CHAPTER 4

38 19 4
                                    

Elise POV

So habang nagiimpake ako napansin ko tong bracelet na nahulog nung matanda...parang mas lalong tumingkad yung kulay nung rainbow at mas lalong kimikinang yung pearls na nakapalibot...

Di ko nalang pinansin..basta  magiimpake muna ako

Hinanda ko na yung dadalhin ko... Mga oversized T-shirt,sweatpants,leggings, shorts, long sleeves, blouses,pajamas, jacket,rubber shoes,tsinelas at of course undergarments and toothbrush,toothpaste, perfume,suklay at kung ano ano pang kaartehan...

At di ko makakalimutan na dalhin ang phone at laptop ko noh!

Pagkatapos kong magimpake, umupo muna ako sa kama para makapagpahinga muna ko... Pero wait lang kung napansin niyo kahit isa wala akong inimpake na mga dress.. Dahil kahit kailan di pa ako nagsusuot ng mga ganon dahil mas comfortable ako sa mga T-shirt at shorts o kung ano pa, except sa dress at high heels kaya iyan!

So pagkatapos Kong magpahinga ng konti, bumaba na ako para makatulong ako sa mga gawaing bahay huehue.. Sorry pero masipag ako hmph! *flip ng beautiful,soft and long hair*

Ng makababa na ako, nakita ko si mama na nagwawalis na... At ang kapatid ko naglilinis ng mga upuan at kung ano pang makita niyang madumi!

"Mama! Magdidilig nalang ako at magwawalis dun sa garden ha? " Di ko na pinakinggan sinabi ni mama, basta lumabas na ako at dumiretso na sa garden wahaha!

Habang nagdidilig ako... Naisipan kong gayahin yung boses ni Snow White, dahil madami akong nakikitang mga ibon! Malay mo gaya ni Snow White lumapit din sila sa akin at kausapin rin ako diba!?.. Good idea Elise!!

*ehem* *ehem*

"LALALALALAAA~~" kanta ko na talagang nakapikit pa ako ha! Syempre dapat feel na feel mo kung kumakanta ka!

Imbis na lumapit sa akin yung mga ibon, pagdilat ko nakita Kong....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Talagang naguunahan pa ata  yung mga ibon na lumipad Basta makalayo lang sa akin!
Huwaaaatttt!?? How dare they!??

Pagtingin ko naman sa paligid nakita ko yung mga kapitbahay naming nasa labas rin na nakatingin sa akin habang nakanganga! Yung iba naman nakatakip pa sa bibig yung dalawang kamay nila habang nanlalaki yung malalaki na nilang mga mata sa akin! Ano bang problema nila!? Di ko sila nagegets minsan eh!!

Tinaasan ko nalang sila ng kilay tsaka pumasok sa loob ng bahay namin habang nakasimangot..

"Oh bakit lukot yang mukha mo anak?" Tanong ni mama habang nagwawalis siya nung makita niya expression ng mukha ko

"Eh kasi naman ma! Yung mga kapitbahay natin nakatingin sa akin na para bang takot na takot sila sakin!!" Sumbong Kong parang bata kay mama...

"Hayaan mo na sila anak.. Baka naisipan nilang lokohin ka" balewalang sabi ni mama

Kahit walang sense yung advice sakin ni mama binawela ko nalang.. Bumalik na rin yung pagiging good mood ko hihi!

"Ma! Akyat na po ako ha, I'm so exhausted na kasi! " Sabi ko kay mama habang umaarte pa akong talagang pagod na pagod na ako...

"Osige nak! Magpahinga ka na, at maaga ka pa para bukas" ani ni mama

"Oki po!"

Habang papaakyat na ako..naisipan ko  ulit kumanta dahil... gusto ko lang!

"You raise me upppp!!! So I can stand on mountains~!!"

*booooogsssshhh*
*crashhhhhhh*

"Kyaaaaahhhhh!!" Tili ko

Pagkaharap ko para makita kung saan nagmula yung ingay...nakita ko sila mama na nakanganga sa akin..nabasag ni Elaine yung hawak hawak niyang vase at napaupo si mama sa sahig sa sobrang gulat? Ang O.A nila

"Anong problema niyo at umaarte pa kayo dyan?" Walang gana kong tanong sa kanila...

*Kruuu kruuuu kruuu*

Ng wala akong makuhang sagot sa kanila...inirapan ko nalng sila at umakyat na sa taas

Lagi nalang silang ganyan kung kumakanta ako! Alam ko namang di MASYADONG maganda boses ko.. Pero kung makapagreact sila para bang kinukulam na sila ng boses ko!! Mygod!! I dislike drags!

Inalis ko nalang yon sa isipan ko at nahiga na sa kama para makatulog na....

Haystttt... Goodnight guys! At matutulog na ko dahil maaga pa ako bukas *higab*

Tood––

Zzzzzzzzz
Zzzzzzzzzzzzzz

Zzzzzzz
Zzzzzzzzzzzzz

Waking In The RealityWhere stories live. Discover now