Ito nalang siguro ang tanging solusyon para sumaya na ako. Ngumiti ako ng mapait saka ako yumuko para pakatitigan ang tubig mula sa ibaba ng tulay na sa tingin ko ay malalim na malalim. Napabuntong hininga ako saka pumikit.
'Wag kang mag-alala kaila magkakasama na tayo at nagagalak na ako dun'
Sumampa ako sa tulay saka malakas na bumuntong hininga ulit saka pinakatitigan ang tubig. Napapikit ako at inalala ang masasayang pangyayari naming dalawa ni kaila yong asaran at kulitan naming dalawa. Lahat nang pagmamahal ko ay ibinuhos ko sakanya because she is my first love. Oo alam kong parehong tutol ang parent's naming dalawa sa relationship namin pero pinaglaban naming dalawa ang pagmamahalan namin hanggang sa dumating yong point na natanggap kami nila. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa pisngi ko. Iminulat ko ang aking mga mata saka lang bumalik sakin ang realidad na wala na siya! At kahit kailan hindi ko na siya makikita at makakasama pa!
Napatiim bagang ako saka kumuyom ang kamao ko. Punong puno ang isip ko sa tanong bakit?! Bakit? Bakit kailangan ko pang maranasan ang mga'to? Bakit siya ang kinuha?! Bakit!?!. Disidido na ako sa desisyon kong ito at hindi na ako aatras pa!
Akmang tatalon na sana ako ng may marinig akong boses na sumigaw! Agad akong napalingon isang babaeng tumatakbo habang may bitbit itong banig na bag.
"TEKA HOY SANDALI WAG MONG ITUTULOY YAN! "-sigaw niya.
'At sino naman ang babaeng ito? '
Sumenyas ako sakanya na tumigil siya sa paglapit sakin at agad naman itong tumigil. "WAG KANG LALAPIT SAKIN! "-sigaw ko.
" SIGE SUBUKAN MONG HUMAKBANG NG ISANG BESES TATALON NA TALAGA AKO DITO! "-seryoso kong sabi sakanya.
" NAHIHIBANG KANA BA?! KASALANAN SA DIYOS YANG GINAGAWA MO! "
'Teka pinadala ba 'to ng anghel para iligtas ako? '
"Pwede ba wag kang masyadong pakialamerang babae ni hindi tayo magkakilala at t isa pa pumunta ka nalang ng market para naman malagyan ng laman yang bag mong banig"
Napakunot ako dahil tinawanan ako nito. Seriously anong nakakatawa sa sinabi ko??!!
"Anong tinatawa tawa mo jan?! "-inis na tanong ko.
" Anong sabi mo? Bag na banig? "-natatawang sabi nito.
" Hindi ka naman siguro bingi diba para ulitin ko pa yong sinabi ko? "-sarkastiko kong tanong sakanya.
" HAHAHAHAHAHAHAHAHA! "
"Teka ano bang nakakatawa sa sinabi ko?! "
"Bag na banig tawag mo dito? "-turo niya sa hawak niya.
" O-oo naman! "
"Bag na banig na pala ang tawa dito? Akala ko bayong Hahahahaha"
Bwenebwesit ba ako ng babaeng to?!
"Pwede bang iwanan mo na ako dito!! "-inis na sigaw ko sakanya.
Kumunot ang noo ito. " At bakit naman kita iiwanan edi makokonsensya naman ako! "-sagot niya.
" Hindi ka makokonsensya dahil gusto ko tong mangyari okay?! "
"Sus madami na akong napanuod na pelikula na ganyan ang dating pero anong nangyari? Sayang lang"
"Ano naman sayang dun? "
"Kasi karamihan sa mga ganyan may mabibigat na problema. Tsaka hindi naman yun yong solusyon sa sitwasyon na yan. Para saan pa ang problem solving diba? "
"Te-teka nga sino ka ba ha?! "
"Ako? "-turo niya sa sarili niya.
Napahilot ako sa sintido ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng to! Nakakailan na siya sakin!
" Hindi yong banig na bag baka sumagot sakin yan! "-sarkastikong sabi ko.
My gad ano bang klaseng babae ang isang ito?!
" Bayong ang tawag dito hindi nga banig na bag! "-sabi nito habang pinapakita ito sakin. Ano bang akala niya sakin bulag? Malabo mata?!
" Whatever! "-saka na ako uli bumalik sa tingin sa baba ng tuloy.
'Kaila kung nasan ka man hintayin mo lang ako jan magkikita na tayo! '
Tatalon na sana ako ng bigla nalang may yumakap sa bewang ko kaya naman nawalan ako ng balanse at napahiga kami sa kalsada. Napapikit ako dahil sa impact ng matigas na semento na tumama sa likod ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ng mahimasmasan ako. Nanlaki agad ang mga mata ko dahil may nakapatong sakin na isang babae! Hindi ito gumagalaw!
Hinawakan ko ang braso nito. " Hoy! Gising ka ang bigat mo! "-sabi ko pero hindi pa din ito gumagalaw! Wow mukhang nag eenjoy pa ata ang loko!
" HOY GUMISING KA!! "-pero wala paring epekto. Medyo nabibigatan na ako sakanya.
Aish anong gagawin ko sa babaeng to?!
Napahilamos ako sa aking muka saka ako unti unting bumangon habang inaalalayan ang babaeng walang malay. Saka ko lang napagtanto na siya yong babaeng pumipigil sakin! Napaton tuloy ang laman ng kanyang bag na banig sa kalsada mga dahon dahon ito at mga vegetables agad ko itong pinulot.
Ng mailagay ko na lahat ay bumalik ako sa kinaroroonan niya. Pinagmasdan ko siya habang nakahiga sa kalsada natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang muka..
" Alam mo ba nakakainis ka rin no? Napurnada pa talaga yong pagpapakamatay ko ng dahil sayo! Aish kaasar naman oh! "
Hindi naman pwedeng iwan ko nalang siya dito kahit papano may konsensya rin ako kahit tarantado ako! Agad ko na itong binuhat at isinakay sa kotse ko saka ko na pinaandar ang makina para makauwi ng condominium ko.
RainbowFaded
YOU ARE READING
Fall Again (GxG)
HumorWARNING⚠ THIS SITUATION IS GXG SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS BOOK IF YOU WILL JUST JUDGE IT!! THANKS FOR READING THIS BOOK!!:)))
