Ch24: Heart to heart

29.5K 890 105
                                    

Lasing ba siya?

“Isang oras tayo dito, sorry” Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo lang siya at nakasandal sa may pader-ish ng mini walk in closet na 'to. Naupo ako sa kabilang dulo at sumandal sa pader.

Tumingin ako kay John na parang lutang tapos sa may pintuan na nakasarado. Rinig na rinig ko yung hiyawan, tawanan at kaabnormalan ng mga kaklase ko sa labas nitong pinagkulungan nila sa amin. Mga paksyet 'yung mga 'yun.

“Bakit ba kasi tayo nandito…” Actually, gusto ko na umiyak. Ewan ko, kinakabahan kasi ako na ewan tapos ang dilim pa eh hindi ako mahilig sa dilim. Nakikita ko si John pero hindi siya ganun kakita kasi nga konti lang 'yung light na napupunta dito.

“Truth, sinong babae dito sa bahay ang gusto mo makasama sa isang kwarto?” Diretso niyang sabi, ano daw? “Sabi ko si Zelle”

“Ano…”

 

“Umikot tapos sa akin ulit natapat, dare. Dahil gusto mo si Zelle makasama, magsama kayo ng 1 hour sa closet” Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa sinabi niya. “Sorry talaga, ah?”

Napabuntong hininga ako.

“Anong gagawin natin ng isang buong oras dito? Ang dilim tapos ang init pa” Nagpaypay ako ng kaunti gamit ang kamay ko at medyo pinagpag 'yung damit ko para may hangin na lumabas. Ang init talaga.

Habang ginagawa ko 'yun,  napansin ko naman na papalapit sa akin nang papalapit si John hanggang sa magkatapat na kami at ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa.

Okay joke, malayo siya sa akin siguro mga 30 inches pa.

“Ba—bakit?” Nakita ko ang ngiti sa labi niya.

“Ano pa bang dapat gawin dito?” Naramdaman ko naman na parang palapit siya nang palapit hanggang sa (ito seryoso na talaga ako) malapit na kami sa isa't isa. “Eh di kung ano 'yung iniisip nila”

“Waaahh!!” Tinulak ko si John dahil palapit na talaga siya sa akin, napasandal siya sa kabilang side. Shit, shit, shit! Anong ginagawa ni John, lasing ba talaga siya omaygahd crush ko siya pero jusko huwag naman ganito!

Nagmomonologue pa ako sa isip ko nang biglang…

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Napatingin ako kay John na biglang tumawa, hala, bakit tumatawa 'to?! “Hahahahahahaha, kakaiba ka talaga sa lahat”

“Ha?”

Ngumiti siya—at feeling ko sasabog ako sa ngiting 'yun.

“Alam mo Zelle…” Hinihintay ko lang siya magsalita pero hindi niya tinuloy yung sinasabi niya, nakatingin lang siya sa akin tapos ngumiti.

Just One AnswerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora