Part 2

607 20 0
                                    


Chapter 2

Mula noong maging magkaibigan sila ni Casey, naging tambayan na niya ang apartment na inuupahan nito. At mula din noong maging kaibigan niya ito, hindi na siya laman ng mga malls at department stores. Lumalabas naman sila kahit papaano at nayayaya din niyang mag out of town sila kapag weekend, pero kapag week days, doon lang sila sa apartment nito na malapit sa university. At sa totoo lang, gusto niya ang bagong personalidad niyang iyun. Yung simple lang, at yung alam niyang itinuturing siyang kaibigan,dahil sa kanya, hindi dahil sa may makukuhang pakinabang mula sa kanya.

Tatlong bedrooms ang nasabing apartment. Ka-share ni Casey ang pinsan nitong si Ate Meredith at si Lee na rin. Taga-Ilocos Norte ang mga ito, at nakatira sa iisang baryo. Magkababata ang dalawa, at high school pa lamang ay may gusto na si Casey sa lalake, ngunit manhid ang lalake. Kaya naman siya ang nagsilbing shock absorber ni Casey kapag naglalabas ito ng sama ng loob. Kung gaano kahirap yung kasama nito sa bahay at kasalo sa pagkain ang lalake,pero hindi naman nito napapansin ang damdamin nito. Noong una, kinakantiyawan niya ang kaibigan na bakit hindi na lang nito bigyan ng chance si Jin.Pero iisang lalake lamang ang laman ng puso ng kaibigan.Noong mga panahong iyun, hindi niya naisip kailanman na mararanasan din niya ang ganoong damdamin. Ang magmahal sa isang tao, pero hindi naman iyun sinusuklian o kayang suklian ng taong mahal mo.

Ni hindi nga niya alam kung ano ang nararamdaman niya para kay Jin noong mga panahong iyun. Ni hindi nga niya maituring na kaibigan.Pero nagbago ang lahat ng iyun dalawang linggo pagkatapos ng failed matchmaking ng mga magulang nila.

Nag-lie low nga siguro siya, pero ang totoo naroon pa rin ang pasaway na personalidad niya. Hindi alam ng mga magulang niya ang kanyang relasyon kay Cyrus. Sampung taon ang tanda ng lalake sa kanya,na nakilala niya noong nag- bakasyon siya sa Palawan kasama ang mga bullies na ex-friends niya. Noong bumalik sila sa Manila,nagpatuloy ang pagkikita nila si Cyrus hanggang sa ligawan siya ng lalake at pagkatapos ng isang buwan ay officially in a relationship na sila. Smooth naman ang una nilang mga buwan. Isa lang ang madalas nilang pag-awayan. Yung hindi niya ipinapakilala ang lalake sa mga magulang niya. Hindi din niya alam kung bakit,pero parang may pumipigil sa kanya para ipakilala ang lalake. Wala namang problema sa mga magulang niya. Ang hiling lang naman ng mga ito ay matapos niya ang kanyang pag-aaral. Kahit papaano ay may stable job naman ang boyfriend niya,pero hindi talaga niya magawang ipakilala ito sa mga magulang niya. Sa mga kaibigan niya, yung mga talagang kaibigan niya, si Casey lamang ang nakakaalam.

May usapan na sila ni Casey,na kakain muna bago dumiretso sa orphanage kung saan nag-bo-volunteer ang kaibigan.Pati siya ay nahikayat na rin nito na mag-volunteer.Papasok pa lamang sila sa restaurant ay pinigilan na siya ni Casey.

"Sa ibang restaurant na tayo kumain," wika nito.

"Cee naman, gutom na ako...at siguradong lalo akong gugutumin mamaya kapag nakipaghabulan at nakipaglaro na tayo sa mga bata."

"I know. Ako din naman gutom na ...doon na lang tayo sa fastfood para mabilis." habang nagsasalita ito panay ang hila sa kanya palabas, siya naman lalong na-curious. Suki siya sa restaurant na iyun at alam niyang mabilis ang service ng mga ito, isa pa kaunti lang ang tao...and then she saw it. Ang dahilan kung bakit hinihila siya palabas ng kaibigan. Cyrus, her boyfriend for six months, was also inside. At hindi nag-iisa ang lalake. May kasama itong babae o mas tamang sabihing nene. Nineteen lamang siya, nene din kung tutuusin pero ang kasama ni Cyrus sa loob ay mukhang mas bata pa sa kanya. Sumulak ang dugo sa ulo niya, at hindi na niya napigilan ang sarili. Kaagad siyang nakawala sa pagkakahawak ni Casey at dali-dali siyang pumasok sa loob. Humabol ang kaibigan niya, ngunit hindi na siya napigilan nito nang kunin niya ang basong nasa mesa at ibinuhos iyun sa ulo ni Cyrus.

No More Games,My LoveWhere stories live. Discover now