Ch39: Reservation of first dance

30.4K 822 170
                                    

"I had not intended to love him; the reader knows I had wrought hard to extirpate from my soul the germs of love there detected; and now, at the first renewed view of him, they spontaneously revived, great and strong! He made me love him without looking at me." 
— Charlotte Brontë

~ ~ ~

“Ang ganda mo ngayon Zelle!”

Napangiwi ako sa sinabi ni mama. Feeling ko ang sakit sa mata ng itsura ko, para akong si Edward Cullen, kumikintab lang ang peg ko!? Bakit may glitters pa buo kong katawan tapos off shoulder pa 'tong gown ko?

“Ma, kailangan pa ba ng ganito? Nangangati ako sa tigas ng buhok kong kulot!” Nakasimangot kong sabi.

“Prom na prom ganyan ka, wala ka sigurong love life kaya bitter ka.” Tinignan ko ng masama si mama at tumawa siya ng nang aasar habang inaayos niya 'yung gown ko at inaayos naman nung bakla 'yung buhok ko.

Lovelife? Psshhh. Hindi ko kailangan ng love—err, naisip ko na naman siya. Erase, erase! Hindi ko pwedeng isipin si John ngayon, wooh! Tigil tigil din Zelle, crush mo lang siya okay? Hindi mo siya mahal!

Jejemon nagpost nun, JEJEMON! Huwag kang nagpapaniwala! (no offense meant sa mga jehjeh)

“Ewan ko sa'yo ma—aray!” Pinanlakihan ko ng mata si mama. Binatukan ba naman ako?! Ang sama talaga kainis!

“Huwag ka bitter okay? Sige na, tara na sa prom mo” Bumuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Sumakay kami sa tricycle… joke, syempre pinilit niya 'yung pinsan kong marunong magdrive na may kotse para ihatid kami sa venue.

Pagdating namin doon, namangha ako… sobrang sosyalin ng itsura ng school namin ngayon, parang hindi school! Namangha ako kasi sila Elle lang ang nag ayos nito pati 'yung mga committee, ang galing lang! May mga ilaw sa mga puno sa labas at ang romantic ng itsura!

Nakakasuka! Hahahaha joke.

Ay wait, may mga tao rin pala hindi ko masyadong napansin, nabonggahan kasi ng ganda ko eh! Hahahahahahaha!

After ilang hours of waiting, nagsimula na ang prom sa loob ng activity area pero hindi ko nakita si John—okay, bakit ba kailangan makita ko siya? Ugh… stop Zelle, crush mo lang siya, okay?!

Kumain lang kami, may mga program pero wala talaga akong pakielam. May sinabi din 'yung teacher namin na parang may special guests daw kami na parang mamimili bilang prom king and queen pero hindi namin sila kilala, parang makikiblend in daw sila sa crown—ewan, kaartehan ng school.

After ilang hours, biglang nagparty song at sobrang sakit sa mata nung ilaw! Papatay patay tapos basta, masakit! May ilan namang tao na nagsayawan sa gitna ng hall at… ang wild nila, sobra.

Ngingiti ngiti na lang ako habang nakaupo sa mga kaklase ko na inaaya ako na sumayaw daw. Lagi kong sinasabi na masakit paa ko—well, masakit naman talaga 'yung paa ko dahil sobrang bigat ng gown ko at 'yung sapatos na suot ko, sobrang luwag at ang taas taas ng heels—3 inches ata to? Haist, bakit ba ako pumayag sa mga ganitong kaartehan?

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon