"Ano ba talagang ginagawa niya?" Bulong ko sa sarili ko habang napapailing.

Nang makarating ako sa next class ko, nandoon na lahat ng kaklase ko. Mabuti na lang at mas late sa akin yung teacher namin sa subject namin na 'to kaya okay lang. Kahit kailan ay hindi pa naman ako nalate sa mga klase ko kaya talagang sasamain sakin si Kipp kung sakaling late ako ngayon nang dahil sa kanya.

Maya-maya lamang ay dumating na yung teacher namin at nagsimula kaagad siyang mag discuss. Halata mo talaga sa mga teacher kapag masyado na silang naghahabol sa mga tinuturo sa bawat section na hawak nila.

Tahimik lang akong nagsusulat ng mga keywords at nakikinig sa mga sinasabi ng teacher namin sa harap ng mabasag ang aming katahimikan sa pagkatok sa pintuan ng room.

"Yes?" Mataray na sabi ng teacher namin.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at muntikan na kong mahulog sa kinauupuan ko nang bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Kipp.

Anong ginagawa niya dito?!

"Oh, Mr. Kipp Esvega? What brings you here?" Gulat na tanong ng teacher namin.

"Sorry for interrupting your class Ma'am. I'm here for Elya." Aniya at nilibot niya ang tingin niya sa loob.

Ang iba kong kaklase ay nagtitilian at nagbubulungan na. Tapos nakatikim kaagad ako ng mga tingin nila.

Parang gusto ko nang lumubog sa upuan ngayon o kaya ay bigla na lang maglaho. Ano nanaman bang kabaliwan ang ginagawa niya?!

"It's okay." Aniya at tumingin sa akin yung teacher namin. "Elya, come here for a second, Mr. Esvega wants to talk to you."

Mariin kong hinawakan ang laylayan ng uniform ko at ngayon ko lang napansin na nakatingin na si Kipp sa akin at nandoon nanaman sa mukha niya ang nakakaloko niyang ngiti.

Sumenyas pa ang teacher ko na lumapit na ako sa kanila habang ang mga kaklase ko ay halo-halo na ang emosyon. Sino ba kasing hindi maiintriga kung bakit bigla na lang lumitaw sa class room namin ang isang 'to!

Kaya kahit naiilang na ko sa mga tingin nila, dali-dali na kong lumapit sa harap.

"You can talk outside. Pakibilisan na lang at may klase pa tayo." Ani Ma'am.

Tumango naman ako, "Opo, sorry po."

Ngumiti lang naman si Kipp at hinatak ako papalabas. Siya na mismo nagsara ng pintuan.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Sabi ko kaagad sa kanya.

Hindi siya sumagot sa halip, iniangat niya ang isang paper bag galing sa isang fast food chain.

Napakunot ang noo ko at itinuro iyon. "Ano naman yan?"

"Foods, I guess?" Bored niyang sagot.

"Alam kong pagkain yan, pero ano namang kinalaman niyan sa pagpunta mo dito?"

Nagulat ako nang kunin niya ang isang kamay ko at pinahawak iyon sa akin.

"Anong oras na oh? Tanghalian na pero hanggang ngayon may klase ka pa rin?" Iling niyang sabi. "Ang panget mo kumuha ng schedule." Dagdag pa niya.

"Pero, teka lang! Hindi ko naman sinabing bigyan mo ko nito!" Hindi makapaniwalang sabi ko at iniabot iyon sa kanya.

Humalukipkip lang siya at umiling. "Pero gusto kong ibili ka. Saka sakin namang pera yan, huwag kang mag-alala, wala pang 500 yan." Mahanging sabi niya.

"Kahit mapamahal o mura lang ginastos mo dito, ayoko pa rin! Saka hindi pa naman ako gutom, kaya sayo na 'to! Ayokong magkaroon ng utang!" Pilit kong inaabot iyon sa kanya pero parang wala siyang balak kunin ulit iyon.

"Hindi ko rin ugaling bawiin ang ibinigay ko na. Saka di' ba mas magandang, tanggapin mo na lang?"

Napatigil ako at inis na ibinaba iyon.

Ngumiti naman siya nang makita niyang hindi na ko makikipagtalo. Wala naman talagang masama kung tatanggapin ko 'to pero hindi ko lang maatim na si Kipp, magbibigay? Tsk.

"Pero dapat, kung ako nagbigay, kailangan ikaw din, may ibigay o gawing tama sa akin." Nakangising sabi niya.

See? Sabi ko na nga ba, may kapalit ' to! Otomatikong nag-init nanaman ang dugo ko sa hambog na ' to!

"Sa friday na yung laro ko, na sayo na rin yung susi ng locker ko para sa jersey ko. Kukuhanin mo na lang at ihahatid sa game ko para makasali ako." Aniya at kumindat pa siya. Talaga nga naman!

"Kapag hindi mo inihatid yung jersey ko sa friday, lagot ka sakin." Seryoso niyang sabi.

"Pero--"

Hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko nang umalis na lang siya bigla sa harapan ko.

"Pero ayoko talagang--"

Dire-diretso lang siya sa paglalakad at iwinagayway lang niya yung isa niyang kamay.

Napapadyak na lang ako sa inis at kung hindi lang ako nanghihinayang sa mga pagkaing ibinigay niya, baka naihagis ko na.

Simula talaga nang dumating sa buhay ko si Kipp, hindi na ko natahimik!

It's You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon