Chapter Nineteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kuya, please?" Katerina couldn't take what she was witnessing. She didn't come here for this. "Bakit hindi n'yo na lang siya hayaan? Kahit ngayon lang, pagbigyan n'yo naman siya kahit minsan--"

"I don't need to beg for your love anymore, Papa." Muling putol ni Erina sa kanyang sinasabi. "I already found that in him and I don't need anyone else. I met his family last week, and they welcomed me to their family. Alam ko, they will love me as much as they love their son, the love that I didn't get from my own parents. I will marry Caleb Guerrier ... whether you like it or not."

Biglang dumako ang kanyang paningin sa pamangkin, gustong muling marinig ang pangalang binanggit nito, nais makasiguro.

"Guerrier?" Mas lumakas ang tinig ni Enrique, nanlaki pati ang mga mata.

"Yes, and they seem to be more decent and wealthier than this family--"

Mabilis na nilapitan ni Enrique si Erina at hiniklas ito sa braso. "Babalik ka ng Amerika ngayon din!"

Halos mabingi siya sa malakas na boses ng kakambal. Bumalasik lalo ang reaksiyon nito, lalo pa't nagpumiglas ang pamangkin na makawala rito.

"No! Let me go! Tia Kate, help!" Sa kanya humarap ang pamangkin, nasa mga mata ang pangamba, ang pagmamakaawa.

Ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig, hindi malaman ang dapat sabihin. Nalilito pa rin sa mga naglalarong eksena sa kanyang isipan.

"Tia Kate? Please? I need you." Mabilis na bumalong ang mga luha sa mga mata nito. "You promised me." Sa paos nitong tinig, halos hindi niya marinig.

"S-sino...si Caleb? H-his father...sino ang...ang kanyang ama?" She could feel her knees giving away; her fast beating heart was deafening her.

"Hindi mo na kailangang malaman pa, Katerina. Bumalik na kayo ni Erina sa Amerika, ako na ang bahala rito."

"Alvaro, he is Alvaro Guerrier's son." Mabilis na agaw ni Erina.

Natutop niya ang bibig. Naging mabuway ang kanyang pagkakatayo. Pakiramdam niya'y sumabog ang kanyang puso. Nagkasunod-sunod sa pagbalong ang kanyang mga luha.

"Katerina!" Naging maagap ang kakambal at dinalo siya. Nakita niya sa mga mata nito ang matinding pag-aalala. "Hindi na kita dapat pinabalik pa. Patawarin mo ako." He was always this caring, protecting and a loving brother. "K-Kuya..." Umiyak siya sa dibdib ng kakambal.

"TIA KATE--" Subalit naudlot sa pagdalo si Erina sa tiyahin dahil iniharang ng ama ang isa nitong braso sa kanya.

"This conversation is over, Erina. Mag-empake ka na't iluluwas kita ng Maynila ngayon din mismo."

Naguguluhan man, pinagtibay niya ang desisyon. Hindi na niya pagdadamutan ang sarili na mahalin. Hindi na rin niya kailangan pa ang kalinga ng kanyang magulang. "When Caleb comes, I am going with him with, or without your blessing. I am leaving for good, Papa."

Iniupo ng ama ang kanyang tiyahin sa mahabang sofa bago ito sumigaw sa may labas ng pintuan. "Lucinda! Iempake mo ang mga gamit ni Erina at luluwas kami ng Maynila ngayon din."

Mabilis siyang kumilos at nilapitan ito. "No! You can't do this to me. Buntis ako, and Caleb is the father of my baby!"

Isang malakas na sampal and dumapo sa kanyang pisngi. Natigalgal siya ngunit ininda niya iyon at muling iniharap ang mukha sa ama. "I will not let you ruin my life again! I hate you. I wish you're not my father!"

"Kung gayon matuwa kang hindi nga ako ang tunay mong ama." Sa matigas nitong sagot. "Mali nga sigurong kinupkop kita. Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat. Hindi ko matanggap na nasa dugo mo ang isang Guerrier! At ngayon, iyang dinadala mo ay isang kahalangan. Isang malaking kasalanan!"

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon