12:51 - Chapter 2 🌝

137 4 0
                                    

12 : 51 PM (hatinggabi)

*sob* *sob* *sob*

Mula sa pagkakatulog nung tanghali ay naalimpungatan ako ng gising dahil sa kakaiba kong panaginip

"Hanggang panaginip ba naman?" naitanong ko sa sarili ko

Ginag*go na talaga ako ng puso ko. Alam mo ba yung feeling na gustong gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko na siyang ibaon sa limot, gusto kong maging isang alaala nalang siya kaso hindi ko magawa dahil sa kabilang banda at dako ay may nararamdaman parin ako para sa kanya. Na mahal ko parin siya. Na handa parin akong tanggapin siya sa kabila ng lahat. Na siya lang at wala ng iba.

Tumulo na nanaman ang mga luha ko habang nakatitig sa kisame. Kainis!!! Nababanas na ako.

Habang nakatitig sa kisame ay hindi ko maiwasang mapansin ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana ko. Napaigtad ako ng katawan at lumapit doon. Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita ang napakaliwanag at napakagandang buwan. Bilog na bilog ang hugis nito at kitang kita ang ilang dark spots nito. Ang ganda.

"Buti ka pa walang problema. Kahit na naghiwalay kayo ng asawa mo, nagawa mong mag move on at manatili sa kung ano ka bago pa man kayo magkakilala, maganda at parang walang problema, nakakainggit ka lang talaga" bulalas ko

"Sana naging katulad mo nalang din ako, na nagawang magpakatatag kahit na minahal, iniwan at sinaktan. Tss, biruin mo ahh kayo mag-asawa na ng araw nagkahiwalay nakayanan mong buhayin ang mga anak niyo ng ikaw lang ... ako ito na boyfriend lang ang kinahantungan halos tonetonelada na ng tubig ang nilalabas ko araw araw"

"Siguro nakukulitan ka na sakin no? Pasensya na wala lang talagang mapagbuntungan ng nararamdaman ko kasi sigurado ako na kapag sinabi ko sa kanila ang lahat, pagtatawanan at pagsasabihan lang nila akong magmove on nalang at kalimutan ang lahat"

"Pero ikaw ba? Nagawa mo bang kalimutan agad agad yung lahat ng saya at pagmamahal na pinagsaluhan niyong dalawa? Agad mo bang sinabi sa sarili mo na 'wala na tayo kaya magkalimutan na tayo' then boom wala na lahat ng pinagsamahan niyo? Hindi naman kasi madaling magbura ng alaala kung puso ang lumikha at humubog diba? Hindi madaling kalimutan yun. Hindi talaga" mariin kong tugon sa buwan bago ako yumuko at humikbi ng mahina

Mabuti pa siya mukhang wala ng problema nung nagkabungguan kami, samantalang ako eto ngayon nalulunod parin sa kahapong hindi ko maibaon sa limot

"Pano ba kasi mag-k*ng in*ng move on?" inis na sabi ko sa sarili ko

Kung alam ko lang talaga kung paano gawin yan matagal ko na sigurong ginawa yan ... Much more, baka nakahanap na ako ng kapalit sa g*gong yun...

"Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ng taong minahal mo ng lubos?" bulalas ko sa kawalan

Tumingala ulit ako sa langit at saka ko ulit tinitigan ang buwan

"Tss. Sana triny mong mag-author sa wattpad at gumawa ng libro, yung title ba na 'How to do fvcking move on : Easy guide' tas lagay mo base on my own experience!! Edi natulungan mo sana ako ngayon!" natatawa kong sambit

"Haaay. Makatulog na nga lang"

Saka ako muling nahiga at natulog. Eto lang ang routine ko, buong taon simula nung naghiwalay kami. Matutulog ng hapon at biglang magigising ng 12:51 ng gabi. Hindi ko alam pero sa oras na yan, dyan lang ako nakakaramdam ng ginhawa sa lahat ng pinagdaanan ko.

At sa tuwina ay inaasam ko na sana sa muling pagmulat ng mga mata ko ay wala na yung sakit na kumukulong sakin at sana makalaya na ako sa kahapong ayaw ko ng balikan pa. Sana ganun nalang kadali ang lahat.

>>> Third Person's POV

"Mukhang nababaliw na tong babaeng to.. kausapin ba naman daw ang buwan? Tss. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa taong nasaktan nito" bulong ko sa sarili ko

Hmm? Paano ko kaya ... paano ko kaya ..... TING! Alam ko na!

 TING! Alam ko na!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
12:51 [COMPLETE ✔️]Where stories live. Discover now