Chapter One

0 0 0
                                    


Are you the one?

Wasted

Gaya nang inaasahan ko pareho kaming lutang ni Raquel pagka gising namin.  Late na kami sa trabaho pero daig pa namin ang pagong sa sobrang bagal. Alam naming mapapagalitan kami for sure kaya nilulubos na namin ang pagiging late dahil duon din naman ang punta nang sitwasyon namin ngayong dalawa.

"Gaga ka talaga late tuloy tayo" sabi niya

"Wow ha!  Sino kaya ang nag aya na pumunta tayo sa party bar?  Diba ikaw? "

"Sino kaya ang broken hearted sating dalawa? "

Tiningnan ko siya nang nasama.

"Oo na ako na!  Wag na nga tayong ngasisihan lalo tayong malilate e"

Hindi na kami kumain kasi hindi na kami nag abala pang magluto.  Nakaka walang gana pati kumain kapag masakit ang ulo.

Pagbaba namin sa building may nag aabang na kotse sa entrance.

"Boyfriend mo andiyan na" naka ismid kong sabi kay Raquel

Hindi naman sa hindi ako boto kay Nathan para sa kanya sadyang nabi bitter lang ako kapag ang sweet nilang dalawa sa harap ko.  Minsan kasi hindi nila naiisip na may single silang kasama kung makapag lampungan sobra sobra.

"Good morning girls" naka ngiting bati sa amin ni Nathan

"Hey babe,  ang aga mo naman" Raquel at humalik sa pisnge nang boyfriend niya

"Anong maaga late na nga kayo" Nathan at tumingin sa wrist watch niya

"Lets go" Raquel

"Una na kayo may dadaanan pa ako e" tanggi ko

"Ha?  Sabay ka na samin"

"Hindi na mag ta-taxi nalang ako,  may bibilhin pa ako e" explain ko

"Sige,  antayin kita sa office ha" sumakay na silang dalawa sa kotse

Sigh

Nag-antay ako nang taxi tapos sumakay nadin.  Gusto ko sanang umabsent sa trabaho para umuwi sa bahay at matulog buong araw kaso baka masermonan ako nang boss namin kaya kahit ayoko pang pumasok sige push.

Bumaba ako sa isang coffee shop para mag take out nang kape dahil pakiramdam ko puro hangin ang laman nang buo kong katawan.  Hindi pa naman kami kumain kaya bangag talaga ako ngayon.

Muntik pa akong mabangga sa pinto nang coffee shop dahil nahihilo pa ako.  Pesteng buhay ito oh,  wala na ngang boyfriend mabibingutan pa nga yata ako.

Umorder na ako nang kape ,  bale dalawa ang inorder ko isa para sakin at isa para kay Raquel dahil alam kong hanggang ngayon nananakit din ang ulo niya.  Mukha ngang ako lang ang wasted saming dalawa sabagay ganun talaga ang nagagawa kapag in love ang isang tao.

Bitbit ko na yung dalawang kape sa kamay ko ,  malapit lang ang building nang opisina namin sa coffee shop kaya naglakad lang ako.

Maaliwalas ang lugar kaya madaming mayayaman ang nag jo-jogging lalo na ngayong oras. Kadalasan sa kanila may mga dala pang aso para rin siguro magkaroon din nang chance na ma experience ang ginagawa nang mga amo nila.

Habang naglalakad ako kung ano-anong boses ang naririnig ko sa utak ko. Haist ayoko na talagang uminom nang marami kapag may pasok kinabukasan,  bakit kasi nawawalan ako nang kontrol sa sarili kapag si Raquel ang kasama ko,  naku ang babaeng iyon talaga.

Are you the one?Where stories live. Discover now