CHAPTER 30

16 3 0
                                    

Amelie's POV

Napatingin kami lahat kay Daniella na ngayon ay tulog na..

Haystt... Napagod nga talaga siya..

Sa totoo lang nagaalala na ako sa kanya dahil kakasimula pa lang niya dito sa Academy then naging member na siya agad ng SUPERIORS tapos bigla biglang may mission na siyang haharapin..

I mean oo nararamdaman kong malakas siya pero I feel bad for her parin dahil alam kong di madali sa kaniya to

Hmmm..

Napagawi naman ang tingin ko sa lalaking kanina pa nakatitig sa natutulog na dalaga

Napangiti nalang ako dahil ngayon ko lang nakita ang leader namin na nakatingin sa isang babae nang napakatagal na walang kahit anong galit sa mata niya....

Hayst..

Bakit ba kasi ayaw mo siyang kalimutan...

... Levh?


"uy Amelieeee"

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa harapan ko yung mukha ni Evhe

HAHAHHAHAHA

"bakit?"

Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakasimangot sa akin

"kanina pa kita tinatawag pero di mo ako pinapansin iiiihhhh"

Reklamo niya sa akin habang mas lalong kumukulubot yung face niya! Haha so cute..

"Hahaha... Im sorry... Anue ba yung gusto mong sabihin?"

Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya tapos ngumiti na ulit siya ng malapad...

Pinagmasdan ko nalang yung mga SUPERIORS na ngayon ay makikita mo sa mukha nila na nageenjoy sila except nga lang sa isa na nakatitig lang kay Daniella pero alam ko namang nageenjoy siya....

Nageenjoy na pagmasdan siya....

Hay nako... Tsk tsk tsk


Tumayo na kaming lahat ng mapagod na kami sa game tapos lahat kami ay dumiretao na sa mga higaan namin....

Ang katabi ko ay si Daniella saka sa kabilang side ko ay si Evhe na ngayon ay nakayakap na sa akin na para bang ako ang unan niya...

Tinignan ko naman yung tumabi sa kabilang side ni Daniella na ngayon ay sinamaan ako ng tingin nang mahuli niya yung nangaasar na titig ko sa kanya...

Nginitian ko nalang siya... Saka ako unti unti nang nilamon ng antok...

Waking In The RealityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora