Prologue

123 1 0
                                    

[Riel’s POV]

Nandito ako ngayon sa Dean’s office. As usual pinapagalitan na naman ako ng principal at ng lola ko na siyang founder ng Estrella University.

“Riel nakikinig ka ba?” tanong ni Lola sakin.

“Eh kasi naman Lola paulit-ulit lang yung sinabi niyo.” At mukhang mali ang sinagot kong yun sa lola ko dahil parang nilalabasan na ng apoy ang mata nito sa galit.

“Where’s your manners Riel Paolo Salvador?” napatuwid na ko ng upo dahil alam kong galit na talaga si Lola kapag tinawag na nito ang buo kong pangalan. “Binibigyan mo ako ng kahihiyan sa mga pinaggagawa mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sayo? Na basagulero ang magiging tagapag-mana ng unibersidad na ito?” Lola said controlling not to burst out.

“Eh Lola Estrella… hindi ko naman ginusto na manahin to.”

“Sa ayaw at sa gusto mo ay yun ang gagawin mo.”

“Ganyan naman lagi di ba?”

“Ginagawa ko to para din sayo.”

“Nandyan naman si Mommy. Bakit hindi na lang siya ang pamanahan niyo nito? Tutal siya naman ang anak niyo at hindi ako. Kaya kong mabuhay ng wala ang mga ito.”

“Minsan na akong sinuway ng ina mo Riel at hindi mo uulitin ang ginawang katangahan ng ina mo.” Taas noong sabi ni Lola.

“Kaya buhay ko naman ang sisirain mo?”

“Riel!” sigaw ni Tita Marianella na siyang dean ng College of Law.

Nagsalita muli si Lola.

“Wala akong sinirang buhay. Inaayos ko lang ang dapat ayusin.”

“Wala ka ngang sinirang buhay. Dahil bago mo pa masira ang buhay ni mommy noon eh napigilan niya nay un. I’m glad na mas pinili niya si Daddy kesa sa mga negosyong halos sambahin niyo na.” Sabi ko kay Lola na taas noo.

“Riel that’s enough. Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan si Mama.” Sabi ni tita Marianella.

“Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Mauna na ako sa inyo.”

Ng makaalis si Lola ay kinausap ko si Tita Marianella.

“Paano mo nagagawang pakisamahan siya Tita? Sa edad mong yan dapat ay matagal ka ng nagkaroon ng pamilya.”

“I don’t think I need to discuss that matter to you Riel. Isa pa, mas Masaya na ako ng ganito.”

“You don’t look happy Tita. I can see it in your eyes. Bakit? Siguro inayawan din ni Lola ang lalaking gusto mo noon.”

May nakita akong lungkot sa mga mata ni Tita pero sandali lamang yun.

“Go back to your class now Riel. Sa susunod na magkaroon uli ng gulo ng dahil sayo ay mapipilitan na akong isuspend ka. Nagkakaliwanagan ba tayo?”

“Yes ma’am. Mauna na po ako.” Bago ako lumabas ng office ni tita ay hinalikan ko ito sa pisngi bilang pamamaalam.

Hindi ko na uli hahayaang pakialamanan ni Lola ang buhay ko. Hindi na uli mauulit pa yon.

---------------------------------------------------------------------------

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>AYUN PO SI RIEL PAOLO SA GILID..

This Old Heart Of Mine [My Campus Crush'Series]Where stories live. Discover now