Ch8: Crush life

45.2K 1.2K 214
                                    

NAKITA KO NA NAMAN SIYA!!

Pero alam mo 'yung badtrip? Yung nakita ko nga siya, nagkatinginan nga kami pero may kasama akong lalaki. Badtrip di ba? Badtrip!

Agh, nakakainis!” Nagpapapadyak padyak pa ako habang naglalakad papunta sa next class namin ni Enzo. Nakakabadtrip kasi talaga! Feeling ko iniisip ni John na may something sa amin ni Enzo kaya parang wala lang ako sa kanya eh.

Huhuhuhu, no John! I can explain!

Ano ba kasi nangyari?” Pansin kong parang nababadtrip na sa inaakto ko si Enzo pero nababadtrip din ako sa kanya! Lagi kasing nakadikit! Hmp.

Eh nakita ko 'yung crush ko!” Nanlaki naman 'yung mata niya sa sinabi ko.

May crush ka? Sino?!” Parang tuwang tuwa pa siya na malaman na may crush nga ako pero aaghhh, kabadtrip.

Secret! Pero nakakainis kasi nung nakita ko siya kasama kita, baka akala niya...” Nakasimangot akong tumingin sa kanya at feeling ko, ansama ng tingin niya sa akin.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at hilahin.

“Tara, nasaan ba crush mo at samahan kita iexplain sa kanya ang lahat!”

Tawa naman ako nang tawa sa nireact niya. Pwede pwede! Magandang idea Enzo! Pero sa ngayon, ako muna ang makakaalam kung sino ang crush ko. Nakakahiya kasing lumaganap—tapos baka malaman niya.

Wasak ang crush life ko nun.

Hindi ko sure kung nagdeday dream ba ako buong klase pero nagulat na lang ako, uwian na pala namin. Agad agad akong umuwi ng bahay at excited na nag online sa lahat ng social networking sites ko.

Syempre, nagbukas ako ng facebook at para akong sasabog nang may nakita akong may isang friend request.

OMAYGAHD, JOHN, IKAW NA BA TO!?

Pagtingin ko kung sino 'yung nag add...

...tumigil ang buong mundo ko...

...AT ANG SARAP IBALIBAG NG COMPUTER!!

Aaaaghhh, hindi pa din si John!!! Huhuhuhu John naman eh, kailan mo ba ako iaadd sa facebook?! Bakit ka ba ganyan? Huhuhuhu.

Binuksan ko naman 'yung bookmarks ko at clinick ang facebook profile na may pangalan na John Tan. Ah yes, nalaman ko ang facebook niya pero hindi ko siya magawang iaadd dahil nga hindi kami magkakilala at hindi ko gawain ang mag add sa facebook.

Hay nako John, bakit ba kasi nakaprivate ka? Pastalk naman oh, kahit isang beses lang! *insert puppy eyes here*

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon