CHAPTER 1

11.2K 182 32
                                    

I'm starting to panic and this guy I'm talking to right now isn't helping

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm starting to panic and this guy I'm talking to right now isn't helping.

"Wala talagang laman 'tong USB mo," ulit ng lalaking nagbabantay sa computer shop na kinaroroonan ko ngayon.

"Kuya paki-check naman ulit. Final project ko ho kasi 'yan," nag-aalang sabi ko. Halatang naiirita na siya sa akin. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng araw na totopakin ang printer namin ay kagabi pa. Ngayon pamandin ang pasahan ng project na 'to at sa first period pa namin! Aabutin ako ng isang oras pauwi at pabalik dito kung sakali. Tiningnan ko ang relo ko, alas sais y media na ng umaga.

"Paano nangyari 'yun? Dapat nandiyan 'yung file dahil tatlong beses ko pa chineck kagabi. Na-virus po ba? Baka po puwedeng linisan para bumalik ang mga files?" dire-diretsong sabi ko. Kinakabahan na kasi ako. May deduction kasi kapag late ng kahit ilang minuto ang project namin.

"Lesson learned, then. Sa susunod, i-save mo sa dalawang USB." Inabot niya sa akin ang USB ko. Humarap naman agad si Kuya sa monitor niya para maglaro. Siguro mas naiirita siya sa akin dahil napahinto siya sa paglalaro nang pumasok ako rito kanina.

"Kuya, may alam ka pa bang shop na bukas ng ganito kaaga?" tanong ko sakanya. Umiling lang siya at hindi na nagsalita. Wala tuloy akong nagawa kundi lumabas na ng shop na iyon.

Ginala ko ng tingin ang mga katabing shops pero wala akong nakitang bukas bukod sa isang bakery. Hindi rin naman kasi ako pamilyar sa mga computer shops dito dahil sa bahay ako nag-iinternet at nagpriprint palagi. Kung sakali, tulog pa si Ate Ria dahil halos kakauwi lang niya mula sa trabaho. Si Mama naman, seven pa matatapos ang shift niya sa ospital.

I started to bite my nails. Okay, don't panic, Rache! Hindi ka naman babagsak dahil sa deduction. Mataas parin ang grade mo!

Minabuti ko nalang na pumasok na. Tinawagan ko nalang si Mama para i-send niya sa akin ang file pagka-uwi niya. Ipapaprint ko nalang 'yun mamayang break.

"Hindi ka pa papasok?" tanong ng tumabi sa akin. Halos mapanga-nga ako nang makita kong si Sean iyon. Classmate ko siya at ang natatanging crush ko sa buong apat na taon ng high school.

"H-ha?" nauutal na sagot ko. Ibinulsa ko ang phone ko. Hinihintay ko kasi ang tawag ni Mama. Ang sabi kasi niya ay siya na ang magpapaprint ng project ko at ipupunta niya narin iyon dito. Kailangan ko lang ituro sakanya kung saan ko isinave ang file.

"Ten minutes nalang, time na," nakangiting sagot niya.

"Ah, oo, may tatawagan lang ako," rason ko. Pinagpapawisan na ang kamay ko. Ganito nalang palagi kapag kausap ko siya.

"Ok. Sige, mauna na ako sa loob. Maghahanap pa ako ng hihiraman ng stapler," nakangising sagot niya bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng campus.

"May stapler ako..." habol ko pero nakalayo na siya. Napangiti parin ako dahil gumaan kaunti ang loob ko dahil nakausap ko ulit si Sean. Nakakalungkot nga lang dahil mukhang hindi ko na siya makikita dahil nalalapit na ang finals and eventually, graduation.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon