Prologue

9.7K 389 136
                                    





Matapos ibigay ng dalawang diwatang sina Blue at Red Fairy ang kanilang mga regalong Beauty at Music kay Baby Kyungsoo ay si Green Fairy na.



Pero epic fail kasi dumating si Evil Witch na sa sobrang evil, nakakainis na.



Nanginginig at mabilis ang pintig ng puso ni Hari Do habang nakatingin sa demonyong mangkukulam.



"Bakit hindi niyo manlang ako inimbitahan sa ganitong kaengrandeng pagtitipon, mahal na Hari? Nasasaktan ako." nakasimangot na sabi ni Evil Witch.



Tumayo ang Hari at pinilit na pataasin ang kanyang boses. "Hindi ka karapat-dapat dito! Lumayas ka!"



Pero hindi natinag ang Evil Witch. Nagsimula siyang lumapit sa golden crib kung saan nakahiga si Baby Kyungsoo pero napatigil siya nang makita ang royal baby.



"Bakit napakalaki ng mga mata niya?" gulat na tanong nito sa Hari. "Akala ko ba anak niyo to?"



Halatang nainsulto ang Hari sa sinabi ng Evil Witch. "Huwag kang pakialamera! Gawin mo na ang dapat mong gawin at nang maka-alis ka na!" inis na sabi nito.



Napa-irap nalang si Evil Witch. "Napaka-atat mo talaga kahit kelan, Haring Do." napatingin siya ulit sa baby at pinipilit na titigan ito sa mata. "At ikaw, makinig ka." nakangising sabi ng witch at itinaas ang mahiwagang baston niya. "Sa iyong ikalabin-pitong kaarawan! Ikaw ay matutusok sa isang spindle wheel at ikaw ay mamamatay! At walang kahit na anong kapangyarihan dito sa lupa ang makakatanggal ng aking sumpa! WAHAHAHAHAAHAHAHAHAH!"



At bigla nalang nawala si Evil Witch na parang bula.



Sa sobrang takot ng Reyna, siya ay nahimatay. Agad namang humingi ng tulong si Haring Do kay Green Fairy.



"Hindi ko maaalis ang sumpa pero kaya kong pagaanin ito." sagot ni Green fairy. Lumapit siya kay Baby Kyungsoo at tinaas ang kanyang wand. "Oo, ikaw ay matutusok sa isang spindle wheel pero hindi ka mamamatay. Ikaw ay makakatulog lamang kasama ang lahat ng tao sa kaharian. At tanging halik ng tunay na pag-ibig lamang ang makakagising sayo mula dito."



"Halik ng tunay na pag-ibig?" nag-aalalang tanong ni Haring Do.



Tumango ang tatlong diwata. "Opo." sagot ni Green Fairy. "Ngunit isang bagay ang sigurado ako."



Napakunot noo ang Hari. "Ano yun?"



"Ang tunay niyang pag-ibig... hindi siya galing sa ating panahon."













The KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon