Disesyete

254 5 0
                                    


Nakauwi na kami after namin mamasyal at mag-shopping sa mall mga 8pm na kami nakarating sa bahay.

"Bakit gabi na kayo? alam mo namang delikado dito sa Pilipinas tas isasama mo pa ang mga bata ng ganitong oras!!" Di ko alam kung anong irereact ko kay Nadine. Sobrang nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi niya. Parang napakawalng kwenta ko namang ama. Hindi nalang ako umimik. Titiisin ko nalang siguro.

"Goodnight anak I love you, balik nalang si daddy bukas ha?" Sabi ko at hinalikan ang dalawang bata. Gusto ko pa mang magtagal pero hindi na pwede. Parang tigre na ang babaeng asa harapan ko.

"Daddy can't you stay please pagmamakaawa ng dalawang bata at yumayakap. Nagulat ako ng wala na silang dalawa sa bisig ko hinila na pala sila ni Nadine.

"Anong pinag-sasabi mo sa mga anak ko? Siniraan mo ko sa kanila no para makuha mo ang loob nila." Napngiti nalang ako kahit sobrang sakit sa loob.

"Nadine hindi ko naman gagawin yun, sobrang babaw ko namang tao non." Kalmado kong pagkasabi. Para akong tinapaktapakan ng babaeng nasa harapan ko.

"Typical of you James, kukuhain mo ang loob tapos babaliktarin mo ang sitwasyon. Wag kang babalik dito hanggat di ko sinasabi!! Isa kang sagabal. Hindi ka namin kailangan dahil you're not gonna be a good dad, masyado kang masama para sa mga anak ko. Wala kang kwenta!!!" Sa isang iglap para akong nadurog. Sa sobrang sakit ng pinagsasabi niya.

Ngumiti nalang ako at lumabas biglang may tumulong luha muka sa aking mga mata. Napakasakit. Oo nag-kamali ako pero ganun nalng ba kababa ang tingin niya saakin? umiiyak lang ako dumaan ako sa convenience store para bumili ng isang kahong alak. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng manibela at sarili ko. Ayoko na. Nagwala ako sa condo ko, binasag ko ang bote ko sa sarili kong ulo, wala na akong pakialan kung anong mangyari sa tutal diba wala daw akong kwenta sabi ng babaeng minahal ko na sobra. Tinatanong ko sa Diyos kung deserve ko ba to. Siguro nga wala akong kwenta. Binato ko ang cellphone ko hindi ko na alam tangina. Nagdrive ulit ako bahala na kung saan ako mapunta.

Nadine's POV

Hindi ko din alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko. Inexplain ko naman sa mga anak namin kung bakit. Alam kong nagtatampo p din sila saakin hangang ngayon tatlong araw na ang nakalipas. Tatlong araw na din hindi sumasagot si James sa nga tawag ko. Kita niyo, pakitang tao lang talaga yung hayop na yon.

Kahit na ganun dahil gusto ko lang magkabati kami ng mga anak namin, tinawagan ko sila tita sa bahay pero wala daw si James doon. Typically asa condo niya siguro. Kung may makita man akong nakikipagtalik sa kanya don. I wont mind, tungkol lang sa mga anak ko ang ipupunta ko don buti nalang nasaakin pa ang key card. Agad akong nagdrive at tuloy tuloy na pumasok sa elevator. Pagkadating ko sa pinto ng condo niya nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako don. At binuksan ko na nga.

Nagulat ako sa tumambad saakin. Mga basag na bote. Basag na TV halos lahat basag na parang nabagyo ang condo niya. Sinubukan ko siyang hanapin kahit saan pero wala siya sa condo niya. may mga bahid din ng maliliit na patak ng dugo dito. Napasabunot naman ako sa sarili ko at napasimulang umiyak. Nanginginig ako hindi ko alam ang gagawin ko. Tinawagan ko ang lahat ng kaibigan niya pero wala din. Kasalanan ko to, masyado akong lumagpas sa limitasyon ko hindi ko namalayang nasaktan ko na siya ng sobra. I dialled my mom's number nanginginig pa din ako.

"Mommy please magpatawag po kayo ng pulis." Nanginginig talaga ako. At di ko mapigilang humagulgol.

"Ha anak bakit??" sabi neto sa kabilang linya.

"Mamaya ko na po e-explain mommy. Please mommy make it quick."

Pagkadating ng bahay agad pumunta agad ako sa loob at hinayaan ang ferari na na asa labas lang nakabukas. Ayaw kong sayangin ang bawat minuto at oras ko, alam kong nasa panganib si James at ako ang may kasalanan non.

"Ma iakyat mo muna sila Jeane at Nathan ako na bahala dito ma." Agad na sabi ko kahit nanginginig pa din. Kahit nalilito sa nangyayari si mama ay inakyst niya pa din ang kambal.

"Ito po siya, handa akong magbayad ng malaking halaga mahanap lang natin siya. Please." Pagmamakaawa ko sa mga pulis.

"Maam baka po sa kanya tong relong to? nalita po namin to sa NLEX maam." Kilalang kilala ko ang relo na yon. Wala yung katulad dahil personalized yon.

"Sa kanya yan!!" Sabi ko. Agad nilang hinahanap si James kung saan man sa NLEX.

Tatlong araw na ang nakalipas muli ay hindi pa din namin nakikita si James. Hindi ako tumitigil sa paghanap kay James wala na akong pakialam kahit ano nang ichura ko. Kalat kalat na ang makeup ko hindi na ako nagaayos hindi na din ako nakakatulog.

Biglang tumawag ang mga pulis saakin.

"Maam nahanap na po namin siya. Nasa parang isang gubat siya nagpatawag na din po kami ng ambulansya maam." Pinaharurot ko na ang kotse ko wala na akong pakialam. Sinundan ko ang adress na binigay nila saakin. Tumutulo ang mga luha ko. Kung hindi dahil saakin ay hindi siya nalagay sa panganib.

Pagdating ko agad ko niyakap ang katawan niya at niyugyog siya.

"James?James tangina naman gumising ka! James i'm sorry!! James please.." Sabi ko hang humahagulgol. Natatakot akong mawala siya sobrang natatakot.

Agad naman namin siyang dinala sa ospital. Sa byahe palang ang mahina na ang heart rate niya. 50:50 na raw ang buhay neto. Tangina kasalanan ko to.

"James please kumapit ka, hindi ko kayang mawala ka." Iyak ng iyak pa din ako. Just like any scene bawal akong pumasok sa loob. Nag-dasal ng nagdasal ako sa labas ng biglang dumating ang doctor.

"So Mrs. Sobrang daming namuong dugo sa loob ng utak ni James at marami rin siyang sugat na natamo. Hindi ko alam pero mukhang sa sobrang emosyon na nadama niya ay maraming vein na naputol sa kanya. Kinailangan namin siyang ilagay sa intensive care unit. Wag ho kayong mag alala gagawin namin ang lahat." Napatango naman ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Lord please don't take away James from me.

Book 4: Reality Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon