CHAPTER 29

7 3 0
                                    

Elise POV

Kanina pa kami naglalakad dito sa islang to pero di ko talaga alam kung saan kami papunta

"Malapit na ba tayo sa 'pupuntahan' natin?"

madiing tanong ko sa kanila dahil naglalakad na ngang kami dito sa gubat na may kung ano anong matutulis na nakausli tapos hilahila ko pa yung dalawa kong naglalakihang maleta....

Susme kung alam ko lang na ganto ang pupuntahan namin e di sana isang maleta nalang ang dinala ko!

"A he he he"

Alanganing tawa nung ibang boys sa tanong ko...

"Anong tinatawa tawa niyo dyan!? Nakikita niyo bang kanina pa ako di makalakad ng maayos dito sa gubat na ito! Tapos kahit isa sa inyong mga lalaki wala man lang tumulong sa akin na magdala nitong dalawa kong maleta!?"

Sigaw ko sa kanila kaya naman lahat ng SUPERIORS ay huminto sa paglalakad tapos tumingin sa kalagayan ko ngayon...

Haystt

Kaylangan lang pala sila sigawan para mapunta sa totoong mundo ang diwa nila e

"Magstay muna tayo dito sa punong ito...pagabi na rin kasi"

Biglang sabi ni Quillon kaya naman saka lang namin napansin na dumidilim na pala

Umupo na kami dun sa ilalim ng puno na sinabi ni Quillon pero infernes maganda yung puno!

Naglatag yung mga girls ng sapin sa lapag habang yung ibang boys ay umalis muna para maghanap ng kahoy na pwedeng putulin... Wala na kaming problema sa pagkain dahil si Kate pagkabukas na pagkabukas niya ng bag niya e nagsihulugan na yung mga pagkain na binaon niya!

Buti nalang at may foods! Dahil kung wala talaga magwawala ako dito sa gubat na to! Magiging girl version ako ni Tarzan tapos yung mga SUPERIORS yung mga unggoy!

Nang makabalik na yung ibang boys gumawa sila ng apoy gamit yung kahoy tapos Yung ibang natirang kahoy ay ginawa nilang parang fence na nakapalibot sa amin, para daw kasi di agad agad makakalapit sa amin mga wild animals!

Whatevz~

Habang kumakain kami napansin kong lahat sila ay nakasuot ng jacket ako lang ang Hindi! Kaya ngayon ko lang rin naramdaman yung sobrang lamig!

OMAHGHADD..WHAT TO DO!?

Nagulat naman ako ng may mainit na bagay ang nilagay sa katawan ko..

Tinignan ko naman kung ano yun...at nakita kong coat lang pala na talagang ginagamit lang sa winter seasons..

Huehue ang Oa kong magdescribe..

Tinignan ko si Levh na stoic parin yung reaction kahit binigyan lang naman niya ako ng extrang coat niya..

Soo.... Uh...

Magpapasalamat na ba ako niyan...?

"Ahehe.. Thanks"

Sabi ko nalang sa kanya tapos tumingin na ako sa gawi nila Kate at Leif na nagaaway nanaman...

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Levh kaya hinayaan ko nalang siya kesa naman pakielaman ko pa siya!

Like duh~ Gurl... matanda na tong lalaking to kaya na niya sarili niya!

"GG Bessy!! Halika sali ka hihihi..."

Napatingin naman ako kay Evhe na nakaupo sa damuhan kasama yung iba habang winawagayway ng bongga yung kamay niya

Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya naman sumimangot siya

Waking In The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon