#34: The Jealousy Game

597K 13K 2K
                                    

~*~

“Una na ako, girl ha?” sabi ni Jade at bumeso sa akin.

Tumango naman ako. Lumabas naman siya ng kwarto at ako naman ay nagayos pa ng buhok sa salamin. Lunes na Lunes bored akong pumasok pero ugh, kainis kailangan kasi dahil next week na ang exams. Nang natapos na akong nagayos ay kinuha ko na ang bag at ang mga libro ko at lumabas na ng dorm.

Nakasalubong ko naman ang iba pang mga babaeng estudyante ng Montereal Academy. Lahat sila ay nakatingin sa akin at biglang bubulong. Ano nanaman ba ang pinaguusapan nila? Halos isang linggo na ang nakakaraan nung skandalo namin ni Amethyst.

“Grabe, nakakatakot talaga siya noh?”

“Oo nga, tindig pa lang niya! Tapos ang ganda pa.”

“Rinig mo? Offical na daw na siya na ang Gangster Princess ng Academy.”

Napatingin naman ako sa grupo ng mga babaeng nagbubulungan na rinig na rinig ko naman. Nagulat naman sila sa paglingon ko kaya agad agad naman silang nagsitakbuhan.

“Gangster Princess?” bulong ko sa sarili ko.

Ako raw ang official Gangster Princess ng Academy? Wow, kung si Amethyst ang Heartthrob Princess ako naman ay Gangster Princess? It’s cool though gusto ko maging Gangtser Queen. Being a gangster princess would be cooler that a Heartthrob Princess. Nirerespeto, kinakatakutan at tinitingala ng mga tao. Booya, I think I’m going to have fun being the Gangster Princess. It’s my honor to be called one.

Ngiti ngiti naman akong naglalakad papuntang classroom. Lahat kasi ng nakakasalubong ko eh biglang nagb-bow sa akin. Well yeah, bow down to your Princess. Haha. Pero nawala ang ngiti ko ng may biglang may bumangga sa akin sa likuran.

“What the hell,” reklamo ko.

Napatingin naman ako sa dalawang malalanding tao at nilagpasan ako at nagtatawanan. Ang laki laki ng daanan at kailangan pa akong banggain. Tsk. Ang sabihin nila papansin ang mga ito! Peste. Tumigil naman sila sa paglalakad at humarap sa akin. Nakita ko naman ang panunuya sa mukha niya habang hinahawakan ang baywang ng kasama niyang linta. At akala niyang magseselos ako sa pinaggagawa niya? Akala niya na through this ay maiinlove ako sa kanya at hahabulin siya?

Well guess what. I’m not. Gusto niya ng laro then I will give him!

“Sorry, hindi ka kasi namin nakita.” Sabi ng babae sa akin at mas niyakap pa ang braso ni Tyler ng mas mahigpit.

Sige lang, maglandian lang kayo sa harap ko. Hinding hindi ako magpapaapekto. Oo, medyo nagselos ako pero damn hinding hindi ako luluhod sa harap niya para pigilan siya sa paglalandi niya! Kung gusto niya ng mga lintang prosti edi go hindi ko naman siya pipigilan. I too have my own ways.

Nahagip naman ng paningin ko si Nathan na naglalakad sa greenfields. Bigla naman ako nagkaroon ng bright idea. Gusto niya ng laro, then fine maglalaro ako. Tumingin naman ako sa kanila at ngumiti. A sweet but fake one.

“It’s okay.” Sabi ko at bigla silang inirapan.

Tumakbo naman ako papunta kay Nathan at agad siyang inakbayan. Kahit mas matangkad si Nathan sa akin ay pinilit ko talaga siyang akbayan. Kala ng Tyler na yun ha, kaya ko rin makipaglaro noh. Napatingin naman si Nathan sa akin at napangiti.

“Xyra, Good Morning.” Sabi niya.

Kumalas naman ako sa pagkakaakbay at sinabayan siyang naglalakad.

“Sabay na tayong pumunta ng classroom.” Sabi ko.

Tumango naman siya. Kinuha niya naman ang books ko, siya na raw magdadala. Nuks, gentleman talaga tong kaibigan ko! Nilingon ko naman sina Tyler na ngayon ay naglalakad na rin papuntang classroom. Boom, nakita ko siyang masama ang tingin sa aming dalawa ni Nathan habang yung lintang kasama niya ay talak ng talak. Ngumisi naman ako na may halong asar at bigla siyang inirapan. Well, one point for me.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon