Kabanata 5

2 1 0
                                    

Tanaw na tanaw ni Zach sa labas ng classroom niya si Reese na parang hinahanap siya. Nag-excuse muna siya sa mga ka-grupo niya at dali-dali niya itong pinuntahan.

"Reese? What are you doing here?" Kunot noong tanong niya.

Kita niyang pawisan ang dalaga kaya nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang pawis ni Reese. Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay nakasunod ang tingin sa kanila ng mga ibang estudyante dahil kilalang-kilala ang dalawang ito. Napapabalita na sila daw na dalawa pero hindi pa sa ngayon. Malay nila ay magkatotoo ang iniisip nila.

"Zach do you have your Literature book? Naiwan ko kasi sa bahay. Wala pa akong assignment. Ipapasa pala namin mamaya. I'll give it back pagkatapos akong sumagot." Tumango siya at sinabing maghintay saglit.

Nang pumasok siya sa room ay napasipol si Aljun at Jiro kay Zach. Nagsimula na naman nilang tuksuhin ang dalawa.

"Ikaw, Reese ah. Namimiss mo naman agad itong si Zach. Halos minu-minuto na kayong magkasama tapos magkatabi pa ng bahay." Biglang namula si Reese ng biglang naghiyawan ang mga kaklase nila.

Pero hindi niya maiwasang matawa sa kakulitan ng mga ito. Lumapit si Zach kay Aljun na nanunukso tsaka niya binatukan ang dalawa.

"Stop teasing her, you two." Ngising-ngisi lang ang dalawa sa kanila.

"Ligawan mo na kasi brad. Diba Reese? Di naman siguro basted si Zach sayo noh?" Mas lalong namula si Reese at si Zach naman ay matalim na nilingon ang dalawa niyang kaibigan na umiwas ng tingin at nagsimulang makipag-usap sa mga kaklase nila na nakikiusosyo din kanina.

Lumingon si Zach kay Reese at hindi niya maiwasang mapangiti ng makita niya ang pulang pisngi nito.

"You're blushing, Reese." Napakurap-kurap naman si Reese at inirapan si Zach.

"A-Akin na nga 'yan!" Aagawin na niya sana ang libro ng bigla niya itong itaas at pilyong nginisihan niya ito at kinulong sa pader.

"Oy, oy, oy! Ano 'yan? Ligaw muna bago ganyan pre!" Rinig nilang sigaw ni Jiro at nagtawanan ang mga magkakaklase pero hindi pinansin 'yon ni Zach at aliw na aliw na nakatingin sa namumulang si Reese sa harap niya.

Ramdam niya ang galak at sobrang kabog ng puso niya habang nasa harap ng dalaga. Ito na yata ang pinakamasayang nararamdaman niya for his entire life.

"Z-Zach. A-Ang daming nakatingin." Naiilang na sabi ni Reese pero ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya.

"I don't care about them, Reese." Pilyong nakangisi si Zach sa kanya at tsaka niya ito hinalikan sa noo.

"Damn. You're so fucking adorable, lady." Naiiling na sabi niya ng makitang mas lalong pumula ang mukha ng dalaga.

Mas lalong nag-ingay ang mga kaklase nila sa paligid kaya itinago niya ang mukha niya sa dibdib ni Zach. Napahalakhak si Zach at muling hinalikan ang ulo ng dalaga at tsaka niya ito itinago ng tuluyan sa dibdib niya.

"Okay, enough of teasing her." Rinig niyang sigaw ni Zach sa mga kaklase nito pero mas lalo lang silang natukso.

Napailing nalang si Zach at tinaas ang mukha ni Reese.

"Let's go. Ihahatid na kita sa room mo." Tumango si Reese at umiwas ng tingin.

Nakaakbay lang sa kanya si Zach habang hawak-hawak nito ang librong hinihiram niya. Hindi naman mabura-bura ang ngiti si Zach habang siya ay namumula parin ang pisngi niya hanggang sa makarating na ito sa room nila.

"I'll fetch you here later." Paalala niya sa dalaga bago siya nagpaalam. Sinundan niya muna ito ng tingin bago bumalik sa loob ng classroom nila.

Nanunuksong nakatingin ang mga kaibigan niyang babae sa kanya.

KababataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon