My first LOVE is YOU

21 0 0
                                    

May mga bagay tayong gustong makalimutan,mga bagay na ayaw nating pasukan dahil hindi parin tayo handa, mga bagay na ang ibang tao ay gustong gusto itong makuha. Pero ako? Alam kong darating din ang tamang panahon para sa akin. Alam ko, na alam nyo narin ang tinutukoy ko. Tama kayo ang tinutukoy ko ay ang pag-pasok sa isang relasyon. Pero sa hindi inaasahang pang-yayari =_= may isang nilalang ang pumasok at sinira ang buhay ko (¯w¯). Hindi biro lang, ang totoo nga niyan sya pa ang taong gumising at nag mulat sa akin sa totoong buhay…..

Chapter 1

“Lately I’ll been I’ll been losing sleep

Dreaming about the things that we could be

But baby I’ll been I’ll been praying hard

So no more counting dollars we will be counting stars

Yeah we will be counting stars”

 

“Ano bayan ang sarap-sarap ng tulog ko e!” (¯w¯). Dahan dahan akong dumilat, tapos kinuha ko ang cellphone ko na nag-aalarm. WAAAAAHHHHHH!!!!! Mali pala ang na-set kong oras sa cellphone ko dapat 5am naging 6am. Nagkamali ako dahil sa pagod ko kagabi galing school, ang daming assignment tapos tambak pa ng project, grabe naman kasi talaga tong si Mrs. Lorazon 4th year high school palang naman kami at hindi pa college grabe ng mag-pagawa sa mga students nya.

Nagmadali nalang akong bumangon sa kama ko at pumunta sa banyo para maligo dahil late nanaman ako sa klase. May sarili nga pala akong banyo sa kwarto ko ipinagpagawa ako nina daddy bago sila pumunta sa Canada para hindi na raw ako bababa pa para lang mag banyo. Sorry spoiled HAHAHA!!

Pagkatapos kong maligo dali-dali rin akong nag bihis, wala ng suklay suklay wala ng pagharap sa salamin. Dumiretso agad ako sa kusina para kumuha ng isang bacon and egg sandwich my favorite! \(^_^)/ \(^_^)/

“Mam Mika… dagdagan nyo napo ang baon nyo para d kayo magutom sa school” sabi ng bago naming maid. Sya si Nanay Mina, bago palang sya sa amin at napaka-bait nya talaga, sya na nga ang nagiging pangalwa kong nanay, dahil nasa ibang bansa ang aking mga magulang.

Ako nga pala si Mikaela Mariella De Guzman bunso ako sa aming tatlong magkakapatid at ako lang ang babae, kaya pag nalalaman ng mga kapatid ko na may nanliligaw sa akin, nako! Nag-tatago na sila, dahil ayaw pa akong payagan ng dalwa kong kuya ng mag bo-boyfriend. Nag-aaral ako sa St. Josephine High Academy. Ang nag-iisang school for girls sa lugar naming. Pag mamay-ari nga pala ng aking tita ang school na pinapasukan ko. Dahil sa madre ang tita ko, ginagawa talaga kaming mga martir sa school na yon, ang pagiging lady!

 

Pagkakuha ko ng limang bacon and egg sandwich tumakbo agad ako sa labas para mag-pahatid na kay Mang Jose. Sya ang personal driver ko since hindi ako marunong mag drive, I MEAN TAKOT TALAGA AKONG MAG DRIVE DAHIL SA NANGYARI DATI. Nakasagasa kasi ako ng manok kaya hindi na ulit ako ng drive, at medyo bata pa ako para mag-maneho.

**Ring,Ring,Ring **

Tumatawag na sa akin ang mga very close and crazy friends ko, sina Mae, Chelsea, at Mheg.

“Hoy bruha nasan kana? Malapit ng matapos ang flag ceremony” –Mae

“Hoy babaeng napaka kupad kumilos, parang may libing lagi! Bilisan mo lumipad kana kung maari dahil lagot ka nanaman kay Mrs.Lorazon”-Mheg

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My first LOVE is YOUWhere stories live. Discover now