#28: Enchanted Love

692K 12.7K 1.8K
                                    

Sad to say this chapter won't be about the camping trip. Jade-Pierce love story po ito! Time out muna tayo kina Rien para mas exciting.

~*~

Jade's Pov

"Welcome to Enchanted Kingdom my dear students! Sa buong araw nating andito sa amusement park ay magsasaya lang tayo! Have fun guys sa outdoor activity." sabi ni Miss Pauline, class adviser namin na parang mas excited pa sa aming lahat.

Okay so I'm not a fan of amusement parks but I really want to try one. Sa maniwala man kayo o hindi first time kong makatungtong sa isang amusement park. Uhm hello! Study plus fashion lang ata ang inaatupag ko eh. Who cares? They said amusement parks are scary pero pagdating ko rito feeling ko masaya at exciting ang rides!

"OMG! Charlotte, I want to ride the roller coaster!" sabi ko sabay talon talon.

I don't care if I look stupid and childish. Who cares? Miss Pauline told us to have fun so I'm going to :)

"Pass muna ako girl. Takot kasi ako sa mga ganyan." sabi ni Char na parang nanginginig.

Pero teka? Seryoso ba tong babaeng to? Siya takot sa rides? Eh ako nga na first timer eh parang naeexcite at sa wakas makakasakay na rin ako. Tapos siya takot? Eh sa pagkaalam ko wala tong kinakatakutan ah.

"Hoy Charlotte? Are you serious ? Eh bitchy ka! Wala kang kinakatakutan! I know that!" sabi ko.

Umiling naman siya at nag peace sign.

"Sorry bes, matapang nga ako pero may kahinaan rin kaya ako. And that is heights haha." sabi niya.

"Eh sino ang makakasama ko ngayon?!"

"Me :)"

Nanlaki naman ang mata ko sa taong biglang nagsalita sa likod ko. Peste. The voice was very familiar. Wag mong sabihing...

"Uy Pierce, bakit ka andito?" tanong ni Char sabay ngiti ng malapad.

Bigla naman kumunot ang noo ko at hinarap siya.

"Hoy kumag ka! Bwisit, bakit ka ba andito ha?!" galit kong tanong.

Ugh! Kahit kailan talaga umiinit talaga ang ulo ko sa lalakeng to. Marinig ko nga lang ang pangalan niya nabwibwisit na talaga ako. Tapos andito pa siya? Akala ko jerk-free ang araw kong ito. Malas to the max.

"I want to spend my day with you Honeybunchies." sabi ni Pierce at ngumiti ng malawak.

Bigla naman akong nandiri sa sinabi niya. Why does he keep calling me 'Honeybunchies'? Like eww? Ang baduy baduy.

"Yuck! Mandiri ka nga sa sinasabi mo, bwisit!" sabi ko at binatukan siya.

Napa-'aray' naman siya pero bigla namang tumawa. Okay? Weirdo talaga ang isang to! Hinding hindi ko maintindihan kung ano ang trip niya. Nakakabwisit siya! Bipolar. My ghad.

"Sarap mo kayang tawaging Honeybunchies hihi."

Umaksyon naman ako na parang nasusuka. Honeybunchies? Yuck! Ang baduy baduy talaga ng kutong puang ito! Nakakasuka forevs.

"*Ehem* Uhm, I'm still here?" sabi ni Char habang pigil na pigil ang tawa niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at biglang pinitik ang noo.

"Magsama nga kayong dalawa!" sabi ko at nagwalk out na.

Nakakairita! Bakit pa kasi dito ito napadpad! Eh hindi ko naman classmate ang loko tong ha? Eto naman si Char walang bukas ang pang-aasar sa aming dalawa. Eh di ba obvious naman talaga na ayaw na ayaw ko sa kanya? Bata pa lamang kami ayaw na ayaw ko na talaga sa kanya.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon