#52: Mastermind

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla akong napangisi. Parang kahapon lang na ang saya saya ko nung nalaman ko na si Tyler at Tyrence ay iisa. Parang kahapon lang ay naramdman ko kung gaano kasaya na mahal ka ng taong mahal mo. Parang kahapon lang nasaksihan ko na pwede palang maging fairytale ang buhay mo kahit sa isang gabi lamang. Parang kahapon lang nakaramdam ako ng takot para sa aming dalawa ni Tyler kung ano ang mga problemang haharapin naming. Parang kahapon lang naintindihan ko kung gaano nagpapatapang ang pagmamahal.

Ramdam na ramdam ko ang mga mabibigat kong mga hinihinga. If I will die now, I just want the whole world to know how much I love Tyler Lawrence Montereal. That even though we will just last for one day, I am happy.

“I’m r-ready…” bulong ko sa sarili ko kahit na nahihilo na ako.

Nakita ko naming inangat ng lalake ang hawak niyang baril at agad itong hinampas sa aking ulo. Naramdama ko na lang na bigla akong bumagsak sa lupa habang nakatingin sa kawalan.

“I’ll protect you, I promise” Tyrence

 

“I’ll come back for you…” sabi n Tyrence at niyakap ako.

 

“You’re my gangster princess…” ani ni Tyler.

 

 “I love you.” Bulong ni Tyler sa akin.

“T-tyler…”  bulong ko sa sarili.

Unti unting pumipikit ang aking mga mata at biglang nagdilim ang buong paligid. Hindi ko na ata kaya…

~*~

“Kuya, she’s RiRi, my friend.” Sabi ni Tyler sa kanyang kuya.

 

Bigla naman akong kinabahan sa pagtitig ng kuya niya sa akin. He seems scary and I don’t like it. Paa kasi siyang bully tignan. Mabilis akong nagtago sa likod ni Tyrence at kumapit sa kanyang braso. Baka kasi awayin lang ako ng kuya niya.

 

“Lumayo ka nga sa kanya Ty!” galit na utas ng kanyang kuya. “That girl is no good for you.”

 

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako dahil sa sobrang takot. Tyrence’s brother is really freaking me out right now! He’s a big monster!

 

“Look what you did to her, Kuya! You made her cry.” Galit na sabi ni Tyrence at tinulak ang kanyang kuya.

 

Bigla naman itong napupo sa damo pero agad naman tumayo para ngayon ay itulak si Tyrence. Napalakas ata ang pagtulak ng kanyang kuya kaya nabagok ang ulo ni Tyrence sa isang matulis na bato. Bigla akong napasigaw at napaiyak sa kaba. Tyrence’s head is bleeding!

 

“What did you do to my son?!” Galit na tanong ng kanilang papa habang nasa hospital kami.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon