Chapter1

45 5 1
                                    

February 14, 2014 (Valentines Day)---> EXTRAORDINARY DAY for the lovers but for singles IT'S JUST AN ORDINARY DAY. <---

"I love you so much! Will you be my girlfriend?"

Yan ang narinig ko pagkapasok ko sa pintuan ng classroom. Napapailing nalang ako habang nakatingin sa isang lalake na nakaluhod sa harap ko na may hawak na three red flowers at ferrero chocolates.

Nakaluhod siya sa harap ko pero hindi sakin nakatingin kaya napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at hayun nakita ko ang isa kong kaklaseng babae na kinikilig at nagblablush pa.

"Sagutin mo na at ng makatayo na siya diyan."-masungit kong sabi sa kaklase kong mamamatay na ata sa kilig.

Napatingin siya sakin at ngumiti. Haha! Nagawa pa talagang niyang ngumiti e nagsusungit na nga ako. Tsk! Mga inlove talaga.tsss!

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na siyang tumingin sa engot na lalaking nakaluhod parin at sinabing- "Yes! I will be your girlfriend."

Sobrang saya nung lalake at naghiyawan naman sa kilig ang mga kaklase naming babae samantalang may iba't-ibang reaksyon ang mga lalake, may mga napangiti, napailing, at napasimangot. Nuh ba yan! Ang corny. Tsk!

Disappointed akong umalis sa harap nila at umupo na lang sa bakanteng upuan sa likod malapit sa bintana.

Oo disappointed ako pero kung iniisip niyong disappointed ako dahil gusto ko yung lalake o dahil kinilig ako sa sweetness niya, puwes MALI KAYO. AS IN MALING MALI, dahil ang disappointment ko ay bunsod ng panghihinayang na hindi sakin mapupunta yung FERRERO CHOCOLATE. Hehehe! Favorite ko yun e.amp!

Walang humpay ang ingay ng mga kaklase kong babae sa pagkwenkwentuhan tungkol sa kanilang mga boyfriend lalong-lalo na sa mga natanggap nilang mga bulaklak, balloon, cake, chocolate at kung anu-ano pa. Natigil lang sila nang dumating ang professor namin.

Nagsimula na ang discussion ng mapansin kong wala pa sa klase ang tanging tao na kaclose ko sa school na to. Si Liandra na bestfriend ko.

"Nasaan na kaya ang taong yun?" -sabi ko habang nakatingin sa pintuan. Makalipas ang apat-napung minutong manaka-naka akong tumitingin sa pintuan sa pag-aabang sakaniya ay dumating rin siya.

I saw Lian at the back door of our room kung saan kami dapat pumasok o lumabas na mga studyante. Tinignan ko siya sa mata at ang ipinararating ng mga mata ko ay mga tanong kung "bakit ngayon ka lang?"

Ngumisi lang siya sakin bilang sagot. Pumasok siya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko ng wala man lang ni Hi ni Ho sa professor namin o sa mga kaklase namin. Mabuti na lang at kasalukuyang nagsusulat si sir ng isang maxim sa blackboard at ang mga kaklase ko ay wala namang pakialam.

Pagkaupo niya ay tinanong ko siyang muli gamit naman ang verbal language. Wala akong nakuhang matinong sagot sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. NBSBU meets Mr. NBSWhere stories live. Discover now