Part 12

1.1K 43 2
                                    

Chapter 12

Hindi din sila nakabalik kaagad sa guesthouse pagkatapos ng pananghalian. Sinasabotahe ng mga asar na mga kamag-anak at mga kaibigan nila ang lahat ng efforts nila para sana mapag-isa na sila.

Nang ipasyal ni Tito Levi ang mga magulang nila sa manggahan, akala nila ay makakalusot na sila. Hindi pa rin pala, dahil may kailangan daw bilhin si Casey sa bayan kaya ipinaalaga nito ang bunsong si Lance sa kanila, at dahil ayaw sumama ni Lance kundi kasama si Lace, pati ito ay sumama na rin sa guesthouse. Kung hindi sana niya kilala ang kaibigan, na rason lang nito iyun para i-prank sila ni Jin. Kung kailangan nito ng mag-aalaga, may sariling yaya ang mga anak nito. Pero pinagbigyan na lamang niya ang kaibigan,dahil kung hindi dahil sa mga ito, baka ikakasal na lang sila ni Jin ay hindi pa rin sila nagkakaunawaan.

Hapon na nang bumalik si Casey para kunin ang mga anak nito.

"Hayan ha...para naman wala kayong masabi. Nagdala na ako ng pagkain para sa hapunan ninyo. At dahil mabait akong kaibigan, papadalhan ko na rin kayo ng agahan bukas. Papaiwan ko diyan sa pinto...Sasabihan ko din ang mga tao, off limits muna ang guesthouse ngayon. Kahit ang dumaan dito, bawal. Baka maeskandalo pa sila...hep, bawal ang magalit." Wika nito nang akmang hahabulin sana niya ito para kurutin. "Sus, kunwari pa kayo...sige na,enjoy your honeymoon. Kids, let's go!" tawag na nito sa mga anak.

"Loka-loka talaga ang babaeng yun..." komento niya nang makaalis na ang mag-iina.

"At ikaw naman,ang cute-cute mo kapag nag-ba-blush...So, what do say, wifey? Umpisahan na natin ang honeymoon?".

"I am ready, if you are..." sagot niya sa hamon ng asawa. Napasigaw tuloy siya nang bigla siyang pangkuin ng lalake, papasok sa nag-iisang silid ng guesthouse. Tama nga yata si Casey, kailangan i-off limits ang mga tao, sa sigaw pa lang niya baka maeskandalo na ang mga ito.

"How come...?". Hindi makapaniwala na tanong ni Jin. "You had your first boyfriend at sixteen. You were with that ex of yours for six months when you were eighteen, and you live in New York for two years... How come?". Ulit na tanong nito.

"Dahil mas magaling akong mag-preserve ng 'bulaklak' kaysa expert na inupahan mo," natatawang sagot niya. She was so glad, she never gave in to those raging hormones when she in her teens. Jin is the first, and sure is the last man she'll ever have.

"What?".

"Joke... haha".

"Hindi nga?"

"Oo nga?"

"Ok I admit, there was one time, muntik na akong bumigay kay Cyrus. Mabuti na lang I was saved by the bell...I mean saved by my phone."

"Ha? Pinagloloko mo na naman ako..."

"Totoo nga. You called,engot and after I heard your voice on the phone para akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig. Mula noon, natuto na akong lagi kaming sa public place nagkikita. O he tried, many times and I'm glad na hindi ako bumigay...at least I was able to preserve it and gifted it to the man who deserves it, to the man I love."

"And I'm telling you, this is the best gift a man could ever have....thank you."

"Jin?"

"Yes, my love?"

"Let's not play any more games please? Especially, not push and pull, or hide and seek..."

"No more games, my love. That I promise you."

Special para sa kanya ang preserved flowers na ibinigay ni Jin , kaya iyun ang ginamit niyang bouquet sa pagmartsa niya papuntang altar noong church wedding na nila. Hindi puwedeng iyun ang ihagis niya, kaya naman nagpasadya siya ng iba na siyang ihahagis niya sa seremonya.

Parang naririnig pa niya ang pangangantiyaw ni Casey noong matanggap nito ang wedding invitation. Pagkahaba-haba man daw ang prosisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

Napangiti siya nang sabihin ng pari na puwede na siyang halikan ng kanyang groom. At nang dumampi ang mga labi ni Jin sa labi niya, buo na ang puzzle, every pieces is in its proper place.

Fin


Note:Thank you for reading. Please vote/comment and please visit/like  my page at: www.facebook.com/ramblingsbyjoanjean

No More Games,My LoveWhere stories live. Discover now