Part 6

526 20 0
                                    


Chapter 6

Unang araw niya sa trabaho.

Naunang umalis ang Daddy niya dahil may maagang meeting daw ito. Pagdating niya sa opisina, sinalubong siya ni Mrs. Acosta, ang sekretarya ng Daddy niya for the last fifteen years.

"You're just on time," wika ng babae, habang iginigiya siya nito sa papunta sa opisina ng Daddy niya.

"Jin? Kuya Jon?" . Ang mga ito ba ang maagang ka-meeting ng kanyang ama?

"It's nice to see you again, Angelina..." si Kuya Jon ang unang nakipagkamay sa kanya. Noong isang araw lang niya nalaman, na ang kapatid pala ni Jin ang napangasawa ng kaibigan niyang si Gemma. Inimbitahan siya ni Gemma sa bahay nito at ganun na lamang ang gulat niya nang ipakilala siya nito sa asawa.

Hindi nakipagkamay si Jin. Nginitiian lang siya nito mula sa kinatatayuan nito.

Alam niyang may mga joint projects ang mga kompanya ng pamilya nila, pero hindi niya inaasahan na sa unang araw niya sa kompanya ay ang magkapatid na Gusman ang unang makaka-meeting niya.

Kailangan na talaga niyang sanayin ang sarili. Mukhang mapapadalas na sila ni Jin ang magkatrabaho sa mga joint projects na ito.

"Ano sa palagay mo?" sinundo siya ng lalake kanina bago magtanghali dahil kailangan na raw nilang i-finalized ang usapan tungkol sa charity event na gagawin nila sa December. Two in one event ang pinaplano nila. There will be a charity concert. Naka-finalized na rin ang mga singers at celebrities na kasama sa nasabing concert. It will be an intimate concert dahil kasabay nun ay ang photo exhibit ni Jin. The photos on exhibit will be sold to an auction. Lahat ng proceeds ay mapupunta sa napili nilang orphanage o foundation.

"This is good...I never knew you have it in you. Ang gaganda talaga ng mga pictures na ito. Ikaw ba talaga ang kumuha ng mga ito?".

"Yeah, yeah..."

"I'm serious. These are good."

"Thank you...So, tuloy ba tayo sa Sabado?".

"Oo naman. I already missed those kids. Halos isang buwan na rin mula noong last na dalaw natin doon. "

Noong mapag-usapan ang tungkol sa joint charity event ng mga kompanya nila, isang orphanage kaagad ang pumasok sa listahan nila bilang beneficiaries. Ang 'Tahanang ng Pagmamahal Children's Home Inc.' na pinupuntahan nila noong college days nila.

"Luluwas daw sina Casey at Lee para sa concert..."

"I know. Ayaw nga raw sana ni Lee kasi baka mahirapan sa biyahe si Casey, kaso makulit din ang babaeng yun."

"Grabe naman. Helllooo...two months pa lang naman ang tiyan nun, saka mag-e-eroplano naman sila."

"Masisisi mo ba yung tayo, first baby nila yun."

"Alam ko naman. Masyadong OA lang si Lee kung minsan. Hindi naman ipipilit ni Cee ang gusto kung alam niyang makakasama sa anak niya."

"Eh, bakit ka sa akin naha-high blood?"

Natawa na lang siya. "Opps sorry...tapusin mo na nga kasi yang pagkain mo. Kailangan ko nang bumalik sa opisina."

"Oo na. Minsan talaga, feeling ko alipin mo na ako."

"Kasi naman, sabi ko mag-convoy na lang tayo, pero mapilit ka. Kaya ngayon magtiis kang ihatid ako pabalik sa opisina."

"Oo na. Kung hindi lang kita mahal..."

Tumirik ang mga mata niya sa narinig. SAnay na siyang pagtripan ng lalake. NAtuto na siyang rendahan ang puso niya, na huwag maniwala kapag ganoon na sinasabi ng lalake na mahal siya nito.

No More Games,My LoveWhere stories live. Discover now