Prologue

2 0 0
                                    


Sabi nila yung 'the one' mo makikita mo na kapag naramdaman mo na siya na ang right person in right timing and right places.  Eh bakit ako halos naramdaman ko yan sa lahat nang lalaking dumaan sa buhay ko hanggang ngayon single parin ako.

Buong buhay ko pinaniwala ko ang sarili ko na kapag naramdaman kong siya na SIYA NA KAAGAD pero mali ako MALING MALI !

"Oh,  mag milk tea ka muna" Raquel

"Ayoko niyan baka tumaba ako wala pang magka gusto sakin" matabang kong sabi sa kanya

"Jusko dai!  Ngayon lang  'to,  pang tanggal stress lang ang OA mo naman.  Ano?  Bitter na bitter ka bakit?  Hindi ka paba sanay ha na palagi kang iniiwan" Pinandilatan niya ako nang mata

"Sige na!  Sayang yung pera ko nilibre na nga kita mag iinarte ka pa"

Kinuha ko nalang iyong inalok niya sakin dahil pinagtitinginan na kami nang mga tao.  Kahit kailan talaga walang pinipiling lugar ang bunganga niya.  Kapag feel niyang pumutak nang pumutak puputak talaga siya wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

"May mali ba sakin? " tanong ko sa kanya out of nowhere

Tinitigan niya ako from head to toe tapos huminga nang malalim.

"Fren ito ha,  maganda ka naman tiyaka yung hubog nang katawan mo ayos na ayos , maganda ang tindig. Wala naman akong nakikitang mali sayo" pag aanalisa niya sakin

"Buti kapa walang mali na nakita sakin. Kung walang mali sakin bakit ganito ako? "

Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga lalaki. Hindi naman ako boring na girlfriend —i think.

"Baka hindi ka jowable fren" Raquel

"Duh!  Sadyang maarte lang sila,  sino ba sila para i break at iwan ako!  Akala naman nila sobrang gagwapo nila pwe! " sa sobrang gigil ko naibagsak ko yung milktea sa mesa dahilan para matapon ito.

"Tara na nga mag party nalang tayo para hindi na uminit yang ulo mo"

Hinila niya ako palabas sa milktea shop at pumara kami nang taxi para pumunta sa party bar.  Palagi kaming nagpaparty kapag stressed out at pagod sa trabaho.  Pero ako palaging nagpaparty para maka move on kaso isang gabi lang kinabukasan broken hearted ulit ako dahil naiisip ko na naman kung bakit ako iniiwanan palagi.

Pagdating namin sa bar umorder agad si Raquel nang inumin para sa aming dalawa.  At nag umpisa kaming mag walwal.

Alam niyo yon,  ang sarap sa pakiramdam kapag ganito walang iniisip. Walang negative vibes basta inom lang nang inom.

Pagkatapos naming makaubos nang ilang baso pumunta kami sa dance floor para mag saya kasabay nang pag galaw nang katawan ang paglimot sa lahat nang sakit at pagwaksi sa lahat nang iniisip na lalong nakakadagdag sa sakit.

Para kaming nga baliw sa gitna dahil kung ano anong sayaw na ang siasayaw namin at wala kaming pakialam sa mga taong pinagtitinginan kami.  I am very lucky to have Raquel as my bestfriend.  We both understand each  other and most importantly we are both crazy kaya hindi kami nakikipag plastikan sa isa't isa.

"WOOOOH! " sigawan nang mga tao sa gitna nang dance floor

"Teka nasusuka ako" sabi ko

"ANO!?  I can't here you! " sigaw ni Raquel

Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na ako papunta sa CR para sumuka.  Pinipigilan kong masuka habggat hindi pa ako nakakarating sa CR kaya lang pagdating ko sa CR nang pang babae naka lock.

"Shooot ano ba to? " kinakalampag ko na iyong pinto pero hindi parin bumubukas

"Hoy!  Sukang-suka na ako!  Buksan niyo tong pinto! " sigaw ko pero hindi parin bumubukas

Kaya sa CR nang lalaki nalang ako pumasok at doon sumuka.  Nang mailabas ko na lahat nang nakain ko pati yung pearls sa milktea na hindi natunaw sa tiyan ko naghilamos ako tiyaka ko lang narealize na nasa CR pala ako nang mga lalaki.

Nagulat ako kasi may lalaking casual na umiihi at hindi manlang na bother na may babae siyang kasama.  Ako pa nga ang nagulat at napapikit nang maidako ko ang paningin sa ibaba niya habang hawak hawak ito.  Bigla akong napapikit like HINDI PA AKO NAKAKITA NANG PAGKALALAKI NANG LALAKI NO!

"Papasok ka dito tapos magtatakip ka nang mata" sabi niya tapos ngumiti nang pilyo.

Nagmadali akong lumabas sa CR , nakita kong nakabukas na yung CR na pambabae doon agad ako punasok kahit amoy tae pa.  Bwisit kaya pala naka lock kanina kasi may tumatae.

Kahit gusto ko nang lumabas dahil sa amoy eh hindi ko magawa.

"Ang gwapo niya,  tiyaka ang laki —nevermind"

Pumikit ako at iniling iling ang ulo.

"Stephanie,  calm down.  Nakainom ka lang kaya ka wala sa katinuan.  Isipin mo nalang wala kang nakita"

Huminga ako nang malalim (amoy tae parin) tapos naglagay nang lipstick at foundation sa mukha dahil nabura kakahilamos ko.

Paglabas ko buti walang tao kaya dumiretso ako sa bar counter para sana uminom kaso nakita ko si Raquel na nakahabdusay na sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan at inalalayang tumayo.

Since naisuka ko na ang ibang alak sa katawan ko hindi na ako masyadong nahihilo.

"Saan ka ba galing?  Ang tagal mo hilong hilo na ako" Raquel

"Kaya mo yan,  deretso pa nga yang pananalita mo e. Uwi na tayo alas otso na bruha ka"

Inakay ko siya palabas nang bar at nag abang nang taxi.  Habang nag aabang nag p-play sa utak ko ang nakita ko kanina,  Lord sana hindi ko na makita ulit ang lalaking yon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko nakakahiya.

Ako pa talaga ang nahiya ,  sadya!  Dapat ako ang mahiya dahil nasilipan ko pa ang lalaking 'yon. Siguro naman nahiya din yon sakin,  nukhang hindi nga siya nahiya pagkatapos niya akong pagsabihan.

Pagdating namin sa bahay pareho kaming bulagta ni Raquel.  Sa iisang apartment lang kami nakatira para makatipid at lesd gastos dahil hati kaming dalawa sa mga gastusin. 

Nang magka boyfriend siya lalo kaming nakatipid kasi halos lahat nang kinakain namin sa araw-araw bili nang boyfriend niya kaya kahit papano sinuwerte ako sa buhay kahit sa pagiging kaibigan lang ni Raquel.

Wala naman kasi akong boyfriend kaya walang manlilibre sakin nang pagkain. Buti nalang talaga mabait si Nathan kaya pati ako dinadamay biya sa budget nilang dalawa ni Raquel.  Tiyaka if ever kaya ko namab buhayin ang sarili ko kahit walang manlilibre sakin para saan pa at nagtatrabaho ako.

Dahil tinatamad na akong maglinis nang katawan pareho kami ni Raquel na natulog nang hindi naliligo.  Hanggang sa pagpikit ko yung lalaki pa rin ang nakikita ko.

Goodluck nalang samin ni Raquel bukas. Sana hindi kami ma late sa trabaho.

Are you the one?Where stories live. Discover now