Chapter 24

115 6 0
                                    

"Busi-ness Ad-ministration!" Chant nung mga cheerleading squad ng course namin.

Ngayong araw ay isa-isa naming tininignan ang mga ginagawang pagpa-practice ng lahat ng course. Binilang ko sa list na hawak ko kung ilan pa yung pupuntahan namin.

Eight colleges mula sa buong campus ang sasali sa competition. Yung ibang courses kasi ay naghalo na dahil magkakakilala at walang ring oras yung iba dahil karamihan ay graduating.

"Buti nalang hindi talaga kita pinasali." Nakangusong sabi ni JD.

"Hmm? Bakit naman?" Pinanliitan ko sya ng mata.

Naglalakad na kami ngayon at nasa unahan namin yung mga officers habang naglalakad papunta sa College of Engineering and Architecture.

"Maikling cycling shorts lang yung panloob ng maikli ring palda, tapos fitted pa yung pangitaas." Umiiling niyang sabi.

"Oh? Nako gusto mo nga yun e. Daming sexy." Umirap ako ng pabiro.

"Thats not true, mahal. Ikaw lang kaya sexy dito." He winked.

"Ay sus! Ewan ko sa'yo." Tawa ko nang makapasok na sa kung saan nagpa-practice yung mga Engineering students. May costume na agad sila! Sobrang ikli. My gosh.

Lumingon ako kay JD na ngayon ay kinakausap na si Grant habang nanood sa mga nageensayo.

"Hi, bro." Tango ni Grant sa akin bago bumaling ulit sa mga babaeng naghahanda na ulit para sa routine nila.

Madilim ang tingin niya habang pinanonood na nagpapractice yung mga babae para sa routine. Familiar yung mukha nung isang babae...

Oh, I remember now, she's Aubrey Yu!

Siya yung nagli-lead sa iba pang students na kasali sa routine. Lumapit sa kanila yung ibang officers ng College namin para icheck yung mga kakailanganin nila.

"President!" Tawag ni Joey kay JD.

Napalingon si JD at nagpaalam muna kay Grant. Hinawakan niya ang kamay ko para sabay kaming lumapit kila Joey.

"Whats wrong?" Ani JD nang makalapit.

"I just wanna ask if the other seniors can join? Wala sa list yung pangalan nila e. Kulang kasi kami ng boys para sa pagbuhat." Sambit ni Aubrey.

"Yeah, ayos lang. Just give their names to Joey, para maisali sa list niyo." Tango ni JD. Kunot noong lumapit naman si Grant sa amin.

"Okay, thanks." Ngiti ni Aubrey at naglakad na papunta sa mga lalaking nakaupo sa monoblock chairs.

"Whats the matter?" Walang emosyon niyang sabi. Diretso lang ang titig niya kay Aubrey na ngayon ay nakikipag-usap na sa mga lalaki.

"Sasali daw yung mga seniors na lalaki, man. Ikaw na ang bahalang mag monitor. Una na kami." Paalam ni JD at tinapik na ang balikat ni Grant na nakatitig pa rin kay Aubrey.

Sunod naming pinuntahan yung mga Architecture students na nasa likod ng building nila. Sinalubong agad kami ni Khalil na may hawak pang camera.

"Kamusta, bro?" Aniya nang mapansin yung galos ni JD.

"Wala 'to. Di naman masakit." Natatawang sabi ni JD.

Pinanliitan ko siya ng mata bago diniinan yung galos niya sa gilid ng mata. Hindi daw masakit e.

"Aw, babe!" Daing niya bago humakbang palayo.

"You said it doesn't hurt?" Natatawa kong sabi. Ang yabang kasi e.

"Ikaw, Andi? Ayos ka lang? Namamaga yung panga mo." Sabi ni Khalil nang bumaling sa akin.

"Yup, ayos lang. Masakit pa nga kaso maraming kailangan gawin ngayong week kaya nagpauwi na ako."

All For Love (SMA #1)Where stories live. Discover now