76( Bibitawan ka )

Start from the beginning
                                    

Nakalabas na ko ng BEG, hindi ko na hinintay pa si bea, hindi na rin ako nag abala pang mag paalam sa kanya. Ang kapal naman ng mukha ko pag ginawa ko pa ang mga yun sa kanya. Nagpapasalamat ako kase halos walang tao akong makasalubong ngayon, walang makakapansin sa kin.....Walang makakapansin na umiiyak ako habang naglalakad pabalik sa eliazo.



Nasa gilid ako ng daan, habang marahang naglalakad at umiiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, kung kanina sa loob ng gym ay nagtapang tapangan ako sa harapan nya para lang masabe ko yun pero ngayong wala na sya at ako na lang mag isa ay parang falls lang na walang tigil sa pag buhos neto sa mga mata ko.



Pahinto hinto pa nga ako kase nanghihina na ang mga tuhod ko tulad ngayon. Hindi ko na nga binilang kung pang ilan na ba to sa paghinto ko basta huminto pa rin ako. Iyak ako ng iyak. Ang sakit at ang bigat bigat na ng dibdib ko, napapahawak na nga ako dito. Nahihirapan na akong huminga, napatingala ako para suminghap ng hangin pero lalo lang akong naiyak kase nakita ko kung gano karame yung stars ngayon sa kalangitan.



Naalala ko na naman si beatriz. Ilang beses na ba nameng ginawa ang tumakas in the middle of the night para lang mag stargazing sa rooftop ng dorm. Dun kame magpipicnic dalawa minsan pa nga, pag nakakalusot si bea ay may dala itong beer incan. Di naman marame, maximum na yung apat na dala nya kase pinapagalitan ko pag madame, ayokong nalalaseng kase sya and to think nasa ateneo pa rin kame no at BAWAL to dito.



Nangingiti ako ng mapait habang pumapasok sa alaala ko yung mga pinagsaluhan nameng moments dun. Madalas kase yun na ang ginagawa nameng dating place lalo na pag sobrang hectic yung schedule namen at halos di na kame magpangita.



Ang mga poste, ilaw at yung mismong lugar na yun ang piping saksi ng mga sweet moments namen, asaran hanggang sa magkapikunan at magkabati na naman, yung mga pagyakap nya sa kin na halos buong gabe nyang gawin at yung mga moments na halos mag make out na kame dun.



Humihikbi ako ng malakas at hindi pa rin mapatid ang pagdaloy ng mga luha ko. Tumunog ang phone ko, hindi ko sana sasagutin yun pero patuloy ang pag ring neto kaya kinuha ko yun sa bag ko. Pagkatanaw ko kung sino yung tumatawag sa kin ay lalo lang akong naiyak. Parang gusto kong ihagis ang phone ko sa malayong malayo para hindi ko na marinig pa ang pag ring neto.



Si nico, yung tumatawag. Hindi na ko nagdalawang isip pa at nireject ko yung call nya sabay off ng phone ko at muli kong inilagay sa loob ng bag ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, isang pamilyar na puting kotse ang dumaan sa gilid ko. Alam ko kung kanino yung kotseng yun kahit di ko na tingnan pa ang plate number neto.



Si beatriz......Kay bea yung kotseng yun.



Nilagpasan nya ako, ni busina ay di nya ginawa. Hindi ko naman hinahangad na pasakayin nya ako matapos yung naging drama namen kanina sa gym. Pinanood ko na lang na mawala sa paningin ko ang kotse ni bea at naglakad muli.


















Parang ayoko ng pumasok sa loob ng dorm. Kanina pa ako dito nakatayo sa harap ng pintuan ng dorm namen pero nakatingin lang ako sa doorknob. Tumahan na ko bago pa man ako nakarating sa eliazo, yun nga lang namamaga ang mga mata ko at napansin yun ni ate guard. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya ng tanungin ako kung anyare sa kin and tuluyan na kong pumasok sa loob.



At heto nga ko ngayon, nakatitig sa pintong nakasarado pa rin sa harapan ko. Natatakot akong buksan at pumasok sa loob baka kase makita yung taong pinili kong saktan kanina lang at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bawiin ang lahat ng mga sinabe ko sa kanya kanina. Hindi ko mapanindigan ang nauna kong naging desisyon......ang masakit na desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now