito.

“I’m sorry I didn’t love you anymore…!”

Hindi pa rin niya makalimutan ang sinabing iyon ni Arjen.

Ganon lang ba iyon?

Hindi na siya nito mahal?

Para bang paulit-ulit na nag-p-play iyon sa utak niya. Wala siyang ka-i-de-idea Kung bakit ito nagdesisyong makipaghiwalay sa kanya. Sa tatlong taong pagsasama nila wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit siya nito hihiwalayan, dahil ipinaramdam niya rito na mahal na mahal niya ang kasintahan.

Nungkang maibigay na niya lahat ng oras dito.

Nasasakal na ba ito?

Pero imposible iyon- dahil kapag nagpapaalam naman ito sa kanya kahit saan ito magpunta ayos lang sa kanya.

Ni hindi nga siya nagdemand ng kahit ano rito. Kahit minsan wala na itong panahon sa kanya. Tumatawag lang ito kung bakit hindi ito nakarating sa lakad nila- lahat ng dahilan nito tinatanggap niya kahit minsan hindi na kapani-paniwala. Kaya naguguluhan siya kung sino ba talaga ang may kasalanan.

Siya ba talaga o ito? O baka may iba na itong mahal?

                  “Ano naman ngayon kung nakipaghiwalay siya?” saad niya pero sa totoo lang hindi na matigil-tigil ang luha niya. Na simula nang umalis siya sa lugar kung saan niya iniwan si Arjen na nagpapaliwanag. Sinubukan nitong humingi nang tawad at magpaliwanag pero hindi na niya pinakinggan dahil nauna na ang iyak niya. Nagmadali na siyang umalis dahil ayaw na niyang makita nito ang kadramahan niya.

Sana may kasama siya ngayon para may maiyakan   siya sa panahon ng kagipitan, pero imposible dahil parehong busy and dalawang matalik niyang kaibigan na si Zyrene at Frances.

Na may kanya-kanya na ring trabaho at buhay.

Tumuloy siya sa may park para makapag-isip. Hindi naman kasi siya puwedeng umuwi ng bahay na ganun ang kalagayan baka sugurin lang ng Ninang niya si Arjen.

Nasabi niya kasi rito na may kutob siyang mag-po-pro-pose na ito sa kanya iyon pala makikipagbreak lang. Tumabi siya sa isang lalaki na nakaupo sa may bench.

          “Paupo”

saad niya rito pero wala siyang nakuhang sagot kaya naman inisip na lang niya na oo ang sagot nito.

I'm inlove With  MR. ARe You Okay" (The Romance of a Spy)Where stories live. Discover now