Tape

45 4 0
                                    

"Tita, babalik naman kayo after christmas, hindi ba? You promised." Nakangiti kong paalala dito.

"Syempre, babalik pa kami dito sa pilipinas. We just want to forget everything. Gusto lang namin kalimutan kahit sandali yung sakit. Babalik din kami dito and I promise to bring seth with us."

"Thank you talaga, tita. Merry christmas po." Lumapit ako at niyakap ito. Kasali na sila reign, chartle and brandon na parang kapatid ko na rin.

"Pasko na bukas, ate. Ngumiti at magenjoy ka, ha?" Si reign.

"Susubukan ko."

Kinagat ko ang labi ko para hindi maiyak sa harap nila. Pero kahit anong pigil ko, lumalabas parin talaga ang mga luha ko. Agad naramdaman ko ang pagtabi ni reign saakin.

"Oh, umiyak ka nanaman. Malulungkot talaga si kuya niyan." Sabi nito habang pinupunas niya ang mga luha ko.

Napatawa naman ako.

"I-I just miss him so much. Hindi parin ako makapaniwalang wala na siya."

"Kami rin.." brandon and chartle said it in chorus.

"Sorry at hindi namin nasabi sa'yo. He really wants to keep it from you. Natatakot lang siya, trisha. Gusto niyang maging masaya na wala munang inalala. Pero ito, hindi namin inasahan na ganito ka aga siya mawawala.."

Hindi na napigilan ay nag-iyakan na kami lahat sa salas.

We had him cremated. About four days later. Iyon ang gusto ni tita. They already planned to celebrate christmas in australia and they want seth to be there too. Dadalhin nila ang abo ni seth kahit saan man sila magpunta.

Sariwang-sariwa parin saakin ang nangyari. Alam mo ano yong masakit? Ang iwan ka nang walang paalam. Ang iwan kang luhaan. Sobrang nagalit ako sakanya. Sa apat na araw na iyon, sana sinabi niya man lang saakin ang tungkol sa sakit niya.

Umaga at gabi umiiyak lang ako sa loob ng kwarto. Walang ganang kumain, tumayo o sa kahit anong bagay. Namumugto ang mata at hindi na alam anong gagawin ko noong oras na iyon.

Sometimes I collapsed on my bed, crying and howling. Every part of me hurt tremendously. I couldn't get enough air into my lungs. My heart felt as if it were going to explode and tearing apart.

My friends and my family tried to comfort me by saying It's going to be fine, but I wanted to snap, paano?

Ganoon lang ba kadali para sakanila?
But maybe, just maybe, you never forget about it. It is always there. The pain. Maybe you get used to it. The pain, it doesn't heal with time. I tried to let go of him, but I just couldn't. I don't want to get rid of how he made every effort to make my day worthwhile. He's part of my life now. Kahit sa ganoong sandali lang na
araw.

Unting-unti ko na rin natanggap na wala na talaga, na iniwan niya na ako. Siguro nga hindi lahat ng buhay may happy ending. Pain, death is inevitable.

Story book moments don't happen in real life. In real life you don't get happy endings either. Of course life differs from stories in so many ways. We're all stories in the end. Just make it a good one.

I miss him when I search for his face in the crowd. Na umaasang makikita ko siya. Na ngingiti siya sa'yo pag nakikita ka niya. I miss him so much that it feels like I cannot breathe anymore. 

Ngayon ang alis nila tita patungong australia. Nagpaalam din ako kay mommy at daddy na ihatid sila hanggang airport.

"Magingat po kayo." Ngumiti ako.

"Of course, ikaw din, iha. Ilang oras nalang at pasko na. We should enjoy it." Si tita.

"Mamimiss ka namin, ate. Kahit si kuya, mamimiss ka rin niya." Si reign.

Limang Araw 1 (Short Story)Where stories live. Discover now