Taming Wind Chapter 2

Start from the beginning
                                    

She pouted. "But dad, you already agreed."

"Okay, okay. As long as you promise not to drive too fast."

Typical spoiled army brat, ang agad na nabuong impresyon sa isip niya. Matapos mapirmahan ng ama ang papeles na dala nito ay umalis na si Camille para iwanan sila sa pag-uusap.

Akala niya ay iyon na ang huling beses na makikita nito.

Mali siya.

Natagpuan niya ito sa corporate offices kung saan siya regular na nagre-report sa trabaho three times a week. Sinabi sa kanya ng kanyang sekretarya na naghihintay ito sa loob ng kanyang office.

"Ms. Buena?" pormal na sambit niya sa pangalan nito nang pumasok siya sa pintuan. Wala siya ka ide-ideya kung anong kakailanganin sa kanya nito.

"Camille," pagtatama nito sa kanya.

"Can I help you?"

Ngumiti ito sa kanya, alam siguro na irresistible sa kahit sinong lalaki ang ngiting iyon. "No, but I can help you," sambit nito.

Nagulat siya sa pagiging presumida ng statement nito pero hindi niya iyon ipinahalata. "Really? How?"

"I want in," nakangiti pa ring sabi nito.

"In? Saan? What are you talking about, Camille?"

"Alam ko ang tungkol sa kumpanya mo. Narinig ko ang usapan niyo ni daddy nung nasa bahay ka."

He could only imagine kung saan at paano nito napakinggan ang usapang iyon gayong nasa pribadong kuwarto sila at sigurado siyang walang security cameras sa silid na iyon. "Anybody ever told you na masama ang makinig ng usapan ng usapan. Lalo na kung confidential ang usapan na iyon?"

"My father is the only family I have. Maiintindihan mo siguro why his business is also my business."

"And ano namang napatunayan mo sa pakikinig?"

"Na wala akong dapat ipag-alala sa kagalayan ng daddy ko in relation to you. However, interesado akong maging Elements."

Hindi niya kailangang isipin ang sagot doon. "No," diretsahang sabi niya.

"No? Hindi mo man lang ako iko-consider?" Tumayo ito at nagsimulang magpabalik-balik sa silid niya na parang hindi makapaniwala na hindi nito agad makukuha ang gusto.

"I don't even know kung bakit ka nagka-interes sa Elements, Ms. Buena. Pero gusto kong malaman mo na ang hinahanap ko ay very specific sa pangangailangan ng kumpanyang gusto kong itayo."

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "At hindi ako iyon?"

Umiling siya. "I'm sorry, but no."

"Why?"

She was too pampered, too sheltered, too spoiled, too willfull sa pagkakaalam niya... may isang daang dahilan siya kung bakit hindi puwede ang babaeng ito. "You don't fit the profile," iyon lang ang paliwanag na balak niyang ibigay rito.

"Really?" nadismayang tanong nito. Mukhang nag-isip ito bahagya at pagkatapos ay bigla na lang siyang tinalukuran patungo sa pintuan. Hinala niya ay nag-give up na ito.

"Ms. Buena, hindi ko naman siguro kailangang ipaalala pa sa iyo na kung ano man ang narinig at nalaman mo, dapat manatiling confidential ang operasyong ito."

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now