Part 9

477 19 0
                                    


Chapter 9

They are two adult individuals, at masasabi niyang malalakas ang mga personalidad nila, ngunit kung bakit pagdating sa mga Nanay nila, ay pareho silang tameme. May mga pagkakataon, o minsan nga madalas na sumasagot sila, pero sa huli, sila rin ang sumusuko. Katulad ngayon, ilang beses na silang nagpaliwanag, individually, at ngayon nga sabay sila, pero paikot-ikot lang sila.

Sa huli, nag-walk out siya.

"Is it really so bad?" sumunod pala ang lalake.

Nilingon niya ito. "Ha?".

"Is it so bad? To be married to me?" tanong uli ng lalake.

"What? You know it's crazy...."

"Kalokohan nga ba? Look, just hear me out, okey? I was thinking....why not just do what they want? Para wala ng gulo, para masaya na ang lahat."

" Nasisiraan ka na ba? Tama na ba ang mga iyun na rason para magpakasal tayo?? We don't even love each other..."

"I love you...at kahit papaano minahal mo rin naman ako noon di ba?".

"Balik na naman ba tayo sa topic na yan? Stop it, please..." pakiusap niya. Pero kung tutuusin,tama din naman ang lalake. Siya lang ang itong umaayaw pa samantalang ang totoo, gusto din naman niya. Yung mataas niyang pride kasi, eh. Yun ang pumipigil sa kanya. Dahil hindi niya matanggap na sa huli, arranged marriage pa rin pala ang bagsak niya.

Mahal naman daw siya ng lalake. Pero bakit ganoon, takot siyang magtiwala. How she wish that Jin would do something, anything to erase all her doubts at mas mabilis pa siya sa alas kuwatrong papayag.

"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko, para maniwala ka na totoo ang sinasabi ko. You've known me for what, almost ten years, right? Mukha ba akong sinungaling? Hindi mapapagkatiwalaan?".

"Jin naman...you know I trust you."

"Pero hindi mo kayang magtiwala na mahal kita? You know what, I have enough. Do what you want. I am not putting any more resistance towards our mothers. Now, if you can convince them to put the wedding off, I'm fine with it. Kung hindi naman, I will be waiting for you at the altar." This time, Jin walked out on her.

Isang linggong hindi nagpapakita ang lalake sa kanya. Humina na rin ang pagtanggi niya sa planong kasal,at yung pananahimik niya,tila naging go signal iyun sa Mommy niya at kay Tita Maurena para i-full swing ang pag-aayos sa kasal.

She just receieved a call from her mother. The wedding is in ten days. Ayaw na niyang magtanong kung paano nagawa ang mga ito na ayusin ang lahat sa loob ng tatlong linggo.Those two can do magic if they want to.

Hinihintay niya kung tatawag ang lalake, o kahit text message man lang,pero wala. Mukhang nagtampo na talaga ang lalake. Sa sampung taon na pagkakakilala nila at pagkakaibigan, ngayon lang tumagal ng ganoon ang tampo ng lalake.

Wala pang kalahating oras na nakakauwi siya mula sa trabaho, ay nagbihis na uli siya. Walang sagot ang tawag niya kanina, kaya nagdesisyon siyang puntahan na lang ito sa apartment nito.

Walang sagot sa tawag niya, at wala din ang lalake sa apartment. Halos isang oras na siyang nakaupo sa loob ng kotse niya sa paghihintay sa lalake, nang dumating ito. Kaagad siyang bumaba nang makita ang sasakyan nito.

Hindi nito kaagad ipinasok sa gate ang kotse, imbes ay lumabas ito at sinalubong siya.

"Ano'ng ginagawa mo dito?".

No More Games,My LoveWhere stories live. Discover now