"Halos ilang buwan lang ang mga tanda nyo sakin tsaka unnies 18 na ako" sagot ko sa kanila na napalabi na

"Ahh basta bata ka pa rin para samin" sabi ni Rosé unnie sabi nya sabay kurot sa pisngi ko. Mas lalo akong napalabi dahil dun

Tumingin ako kay Lisa unnie na parang nanghihingi ng tulong pero tinignan nya lang ako bago nya ako tawanan ng malakas.

"Anyways, mga bata gusto ko maaga kayong uuwi dahil sa mamaya na kami mag hahanda para sa birthday ni Tzuyu" sabi Papa at isa-isa kaming tinignan

"Opo Tito"sagot nilang apat na may kasama pang pag tango

"Ma, pa alis na po kami" sabi ko pagkatapos naming kumain

"Alis na po kami Tito,Tita" sabi ni Jennie unnie habang kumakaway kila mama at papa

"Salamat po sa pagkain" Sabi ni Jisoo unnie na may pag bow pa.

"Sa uulitin po" sabi ni Lisa unnie na may mapaglarong ngiti kaya napatawa na lang sila mama at papa.

"Hoy Lisa grabe ka naman" sabi ni Rosé unnie at binatukan si Lisa unnie bago kumaway kila mama at papa.

"May sarili ba kayong sasakyan?" Tanong ko pag dating namin sa garahe at tumingin tingin sa sasakyan na nasa loob.

"Nope naka motor kami, kay Lisa ako umangkas" sabi ni Jennie unnie sabay lapit kay Lisa unnie

"Ikaw unnie?" Tanong ko kay Rosé unnie

"Kay Jisoo unnie ako sumakay" sabay yakap kay unnie

Since naka pantalon naman kaming lahat okay lang mag motor. Mag momotor na lang rin ako since baka ma traffic kami kapag nag sasakyan ako.

Kinuha ko yung susi ng Ducati sa garage at sumakay na. Pag lingon ko ay naka sakay na rin sila sa mga motor nila si Lisa unnie yung nag mamaneho habang naka yakap naman sa kanya si Jennie unnie.Habang si Jisoo unnie naman ang nag mamaneho sa motor nila at nakayakap rin si Rosé unnie sa kanya.

Pinaandar ko na yung motor hanggang sa makapunta sa may gate. Nilingon ko sila tsaka nag salita.

"Race? Kung sino matalo sya manlilibre ng isang linggo" nakangising tanong ko

Narinig ko pa na nag uusap si Jennie unnie at Lisa unnie

"Wag kang papayag mamaya ma disgrasya tayo" tutol ni Jennie unnie sa balak na pagpayag ni Lisa unnie

"Ano kaba unnie, hindi yan tsaka hindi ko hahayaan na mangyari yun" pagkukumbinsi naman nung isa

"Sige payag kami" sabi ni Lisa unnie hindi na nya hinayaang mag salita pa si Jennie unnie

Nilingon ko naman sila Jisoo unnie.

"Sige payag rin kami"

Nanlaki naman yung mata ni Rosé unnie.

"Sabi mo hindi ka papayag" gulat na sabi nito habang nakatingin kay Jisoo unnie

"Hayaan mo na ngayon lang naman eh" nakangiting sagot ni Jisoo unnie

"Sige pag bukas ng gate ay mag sisimula na tayo" sabi ko at binaba na yung salamin ng helmet na suot ko. 

Biglang bumukas yung gate at agad nilang pinaandar yung mga motor nila nag antay muna ako ng mga 10 seconds bago sila sinundan.

Mabilis kong pinaandar yung motor ko at agad ko naman silang naabutan rinig ko pa yung sigaw nila Jennie unnie

"F*ck you Lisa, slow the f*ck down!!!" Sigaw nito habang mahigpit na nakakapit sa beywang ni Lisa unnie

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now