Disenueve

406 9 7
                                    


Nakarating din kami sa bahay nila James, dito daw kami kakain ng lunch.

"Nadine iha!! Oh mga apo ko!!" Salubong saakin ni tita Krizette she looks very happy. Siguro dahil rin sa tulong na bibigay ko. Di ako masyado nangingialam pag tungkol sa company.

"Hows Amsterdam?"

"Okay naman po tita, nakakapanibago lang because I had to be more hand on to this two." Sabi ko at ngumiti ang dalawa ay hindi mahiwalay sa daddy nila. Nag-pasubo pa sa daddy nila at nagaagawan.

"Saan ka matutulog ngayon anak dito ba o sa bahay?" Tanong saakin ni mama.

"Sa bah--" Napatigil ako sa sinasabi ko ng si James na ang sumagot sa tanong ni mama.

"Sa bahay ko nalang po tita since gusto ko din makabonding ng mas matagal ang kambal." Sabi niya, di nalang din ako pumalag. Isang taon din nalayo sa kanya ang mga anak namin and I dont want to make the same mistake to James anymore, ang ipagkait sa kanya ang mga anak namin.

Pero teka anong bahay niya? Hindi na condo? After namin kumain ay maya maya nag-paalam na kami kila mama. Tinulungan naman ako ni James mag-buhat ng mga gamit namin. Mga 20 minutes lang ay andito na kami sa bahay. Malaki siya, may garden swimming pool at playground.

"Kelan mo ipinatayo to?" pagbasag ko sa katahimikan it would be more awkward kapag di kami magpapansinan.

"Before you left." Saka siya ngumiti ng mapakla. He was really planning to have a happy family with us. Still I missed that oppurtunity.

"Daddy can we play??" Our two kids asked.

"Go on, ipapasok ko lang yung mga gamit niyo."

"No i'll do it they missed you so much." He looked so shocked marahil ay dati nilalayo ko sakanya ang mga anak namin at ngayon ako na ang nagtutulak.

Walang maids dito, he knows I hate maids so much because I want to be hands on to my family, to my kids I mean. Sira na nga pala ang pamilya namin I forgot.

Agad kong nilabas ang laptop ko, I have lot of work to do lalo na ngayon na nagpapatulong si tita.

"Mamaya na yan masyado ka nagiging workaholic hanap ka ng mga anak natin." Nagulat ako doon, langyang yan muntik ko na mabato laptop ko. Mejo natawa pa siya don wow ha? lung nasira talaga ang laptop ko siya pabibilhin ko ng bago e.

Lumabas naman na ako at sumali na sa pag-lalaro nila.

"Kampi ko si mommy bleeeehh!!!" Sabi ni Nathan sa kapatid niya naglalaro kami ng agawan base, tinuruan ko sila ng mga larong pambata.

"Kampi ko naman si daddy akala mo bleeehhh!!!" Natatawa nalang ako lagi naman sila ganyan, kaya pag ako lang magisa nahihirapan ako sa kanila.

Actually para kaming tanga, agawan base pero apat lang kami. Hahaha silly.

"Mommy takbo na tatlo na kami hahahaha!!!" Agad akong tumakbo ng makuha nila si Nathan napakabilis tumakbo ni James nakakainis!!

"Huli ko na ang mommy niyo!!" Sabi ni James habang nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. Its the feeling again, parang may electricity na dumaloy sa katawan ko.

"Hahahaha mommy hungry na kami luto ka pleaseee??" Doon lang ako bumalik sa katinuan ko at binitawan na din ako ni James.

Pumunta na ako sa kitchen napagisipan ko na gumawa nalang ng orange juice at french toast. Since I am also tired from our trip and I have a lot of work to do tomorrow. Kumain na kami, James looks really happy right now.

"Daddy where's your girlfriend?" Napalunok ako ng makita ko si James na masama ang tingin saakin.

"Well kids, I dont have a girlfriend anymore. Why did your mom told you that?" Patay napatahimik ako sa sinabi niya.

"I don't know maybe mom is just jealous daddy." Sabi ni Jeane what the?!!

"Hindi ako nagseselos!!!" sabi ko at napatayo at napahawak sa lamesa. Nagulat din ako sa sinabi ko. Umupo nalang ako ulit at pinasakan ng maraming pagkain ang bunganga ko. I am so so dead. Nagtawanan naman silang tatlo wow ha? Whats funny about that hmmmpp.

Nanunuod ng cartoons ang dalawang bata, ginagawa ko naman ang trabaho ko si James nanunuod din. 

"Hey, coffee?" Hay wala talagang kupas yung kagwapuhan neto. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Tatangi ka pa ba sa kape na galing sa isang Robert James Reid?? syempre palag palag na. Binigay niya na saakin yung coffe and of course I said thank you.

"Wait lang, sagutin ko lang to." Siguro yun yung girlfriend niya? e sabi niya wala na sila? Ewan ko sayo Nadine nababaliw ka na. Binitawan ko naman na ang ginagawa ko dahil magluluto na ako ng dinner namin. 

After ng dinner nilinisan ko na ang dalawang bata. May four rooms dito yung dalawang room kay Nathan at Jeane. Yung isa supposedly saamin ni James and yung isa guest room. Sa guest room siguro ako magstay.

"Mommy we want to sleep with daddy." Napatingin ako kay James syempre siya ang may desisyon non. 

"Sure." Sabi ni James.

"Okay be good to you--" Pupunta na sana ako sa guest room ng pigilan ako ni James hinawakan niya ang braso ko.

"Hey, stay with us." Tumango naman ako jusko tatangi pa ba ko??

Nasa gitna namin ang dalawang bata. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko para akong galing sa dance practice sa bilis non nakakainis!!

"Goodnight Nathan, Goodnight Jeane, Goodnight James." Syempre si Nathan lang tsaka si Jeane ang kiniss ko sa cheeks.

"Mommy bakit si daddy walang goodnight kiss?" Bigla akong nagulat sa sinabi ng mga anak namin at aba saan nila natutunan yon?

"Bakit daw ako walang goodnight kiss come on." Alam niya talaga kahinaan ko kasing pula na ata ako ng limang kamatis shiiiittttt. Napapikit naman ako at hahalikan na siya sa cheeks pero imbes na sa cheeks dumapi yun bigla siyang humarap kaya sa lips ko siya nahalikan. Fuck. Nagtalukbong nalang ako ng kumot. Jusmiyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book 4: Reality Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon