Chapter 21

105 5 0
                                    

Gumising ako sa isang madilim na lugar. Tanging ang liwanag na nagmumula lamang sa labas ng silid ang nagbibigay liwanag para maaninag ko ang paligid.

Nakatali ang mga paa't kamay ko sa silya. Walang tao sa paligid. Masakit na ang katawan ko dahil mukhang ilang oras na akong nakaupo. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Ilang oras na nga ba?

Napapitlag ako nang may biglang nagbukas ng pintuan.

"Hello, bitch." Boses ng babae mula sa pintuan.

"Who the hell are you?"

"Oh, you didn't have to know." Halakhak niya.

Hindi ako sumagot. Hindi rin siya nagsalita. Malalim na paghinga at tibok lamang ng puso ko ang tangin naririnig ko.

Ramdam ko ang paglapit niya sa likod ko. Dinig ko rin ang mahinang pagtawa niya na para bang nasisiraan ng ulo.

"Ah!" Daing ko nang bigla niyang hablutin yung buhok ko.

"Does it hurt?" Tanong niya bago lumipat sa harap ko at mahigpit hinawakan yung panga ko para iharap sa kanya.

"Sino ka?" Tanong ko kahit gusto ko ng sumigaw sa sakit dahil halos bumaon na yung mga kuko niya sa panga ko.

"I'll kill you, bitch!" Sigaw niya bago umambang sasampalin ako.

I closed my eyes tightly, waiting for the pain.

"What the fuck are you doing, Haley?" Boses ng isang lalaki na nagpadilat sa akin. Pamilyar yung boses niya!

Wait... Haley? As in Haley Malcor? The hell with this girl!

"Oh, fuck you, Lei! 'Wag mo 'kong pakialaman. Umalis ka dito." Sigaw niya sa lalaki. Lumayo siya ng dahil pag hatak nito sa kaniya.

Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanilang dalawa. Hindi ko pa rin maaninag yung mga mukha nila dahil sa dilim.

"I told you to leave her alone! What the hell is your problem?! Wala siyang kasalanan sa'yo!"

"Really? That's bullshit. This slut take my boyfriend away from me! Pinagtatanggol mo pa? Ha!" Buong lakas na sigaw niya.

Napapikit ako dahil sa pagkakasilaw nang bumukas ang ilaw.

Nanlaki ang mata ko nang makitang palapit sa akin yung dalawang lalaki na may nakaipit na baril sa tagiliran. Tinanggal na nila yung pagkakatali ko sa upuan pero nanatiling nakatali ang mga kamay ko.

"Bitiwan ninyo ako! Tulong!" Sigaw ko nang hawakan nila ako sa magkabilang braso.

Nakita kong papalapit na si Haley sa amin at yung lalaking kausap niya ay pinagsusuntok na nung isa pang armadong lalaki.

Tinanggal na nung isang lalaki yung tali sa kamay ko. Nakangising lumapit si Haley sa amin bago huminto at sampalin ako.

I smirked at her.

Lalo kong nilakihan ang pag-ngisi nang makitang naiinis siya.

She want war? I'll give her war.

"Ito lang ba yung kaya mo? Poor you, JD is mine." Nakita kong mas lalong nag-alab ang galit sa mga mata niya.

She can surely hit me physically but I can give her emotional pain. Kwits?

"Hayop ka!" Dalawang magkasunod na sampal ang ginawa niya sa akin.

"Mas masakit siguro kung hindi ka mahal nung taong kinababaliwan mo kaysa sa sampal 'no?" Halakhak ko kahit nalalasahan ko na yung dugo sa labi ko.

"Walang hiya ka! You're a just a whore! Slut! Mang-aagaw!" Sigaw niya na halos nagwawala na.

Hindi na siya muling lumapit sa akin. Paikot-ikot siya sa loob ng kwarto, hinahagis lahat ng bagay na mahawakan at bumubulong na tila may kinakausap.

Ilang minuto pa ay narinig ko na ang sirena ng mga pulis. Mas lalong humigpit ang kapit noong dalawang lalaki sa akin.

"Ma'am, tumakas na po tayo! Baka mahuli pa tayo rito! Ma'am!" Paulit-ulit na sigaw nung dalawang lalaki na halos hilahin na ako papunta sa kung saan kaya nataranta ako at sumigaw.

"Tulong! Tulungan nyo ako! Papa! JD!" Buong lakas na sigaw ko.

Dahil sa pagsigaw ko ay naagaw ko ang atensiyon ni Haley. Nanlaki ang mata ko nang sumugod siya papunta sa akin at agawin 'yong baril noong lalaki.

"Hayop ka!" Galit na itinutok niya yung baril sa akin.

God. Wrong move.

"Haley! Itigil mo na 'to!" Sabay kaming napalingon sa pintuan.

Si JD. His hair is a bit messy. May galos din siya sa mukha. Nakipaglaban ba siya sa labas? Pero pagaling palang siya!

"JD, you came. Babalik ka na ba ulit sa akin?" Desperada niya tanong.

Matalim na tingin ang ibinato ni JD sa kanya at sa dalawang lalaki sa gilid ko. Napansin kong wala na yung kausap ni Haley kanina at yung isa pang lalaki.

"Yes, I came for you..." Then he smirked. Kinulabutan ako sa paraan ng pag ngisi niya. Parang may hindi magandang magyayari.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Haley nang marinig 'yon. Agad siyang tumakbo para yakapin si JD.

Nakita kong may kinuha si JD mula sa bulsa niya sa likod bago yakapin pabalik si Haley. Ilang sandali lang ay bumitaw siya sa yakap at hinuli ang mga kamay nito. Mabilis niyang nailagay yung posas kaya wala nang nagawa si Haley kung hindi ang mag wala.

Agad na pumasok ang mga pulis mula sa likod ng kinatatayuan namin. Nahuli agad yung dalawang lalaki dahil pinalibutan agad sila ng mga pulis bago pa makatakas.

Napaupo ako dahil sa sobrang panghihina.

Mabilis akong dinaluhan ni JD. Sa higpit ng yakap niya ay para akong dinuduyan ng ulap matapos kong dumaan sa impyerno.

"You're bleeding..." Bulong niya habang pinupunasan yung dugo sa labi ko.

Parang gusto ko nalang matulog sa bisig niya. Sobrang napagod ata 'yong katawan ko sa mga nangyari kaya nanlalabo na pati ying paningin ko.

Hinubad ni JD yung kulay itim na longsleeve shirt niya at isunuot sa akin bago ako akayin patayo. Nagawa ko pang ngumiti nang makitang wala pala siyang dobleng suot pero ibinigay niya sa akin yung damit niya. Pasaway talaga kahit kailan.

Hawak na ng mga pulis si Haley Malcor at yung mga tauhan niya. Hindi lang pala tatlo, dahil lagpas sa sampu yung mga lalaking nahuli ng mga pulis.

"This is not the end, bitch." Ngisi ng baliw na si Haley. Umiling lang ako at naglakad na paalis kasama si JD.

"Wag!" Lumingon ako dahil sa sigaw nung mga pulis sa likuran namin.

"Goodbye, bitch." Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak na baril si Haley.

"Andi, anak!" si Papa.

"Babe!" si JD.

Sigaw ng dalawang lalaking pinakamamahal ko bago pa man magdilim ang paningin ko.

All For Love (SMA #1)Where stories live. Discover now