Taming Wind Chapter 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Automatic na umayos sila ng upo sa mahabang sofa ng pumasok ito sa silid. Ngumiti naman ito. "Hi, girls! Happy Anniversary, Rain." Matapos batiin si Rain ay bahagya itong sumeryoso bago humarap sa kanya. "And Wind, usap tayo mamaya."

She snorted. Alam na niya kung tungkol saan ito.

Hinintay niyang matapos ang mga briefing para sa mga bagong missions ng tatlo. Huminga siya nang malalim ng maiwan siya sa loob ng kuwarto na si Adam na lang ang kasama. Minsan, front niya lang ang tapang-tapangan niya sa harap ni Adam. May mga panahong tulad ngayon na ninenerbiyos din siya kapag kaharap ito. Hindi niya lang pinapahalata.

Humarap sa kanya si Adam. "Wind, ano sa instructions ko ang hindi mo naintindihan?"

Ipinagkurus niya ang braso sa kanyang dibdib defensively. "God, Adam, what are you so pissed about? Successful naman ang operation, di ba?"

"Which is not the point. Simple lang naman ang instructions mo. Hahanapin mo ang hideaway na pinagtaguan sa hostage. Kapag nagawa mo na iyon ibibigay mo ang information sa ating mga military contacts. You will provide an entry for them and a distraction sa hostage-taker. Pagkatapos noon, you will walk away from that place nang walang nakakaalam na nanggaling ka roon kung hindi ang main contact person natin. Simple, right? Pero anong nangyari? Nakita kitang nagra-rapel pababa ng isang six-storey building, yakap ang hostage. At saan ko nakita? Sa national television."

"Paalis na talaga ako pero masama ang pakiramdam ko na may papalya sa operasyon nila. It was a judgement call on my part. Besides, walang dapat makakilala sa akin. I was wearing a SWAT uniform. Hindi naman halata na hindi ako isa sa kanila, right?"

"Nakilala kita. At kung judgment call man iyon, you were supposed to get a clearance from me first."

Nagbuntunghininga siya. Yes, she did miss out that one. "I'm sorry. Hindi na mauulit."

Nagdududa ang tinging ibinigay nito sa kanya.

Tumayo siya dahil ayaw niya na nakatingin ito sa kanya pababa. Mas matangkad pa rin ito sa kanya pero at least hindi niya nararamdaman na masyado siyang maliit.

"Okay, I know. I know. Sasabihin mo sa akin na ilang beses na akong nangako. Per promise. This time it's for real. Magiging masunurin na talaga ako. I swear on the life of my grandmother."

Tinitigan siya nito. "Wind, both your grandmothers are dead," malamig na sabi nito sa kanya.

Bakit nga naman niya naisip na hindi alam iyon ni Adam tungkol sa kanya? Tulad nga ng malimit sabihin ni Fire, pangalawa na raw si Adam kay God sa pagkakaalam ng lahat ng bagay.

"Right," aniya. "But really, I swear."


***************

Of course, mahigit lamang isang linggo matapos ang usapang iyon ay kaharap na naman niya si Adam de la Cuesta. At kitang-kita niya sa mukha nito ang iritasyon. Sa pagkakaalam niya, hindi nagpapakita ng emosyon si Adam kaya alam niyang 'espesyal' na naman ang kaso niya.

"Itinakas mo si Rain from an island where she was working at kinidnap mo ang asawa niya mula sa isang clinic ng isang hospital? Oh by the way, iyong pagkuha mo kay Jordan also meant na tinalian mo sa loob ng comfort room ang doctor niya at ang receptionist ng doctor. What the hell, Wind?"

"Rain needed help, okay?" Nagmamatigas na sagot niya.

Nasa misyon si Rain nang matuklasan nito na ang asawa ng client nila ay ang asawa nitong si Jordan na inakala ng lahat na namatay na. Rain was in distress when she called her. At tinulungan niya itong makaalis sa islang kinaroroonan nito.

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon