Taming Wind Chapter 1

Start from the beginning
                                        

Nang malaman niya ang buong kuwento nito - kung paanong may amnesia si Jordan at pinapaniwala lamang ng client nila na kasal ito rito ay hindi naman maaring wala siyang gawin. In-orchestrate niya ang pag-kidnap kay Jordan. Dinala niya ito sa bahay ng mag-ina nito sa kagustuhan niyangg makatulong na mabalik ang alaala ng pobreng lalaki.

Hindi na niya sinabi kay Adamna involved ang lahat ng agents nito sa nangyaring iyon. Siya lang ang nahuli dahil siya ang naglabas ng helicopter na ginamit niya sa pag-rescue kay Rain sa isla at siya rin lang ang namukhaan ng guwardiya ng ihatid niya pabalik ng bahay nito si Jordan.

"It's the most I can do for a friend," sabi niya.

"Ilang beses ko bang ini-emphasize that hindi kayo dapat nakikialam sa personal na buhay ng isa't isa. You can't be friends!"

Tiningnan niya ng diretso si Adam. "We can't all be like you, Adam. We can't all be so sure of ourselves that we don't develop emotional connection with anyone else. Hindi mo puwedeng pagsama-samahin ang apat na tao sa isang lugar ng napakaraming beses at isiping wala man lang kaming makikitang affection sa isa't isa kahit pa gaano mo kami tinuruang maging kasing unemotional at kasing detached mo."

Matagal na nakatingin sa kanya si Adam. Tulad ng napakaraming pagkakataon, hindi niya alam ang iniisip o nararamdaman nito kahit na ang pakiramdam niya ay binabasa nito ang buo niyang kalooban. She only knew that she was looking at the deepest, most soulful eyes she had ever seen. Kapag tinitignan niya ang mata ni Adam, nakakalimutan niya panandalian kung sino ito at sino siya.

"Is that what you think of me?"

Lalo pang nadiskaril ang utak niya sa tanong nito. Hindi si Adam ang nagtatanong ng opinion dito ng ibang tao.

"What?" tanong niya para siguraduhing tama ang intindi niya sa tanong.

"Unemotional and detached?" ulit nito sa deskripsiyong ginamit niya kanina.

"Hindi ba?" salag niya sa tanong.

"I am asking for your opinion. Historically, wala ka namang reservation ukol sa pagsasabi ng kung anong iniisip mo. Why are you hesitating now?"

"Dahil tungkol sa iyo ang tinatanong mo... Because you are Adam. As far as we are concerned, you might as well be God!"

"Wind, don't exaggerate," kalmadong sabi nito.

Tumaas ang boses niya. "Hindi ako nag-e-exaggerate. Tingnan mo, Adam, alam mo ang lahat tungkol sa amin pero wala akong alam tungkol sa iyo except that you are so damned cold and unreachable. I can probably fall dead in front of you and you will just calmly shrug your shoulders and move on."

Sandaling may reaksiyon siyang nakita sa mga mata nito pero agad din iyong nawala bago pa niya iyon mabigyang kahulugan. Nagsalita ito muli. "Tama na. Lumalayo na tayo sa totoong issue rito. Baka nga walang masama sa intensiyon mong makatulong. I will even overlook your violation of the no-personal involvement clause..."

"Oh, thank you. That's magnanimous of you," sarkastikong singit niya.

Parang wala itong narinig. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "Pero hindi ko na puwedeng palampasin ang paulit-ulit mong hindi pagsunod sa instructions and company policy. I am grounding you from your current mission."

"Ano? You can't do this?"

Tila natawa ito sa sinabi niya. "Of course I can. And I am doing it."

Iniba niya ang taktika. "Sinong papalit sa akin?"

"None of your business," he said dismissedly. "Take a break for a week or two. Tatawagan na lang kita kapag..."

Nagtaas siya ng kilay. "Kapag hindi na ako ako suspended?"

"Sasabihin ko sanang, kapag tapos ka ng magbakasyon. But if you would rather call it that. Then sure, tatawagan kita kapag puwede ka ng bumalik mula sa suspensiyon mo."

"Fine." Tumayo siya.

Sigurado siyang siya lang ang agent ni Adam na kayang makipagsagutan dito tulad ng ginawa niya. But her temper was getting the better of her. Wala siyang intensiyong mag-sorry sa pagkakataong ito. Wala ring paalam na nag-walk out siya sa kuwartong iyon.

Nang sumakay siya ng kotse niya ay doon niya ibinuhos lahat ng pagkainis niya. Pinaharurot niya paalis sa opisina ng ELEMENTS ang sasakyan na walang pakiaalam kung ilang traffic violations ang nagawa niya.

Driving fast gave her better perspective. Kapag mabilis ang takbo ng sasakyan ay mas nakakapag-isip siya. Boss niya si Adam. Alam niyang marahil ay dapat mas naging masunurin siya rito. Dapat din sigurong mas nagpipigil siya ng temper niya kapag kaharap ito. But he just grates too much on her nerves. Hindi lang dahil sa mga sermon nito. Hindi rin lang dahil parang parati na lang siyang may maling ginagawa, although malaki ang kontribusyon noon. Pero ang pinakamalaking dahilan ay ang ang frustration na nararamdaman niya.

"Ang tanga-tanga mo namin kasi Camille," bulalas niya sa sarili gamit ang tunay niyang pangalan. "Kung hindi ba naman napakalaki mong gaga. Sa lahat ng tao bakit si Adam pa?"

The truth was, in all the years she had worked for him - she had always been in love with Adam de la Cuesta. 

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now