Kabanata 1

9 6 0
                                    

Isang napakalakas na preno ang narinig ni Reese sa harap niya at gulat na napatingin ng makitang bumaba ang kababata niyang si Zach na pilyong ngumiti sa kanya. Napasimangot nalang siya ng tuluyang lumapit ang binata sa kanya at tsaka humalik sa pisngi niya.

"I told you to be careful when you're driving!" Asik niya at nakatanggap siya ng malakas na batok mula kay Reese.

Hindi niya 'yon pinansin at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Done your girl talk with your friends?" Lumingon siya sa paligid bago sumagot. Marami kasing napapatingin sa kanilang dalawa. Lalo na sa lalaking nasa harap niya.

Aminado naman siyang malakas ang dating ni Zach sa mga babae dahil sa taglay na kagwapuhan neto. Pero bakit pati lalaki ay lumilingon din sa kanila?

Naramdaman niya ang pagpisil ni Zach sa kamay niya. Walang-sabi-sabi niya itong binitawan at hinapit ito sa bewang. Napatingin naman siya dito at kita niya ang pagsalubong ng kilay ni Zach.

Biglang kumabog ng malakas ang puso niya. Mas lalo kasi itong gumwapo sa tabi niya. Gustong-gusto niyang pagmasdan ang makakapal na kilay ni Zach habang magkasalubong ang mga ito.

"Zach?" Pag-aagaw niya ng pansin dito. Nilingon siya ni Zach habang inaalalayan siyang pumasok sa loob ng kotse niya.

"Oh?" Supladong tanong niya. Napanguso nalang siya at inabot ang magkabilang pisngi ng binata at tsaka pinisil.

"Ang cute mo!" Nanggigigil na sabi niya. Napangiwi naman si Zach dahil sa sakit na nararamdaman niya sa magkabilang pisngi niya.

"Ouch! Reese, stop it! Masakit!" Biglang napatigil si Reese ng makitang naluluha ito. Doon niya lang napagtanto na sobrang pula na ng pisngi ni Zach. Mukhang nasobrahan niya yata ang panggigigil sa binata.

"Oh my gosh! I'm sorry, Zach. Sorry." She cupped his face at malambing na hinimas-himas ito.

Huli na ng mapagtanto nilang dalawa kung gaano kalapit ang kanilang mukha sa isat-isa. Parehong bumilis ang tibok ng puso nila at parehong nagkatinginan sa mata.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Reese ng makitang bumaba ang tingin ni Zach sa labi niya. Kitang-kita niya ang paglunok ng binata.

"R-Reese..."

Unti-unting naglapit ang kanilang mukha pero kaagad na umakyat ang labi ni Zach sa noo ng dalaga. Matagal na naglagay doon ang labi niya at pinapakalma ang tibok ng puso niya pero mas lalo lang 'yong lumakas.

Nang kumalas siya ay hinaplos niya sa mukha ang dalaga at marahang ngumiti. Hindi maiwasang mapangiti ni Reese ng makita ang dimple ni Zach.

"Umuwi na tayo. I'll help you with your studies." Hindi nagsalita si Reese at napapangiti lang siyang sinusundan ng tingin si Zach kahit na nasa loob na ng kotse ang binata.

Tahimik lang silang dalawa pero aksidenteng nagkakatinginan kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nila hanggang sa naihatid na niya ang dalaga sa bahay nila. Saktong palabas naman ang magulang ng dalaga at napangiti ng makita silang dalawa.

"Kayong dalawa ha. Baka kayo naman na? Ibang iba na yata ang nakikita ng mga mata ko sa inyo ah." Tukso ng mommy ni Reese sa kanilang dalawa.

Pumula ang pisngi ng dalaga na ikinatawa ni Zach at inakbayan ang dalaga tsaka ginulo ang buhok.

"Kung ano-anong nakikita mo, Tita. Pwede bang makikain ako mamayang gabi? Tututor ko si Reese mamaya eh. Baka magutom akong magturo dito sa unica hija niyo." Napangiti naman ang ama ni Reese at kitang-kita niya ang kislap ng mata ng dalawa.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon