Tell me

41 4 0
                                    

"Sa wakas! Hi, trish. Hatid na kita."

Ito agad ang sumalubong saaking pagkalabas ko mula sa huli naming klase.

"Ginulat mo'ko doon, daven!"

"Sorry." Natatawa niyang sabi. "Hatid na kita."

Sigurado akong naghihintay na si seth sa labas, kaya hindi pwedeng ihatid niya ako ngayon.

"A-ahh kasi..may klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko daven."

"Wala na. Ihahatid lang naman kita sa labas." Ngumiti ito saakin.

Ito naman ang gusto ko, hindi ba? Na-ihatid niya ako. Pero bakit ganun? may mali, e.. May mali talaga. Pakiramdam ko ay hindi tama ang sumama kay daven.

"Ah kasi daven nasa labas na kasi si --"

"Please? Ngayon lang naman, trish." Pagputol niya saakin.

Ngayon lang naman ito. Wala naman sigurong mali kung pagbibigyan ko si daven sa hiling niya. Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti at tumango sa gusto niya.

"Okay, ngayon lang, ha?" Nakangiting tanong ko.

He nooded and smiled at me.

Masaya naman pala kausap si daven.
Pero may napapansin lang akong paninibago sa sarili. Hindi na ako nakaramdam ng kilig o kahit ano pagnakikita o nakakasama ko siya. What we had right now, it's just a normal conversation. Walang halong excitement, saya o hiya ang nararamdaman ko, hindi kagaya noon.

I believe crushes are about temporary infatuation and I think everyone once in a lifetime must have fallen for crush or crushes, at ito ngayon ang nararamdaman ko kay Daven.
My feelings towards him starting to fade. Ayoko man aminin ito, pero mas matimbang si seth sakanya. Damn.

Napatigil ako sa pagsasalita nang namataan ko agad si seth sa malayo. Agad naglaho ang mga ngiti ko sa labi nang makitang may kasama pala itong isang babae, na hindi ko malaman kung sino dahil nakatalikod ito saaamin.

Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang inis at irita dahil sa nakita ko ngayon.

But fuck! It is hard not to act the way you are feeling. Tignan niyo naman, may pa ngiti-ngiti pa siyang nalalaman diyan.

"Trisha, are you listening?"

Muntik ko narin nakalimutan na may kasama pala ako, at si daven iyon!

"Ah..o-oo.. nakuha ko na."

"Nakuha? I was asking you if you're done with your final reports."

Shit!

"Ah-O-oo tapos na ako doon."

"Are you okay?"

"Oo naman."

Okay naman talaga ako, a. Yes, I'm really fine. Really, really, okay.

"Andito na pala ang sundo mo. Si seth 'yon, hindi ba?" Pagnguso niya sa labi niya.

Agad napatingin ako ulit sa direksyon niya

"Ah o-oo. Si seth nga! Hindi ko man lang napansin." Pagpapanggap ko.

Galing natin, ah.

"O, sige. Magingat ka. I have to go."

Tumango ako at ngumiti. Nang tuluyan ng umalis si daven ay doon na bumalik ang inis ko sa mukha. Magkasalubong ang kilay ay lumapit ako sakanila. Ni hindi man lang niya napansin ang paparating ko.

"Trisha, you're here."

Oo, kanina pa nga, e. Kitang-kita ko nga paglalandi mo.

Umirap ako at hindi na hinintay na pagbuksan ako at kusa ng pumasok sa loob ng kotse.

Limang Araw 1 (Short Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz