CHAPTER 26

1.7K 67 14
                                    

Lexie paced in front of me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lexie paced in front of me. Nanahimik lang ako at hinintay siyang magpaliwanag. Napapatingin ako kay Dean minsan. It's like he's nervous as well.

Ano ba kasi ang nangyayari? Pakiramam ko kasi ay ako nalang ang hindi pa may alam sa kung ano man ang itinatago ni Lexie...or JD.

My chest tightened. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Nagsawa ka kaya si JD sa akin? I refuse to believe that.

"Look, Rache..." Hinarap ako ni Lexie pero sa paa ko ang tingin niya.

Just then, biglang hinila ni Dean si Lexie. Pare-pareho naming tinginan ang dumating. JD looked furious.

"What the f*ck are you up to?!" pagalit na sigaw ni JD kay Lexie.

"She deserves to know!" balik sa kanya ni Lexie.

It's like I'm not even here.

"Gusto lang nilang mag-usap," singit ni Dean. Itinago niya si Lexie sa kanyang likuran.

"Shut the f*ck up! Wala kang kinalaman dito," matigas na sabi ni JD.

"Kung hindi mo maamin kay Rache ang kasinungalingan mo, ako na ang magsasabi sa kanya! Nakita ni Rache si Ate Shirley sa apartment mo kanina. She was with me earlier. Paano mo lulusutan 'yun ha?" Lexie pushed JD.

Tumayo ako't pumagitna sa kanila.

"Tama na. Lexie, let's go?" Diretso kong tiningnan si JD at siya ang nag-iwas ng tingin.

I forgot that he can be this cold and cruel.

"Talk to me instead," JD said, still not looking at me though.

"I don't trust you right now," sabi ko sa pagmumukha niya. "Tara na," hila ko kay Lexie. Walang nagawa si JD dahil kahit anong tawag niya sa pangalan ko, hindi ako lumingon. He's not even trying hard.

Sinamahan kami ni Dean hanggang sa makasakay kami ng taxi. Sa biyahe ay tahimik lang kami. Ang dami kong gustong itanong pero 'di ko alam kung saan magsisimula. I am too confused to talk anyway. Lexie seem to be organizing her thoughts as well.

"Is it that bad?" paunang tanong ko. Nandito kami sa may patio. Hindi siya mapakali.

Dahan-dahan siyang tumango bago naupo sa tabi ko.

"JD said he's going to talk to you. But it's been a week! He said I should stay out of it. Binantaan ko siya na sasabihin ko sa'yo ang tungkol kay Ate Shirley at... I thought umalis na si Ate Shirley sa unit ni JD kaya malakas ang loob ko na samahan ka sa apartment niya. Nagulat ako dahil nandoon pa siya."

Natataranta na si Lexie. I tried to be calm.

"Si Shirley ba ang pinsan ni Sean na ex ni JD?" panlilinaw ko. Lalo akong kinabahan nang maiyak si Lexie.

"Ang sabi ni Ate Shirley, si JD daw ang nag-alok na doon muna siya tumira pansamantala habang nandito siya sa town... Habang hinihintay ang pag-uwi ni Sean dito this coming December break. Here's the thing, Rache..."

She sobbed before continuing. "Sean is sick. I just found out when I talked to Ate Shirley."

"Ha? Anong sakit?"

"A rare kidney disease. Ayon kay Ate Shirley, noong midterms last sem daw nagsimula ang paglala ng symptoms. He's been in and out of the hospital at nahirapan ang mga doktor na i-diagnose ang sakit niya. Bandang finals na nang maoperahan siya para tanggalin ang isang kindey niya. Akala nila ay okay na ang lahat pero ayon kay Ate Shirley, kailangan ni Sean ng chemo..."

Tuluyan na siyang napahagulhol.

"Lexie, please tell me you're joking. Hindi ako magagalit..."

Buhol-buhol na ang utak ko ngayon.

"I wish it's a joke. Tinawagan ko ang Dad ni Sean at sinabi niyang si Sean mismo ang nagdesisyon na huwag sabihin sa atin. But JD knew everything. He kept it from us and now, you're JD's girlfriend? Gusto kong alamin at intindihin ang rason nila pero ni isa sa kanila, hindi ako kinakausap ng matino! Humingi pa sila ng pabor sa akin na kung puwede'y hindi mo muna ito malaman. They'll tell you eventually, JD said. But I can't stand it, Rache. You're building your relationship with JD based on a lie. I tried confronting Sean but it seems like he changed his number again."

My world slowed down— still trying to understand what she said word per word.

The reality of it started to sink in as I recalled how Sean acted those times. All those missed Skype calls, deactivating his Facebook, rarely talking and even texting? I hated him for those and JD became the hero who saved me from my misery.

Naiyak na ako ng tuluyan. Paano ko haharapin si Sean? Si JD?

Biglang tumunog nang sunod-sunod ang doorbell. "It's JD, please, open up," desperadong tawag ni JD sa labas.

"Alam kong nandiyan ka. Ako ang kausapin mo," dagdag niya. Tiningnan ko si Lexie, tumango siya.

"Maybe he'll tell you the reason," saad ni Lexie.

"Natatakot ako, Lexie."

"But you'll have to face him eventually. Mag-usap ulit tayo bukas. I need to calm down first too," malungkot na sabi niya.

Nakatayo si JD sa tapat ng gate nang buksan ko iyon. Hindi sila nagpansinan ni Lexie, not even a glance.

"Kailangan ko ng number ni Sean," sabi ko agad kay JD. Ginawa ko ang makakaya ko para hindi pumiyok ang boses ko.

"Hey, Rache, baby, will you please trust me?" he said desperately.

"Are you still asking?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"If I tell you the truth, what will you do?" hamon niya.

"Ang gulo ng isip ko ngayon. Hindi ba puwedeng sabihin mo nalang ang totoo? Kailangan kong intindihin kung bakit ang dami mong itinatago sa akin. And you want me to trust you? Matagal mo nang alam na may sakit si Sean kaya siya naging ganoon sa akin. You kept your mouth shut at hinyaan mo na mahulog ako sa'yo. Please, sabihin mo ang totoo," I cried.

"I will. Just answer me. Do you trust me?" ulit niya parin. His eyes were pleading.

"Sa ngayon, hindi," amin ko.

Dahan-dahan siyang tumango. "Ibibigay ko sa'yo ang number ni Sean pero sana huwag mo muna siyang tawagan o i-text. The last thing he needs right now is worrying about you. Kailangan niya ng maraming pahinga. After prelims, uuwi siya rito at ako mismo ang magsasabi sa inyo ni Lexie."

Bumigat nang bumigat ang paghinga ko. Gusto ko pa siyang sumbatan ng 'iyan lang ang kaya mong ibigay sa akin?' pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Rache, baby, thank you for giving me a chance. Alam ko na naging selfish ako pero sana ay alalahanin mo ang sinabi ko sa'yo noon. I will do anything just so that you won't get hurt. Even if it means you hating me. Baby, this...us...is over..."

Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya. He really won't give me further explanations.

"You said you'll trust me no matter what and just now, you broke that promise. But I'll still keep mine. At least let me call you baby one last time. Good night baby, see you in class." His voice started to break.

"B-bakit hinayaan mo na umabot sa ganito? It's unfair."

Lumapit siya at pinunasan ang luha ko bago yumakap sa akin. All I want is for him to explain so that I can understand. Hindi 'yung ganito na iiwan niya lang ako sa ere dahil hindi niya maharap ang sarili niya.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon