Masyado siyang pre-occupied sa isang tao.

"She said that Justine's arrival will be at 10:30 am."

Justine. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isip ang babaeng iyon. Damn, gusto niyang tumakbo paalis. Gusto niyang pumuntang airport at salubungin ang babaeng ilang taon na niyang hinintay bumalik. Gusto niyang makita si Justine. Pero paano? May mukha pa ba siyang maihaharap?

"NENG, KUNG WALANG pera, wag nang sumakay," seryosong sabi ng kundoktor.

Napayuko sa kahihiyan si Justine. Kakadating niya lang mula US at dahil mahirap sumakay ng taxi ay nagbus na lang siya, ang kaso naman ay wala siyang pamasahe. Hindi sa wala siyang pera ngunit puro dollars kasi ang laman ng wallet niya. Mamaya eh mabatukan pa siya ng kundoktor kung iyon ang ipambayad kaya nagdrama na lamang itong nawawalan ng wallet.

"Here," nakita niyang nag-abot ng bayad ang katabi nito para sa kanya. 

Tila napuno ng glitters ang mga mata ni Justine at tuwang tuwang nilingon ang babaeng katabi. Naka-casual lang ang dalaga pero kapansin pansin ang kaputian at ang inosente nitong mukha. Mukhang magkasing-edad lang naman sila at magkasing-payat din.

Matapos makuha ng kundoktor ang bayad nito ay umalis na sa kanilang harapan para maningil naman sa iba.

"Salamat nga pala," nasabi ni Justine. Pilit na ngumiti lang ang katabi niya at tumingin na sa labas.

Ganoon? Mabait sana pero mukhang hindi friendly. Haaay, kung alam niya lang sana na mangyayari to edi sana nagtaxi na lang talaga siya, o kaya pinalitan muna ang kanyang pera into Peso. Pero sa loob loob ni Justine ay sinisisi niya ang kaibigang si Ruby. Tanging siya lang ang sinabihan nito tungkol sa pag-uwi sa bansa pero siya naman tong nang-indian para sunduin siya. Sana pala eh sa mga magulang na lang siya unang nagsabi. Tsk, tsk.

"Holdap 'to! Amin na mga gamit niyo!"

"Oh my God!"

Halos mapatalon sa gulat si Justine nang magsigawan ang mga tao sa loob bus. Sumilip siya sa bandang likod at nakita ang nag-iisang lalaki na may dala-dalang baril at pinapaikutan ng tingin ang bawat tao sa loob.

"Oh my God, oh my God," napansin niyang naiiyak ang kanyang katabi at nang tignan niya iyon ay halos hindi na nga ito magkandaugaga sa takot. 

"Hoy ikaw!"

"Kyaaah!" Napasigaw si Justine nang tutukan siya--- yung katabi niya pala ng holdaper. "Mukha kang mayaman, amin na 'yang bag mo!"

"Oh my God, please don't kill me. I'll give you all my things, just d-don't touch me," naiiyak na sabi ng kanyang katabi. 

Nakaramdam na rin ng takot si Justine. Paano kung siya na ang sunod na tutukan? Ibibigay niya rin ba lahat ng gamit niya? Eh ano na lang matitira sa kanya kung ibibigay niya ang buong bahage? Susme naman, dami na ngang kamalasan, mananakawan pa. Hallelujah, welcome back to Philippines!

How to Love Again Your Ex?Where stories live. Discover now